Part 5

291 5 0
                                    

Zach's POV

I was fourteen years old when I met her. Napakasimple lang niya at tulad nang inaasahan ko maraming lalaki ang nabibighani sa kanya. Nakaupo siya sa harapan ko noon kung kaya kita ko lahat nang mga galaw niya. Yong mga simpleng pag-aayos niya nang buhok at ang mahinang pagtawa niya. Hindi naman sa torpe ako pero hindi ako yong tipo nang lalaking lahat nang gusto ko ay dapat makuha ko. Kontento na akong nakikita siya sa eskwelahan araw-araw.

Isang araw, magkatapos nang klase namin ay naatasan akong tumulong sa paglilinis nang classroom. Nagwawalis ako noon nang lumapit sa akin si Charlotte. Nabigla pa nga ako noon at natulala. Nagpapatulong itong buhatin yong mga halaman sa ibabaw nang shelves. Tumango lang ako noon at alam kong namula pa ako. Hindi naman siguro nakakabawas nang pagkalalaki kapag kinilig ako di ba.
Tinulongan ko siyang buhatin ang mga bulaklak. Tahimik lang ako noon nang biglang may pumatid sa akin kaya tumapon ang paso at nagkalat ang lupa sa sahig. Ang kaklase kong si Joshua ang pumatid sa akin. Napakabully nito at basagulero. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinatid pero hindi na ako nagsalita pa. Narinig ko lang na pinagalitan siya ni Charlotte. Tinitigan niya ako nang masama at matapos iyon ay umalis na siya. May tumulong rin sa akin at si Jiro iyon. Nilinisan namin ang nagkalat na lupa mula sa paso nang punasan ni Charlotte ang mukha ko nang lupa. Tumawa siya nang malakas at sa aaminin ko, mas lalo pa yata akong nahulog sa kanya. Pinunasan niya rin si Jiro sa ilong at saka tumawa. Tumakbo si Charlotte nang pulutin ni Jiro ang isang tabo nang tubig na ididilig sana namin. At sa huli, napapunta kaming tatlo sa office ni Maam.

  Pinagalitan niya kami dahil mas lalo pang kumalat sa room. Pagkalabas naming tatlo sa office ay nagtawanan uli kami. At dahil doon, nagkaroon ako nang kaibigan at mas napalapit ako kay Charlotte.

Hindi na nga ako nahihiya noon sa kanya at naging mas masaya pa ako dahil nasisilayan ko ang mga ngiti niya.

"Zach, may gusto ka ba kay Charlotte?" tanong sa akin ni Jiro minsan nong sabay kami umuwi. Hindi kasi siya sinundo nang papa niya at dahil magkalapit lang naman ang subdivision nila sa amin ay sumabay na siya sa akin sa pag-uwi.

"Hah? H-hindi...." yon lang ang nasagot ko. Kahit komportable ako at kaibigan ko si Jiro ay hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Hindi ko kayang aminin ang totoong nararamdaman ko.

"Akala ko kasi gusto mo siya," sabi nito at saka ngumiti.

"B-bakit mo natanong," tanong ko.

"Dahil balak ko siyang yayain bilang date ko sa darating na prom.," sagot nito. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kanina. Gusto kong sabihing gustong gusto ko si Charlotte pero hindi ko magawa dahil sa mga mata niyang nakatingin sa akin.

Pero ayokong mawalan nang kaibigan.

"Ganoon ba," ito lang ang lumabas sa bibig ko.

"Sa tingin mo papayag kaya siya?" tanong ni Jiro. Tumango lang ako at saka nginitian siya. Tinapik ko siya sa likuran at nang makita kong malapit na siya sa kanila ay nagpaalam ako.

Siguro naman mawawala din itong nararamdaman ko para kay Charlotte. Tumingin ako sa kalangitan at nakita ko ang iisang bituin.

 " Zach!" 


Kilala ko ang pamilyar na boses na iyon. Lumingon ako at nakita kong kumakaway si Charlotte sa akin. Ngumiti ako at kumaway rin sa kanya. Lumapit ito sa akin.

"Good morning," bati nito sa akin. Tumango lang ako. Sabay kaming pumasok sa classroom at nadatnan na rin namin si Jiro. Bumati ito sa amin at naalala ko ang sabi nito sa akin na yayayain niya si Charlotte bilang date.

" Zach, nga pala, sinong valentine date mo sa prom?" tanong ni Charlotte sa akin. Lumingon ako sa kanya at kay Jiro na nag-aabang rin nang isasagot ko.

Gusto ko sanang yayain siya pero ayoko namang saktan si Jiro. Ngumiti lang ako bago sumagot.

"Wala pa."

"Ganoon ba? K-kung gusto mo ta-," naputol ang sanay sasabihin ni Charlotte nang magsalita si Jiro.

"Okay lang yan Zach. Madami pa namang babae diyan eh. By the way Charlotte, gusto mo bang maging date ko sa prom?" tanong ni Jiro.

Nabigla kami pareho ni Charlotte at tumingin ako kay Charlotte kung ano ang isasagot niya. Masama na kung masama pero umasa akong sana'y tanggihan niya si Jiro.
Baka hindi na ako dadalo pa sa prom.

** Fast Forward **

Prom Day

" Zach!" It was Jiro. Nakaayos ito at nakasuot na nang formal attire niya para sa prom. At sa tabi niya ay si Charlotte, na mas lalo pang gumanda dahil sa suot nitong pink na bestida. Escort niya ngayon si Jiro at ako? Hindi na ako nagyaya pa nang ibang kadate para sa prom. Tutal hindi naman ako magtatagal doon. Hindi na sana ako pupunta eh kung hindi lang ako pinilit ni Charlotte na masyado daw akong KJ.

Masquerade ang theme nang prom namin. Nasa gate pa lang kami ay madami nang studyante ang naglalakad kasama ang kanilang date. Naglakad kaming tatlo at si Jiro naman ay todo alalay kay Charlotte.

  "Balita ko may pasabog daw mamaya. I- ooff daw nila yong ilaw for 15 seconds!" sabi ni Jiro. 

"Tapos ano? Huwag mong sabihing may gagawin kang kalokohan dahil lagot ka sa akin," sabi ni Charlotte.

" Hah? W-wala ah," sabi ni Jiro.

Iooff nila ang ilaw for fifteen seconds? Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. I only have fifteen seconds.
Pumasok na kami sa venue sa malawak na area sa school. And as the party goes on ay nakapuwesto ako sa sulok at nakaupo lang habang umiinom nang juice habang tinititigan si Jiro at Charlotte na nagsasayaw. Di naman ako pumunta rito para lang makita silang dalawang nagsasayaw samantalang ako ay nagmumukmok sa sulok. Kaya I have decided na kapag na off na ang power ay ilalayo ko sa lugar na ito si Charlotte. I have to confess to her at bahala na kung ano ang sasabihin ni Jiro. Magdadahilan na lang ako and I have to ask Charlotte na huwag na lang niyang ipaalam kay Jiro iyon kung sakali.

May babaeng nag-alok sa aking sumayaw pero hindi ako pumayag. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa ini announce na ng mc ang pag cut sa power. Inilapag ko ang baso sa mesa at binantayan kung nasaan si Charlotte.
"3"

"2"

"1"

And the lights went off.

Wala akong makita pero alam ko kung nasaan si Charlotte kung kaya diniretso ko lang iyon at nang may mabangga ako ay alam kong siya iyon. Agad kong tinakpan ang bibig nito at hinila siya paalis sa lugar na iyon. Papunta sa likuran nang eskwelahan malapit sa poste na may ilaw. Hingal na hingal ako noon.  

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon