Part 76

151 2 0
                                    


Persia's POV

After nang hearing nang kaso ko, Isiah and the 3 suspects were found guilty. Sa wakas nakuha ko rin ang hustisya sa nangyari sa akin.

" Saan mo gustong kumain Persia?" tanong sa akin ni Alexander. Tumingin ako sa kanya at nakangiti siya sa akin. Sinundo kasi niya ako sa pinagtatrabahuan ko. Nagtuturo na ako ngayon sa isang pampublikong paaralan at nagtuturo ako nang mga nasa kindergarten. Hindi ko ginusto ang kursong kinuha ko noon pero I think ito na siguro ang gusto ko ngayon.

" Kahit saan," sagot ko. Hinawakan niya ko sa kamay at kahit gusto kong alisin ang mga kamay na iyon ay hindi ko magawa dahil alam kong sa gagawin ko mamaya ay mas lalo siyang masasaktan.

I haven't told them yet pero bumalik na ang alaala ko. That's why itinuloy ko ang labas sa korte tungkol sa nangyari sa akin three years ago.

Wala pa akong napagsasabihan tungkol sa pagkabalik nang alaala ko. And last night, I planned on ending everything sa amin ni Alexander at tatapusin ko iyon ngayong araw. Alam kong utang ko sa kanya ang pagkakaligtas ko pero hindi ko naman siya mahal at alam kong masasaktan lang siya sa akin.

"Hey Persia... di ba nakaleave ka sa friday? I was planning on going on a trip sa Blue Beach this weekend with you. What do you think?" tanong sa akin ni Alexander.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa gagawin ko. Huminto si Alexander sa harapan ko at saka hinawakan ako sa kamay. Tiningnan niya ako nang seryoso sa mata at saka ngumiti.

" I was glad you came into my life, Persia Caramel."

Isang linyang ang sarap sarap pakinggan pero sa maling tao ko narinig. I feel guilty sa gagawin ko.

Niyakap niya ako nang mahigpit at pinikit ko ang mga mata ko.

I wish siya si Zach. Sana hindi na lang nangyari ang aksidente noon. Sana hindi na ako nagpumilit pumunta nang gabing iyon. Sana hindi na ganito ang nangyari. Sana hindi na kami nasaktan pa.

Kumalas sa pagkakayakap si Alexander at tumingin sa akin.

"Why are you crying?" tanong niya at nagtaka ako at napapunas sa aking mga mata.

" W-wala," tipid kong sagot at hinawakan siya sa kamay.

" Silly, kung masaya ka, huwag mong pigilan ang mga luha mo. Hindi naman lahat nang luha tumutulo dahil malungkot ka o nasasaktan ka. Minsan, tumutulo iyan dahil masaya ka," sabi ni Alexander.

Hindi niya alam na ang dahilan nang pagtulo nang mga luhang ito ay dahil sa kanya.

Pumara kami nang taxi ni Alexander at saka tumungo sa isang cafe kung saan kami pumunta noon ni Zach.

"Wow, paano mo nalaman ang cafe na ito?" tanong ni Alexander.

" A-ah.. nabanggit ito nang isang kaibigan," pagsiainungalin ko.

Naghanap kami nang bakanteng upuan.

"Kukuha lang ako nang order," pagboboluntaryo ko.

"Sige, ikaw na lang muna pumili nang kakainin natin," sabi ni Alexander. Tumungo ako sa counter at saka umorder.

"Maam?! Ikaw nga! Ikaw nga iyong babaeng nasa litrato!" sabi noong babae sa counter.

"Anong litrato?" tanong ko.

" Kayo po ba iyong pumunta rito para tanungin noong isang araw iyong tungkol sa litrato? Iyong nakadikit po sa dingding?" masiglang sabi noong babae sa akin.

Saka lang nagrehistro sa akin ang ginawa kong pagtanong tungkol sa litrato namin ni Zach na nahanapan ko sa isang lumang box. Oo nga pala, ginawa ko iyon noong wala pa akong naaalala.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon