Part 80

137 2 0
                                    


Zach's POV

" Hindi mo ba siya hahabulin?" nakangiting tanong sa akin ni Charlotte.

Hindi ko siya sinagot at nanatiling tahimik habang nakayukom ang mga kamay ko.

Ako ang dahilan nang lahat nang ito. Sarili ko ang dapat kong sisihin dahil kung hindi ako umalis noon marahil ay hindi na kami humantong sa ganito.

" Well, mabuti naman at nabigyan natin siya nang invitation card," sabi ni Charlotte at umupo.

Bakit sa dinami dami pa nang pwedeng sumira sa buhay ko, bakit kailangang ang babaeng una kong minahal?!

Huminga ako nang malalim at saka sinuntok ang aparador malapit sa akin nang dalawang beses. Nagulat naman si Charlotte at lumapit sa akin para punasan ang dumudugong kamay ko.

"You know how much I love you Zach," sabi niya at saka ako niyakap.

" We're going to be a happy family soon," sambit niya at hinawakan ang mga kamay ko.

" You're going to be a dady soon," dugtong niya.

Kailangan kong tanggapin ang ginawa kong desisyon. Pinapalaya ko na si Persia. Hindi ko rin naman kayang ibigay ang kaligayahang gusto niya. And lastly, kailangan kong panagutan si Charlotte sa nangyari sa amin dahil buntis siya. Her dad was threatening me na kapag hindi ko pinanagutan ang anak niya, company naman namin ang nakasalalay and worst baka pati si Persia ay saktan nila.

Sa ngayon, isa lang akong alaalang nakalimutan na niya. I don't exist in her life anymore at mas mabuti kong kalimutan na lang namin ang isa't isa.

" Leave me alone, please," sabi ko kay Charlotte at saka siya nilayo mula sa pagkakayakap sa akin.

Hindi siya nagsalita at tahimik na umalis sa office ko. Naiwan akong mag-isa roon at hindi ko alam kung bakit pero pumatak ang mga luha ko.

Doon ko napagtantong napakahina ko. Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol at pigilan ang babaeng mahal ko.

Days passed. Malapit na ang kasal namin ni Charlotte and everybody was busy sa paghahanda para sa kasal.

Charlotte was sending me pictures para sa wedding gown niya. Minsan sinasamahan ko na rin siya sa pagpili nang mga damit na gagamitin niya at para sa venue and design nang wedding namin.

" And tada! What do you think about this baby shoes? Isn't it cute?" tanong ni Charlotte habang bumibili kami nang mga damit pambata. Masyado siyang excited sa magiging anak namin. But seriously, hindi siya ang pinangarap kong makasama habang buhay. Maybe she was, pero noong mga bata pa kami hindi na mgayon.

Hinawakan ko ang mga paper bags kung saan nakalagay ang mga pinamili namin. Patakbo takbo lang sa kung saan saang corner si Charlotte hanggang sa bigla itong napahawak sa ulo at mukhang nahihilo.

Agad agad ko siyang nilapitan at mabuti na lang ay nasalo ko siya bago siya matumba nang tuluyan sa sahig.

I called an ambulance at nang may dumating ay agad agad namin siyang dinala sa hospital. Marahil ay napagod ito lalo na at buntis siya. Nakaupo ako sa labas mag-isa at dumating ang parents ni Charlotte.

" Anong nangyari sa anak ko?" tanong nang mama ni Charlotte.

Sinabi ko ang nangyari at bakas ang pag-aalala nang mga magulang ni Charlotte.

" Zach?!" Napalingon ako sa tumawag sa akin mula sa likuran.

" Jiro?!"

" Ikaw nga!" nilapitan ko si Jiro.

"Anong gingawa mo rito?" tanong niya.

Nagpaalam akong lalabas muna ako kasama ni Jiro sa parents ni Charlotte. Pumunta kami sa rooftop at doon ko kinuwento lahat lahat nang nangyari sa amin ni Persia at pati na rin ang kasal namin ni Charlotte.

" I think naging mas miserable ang buhay ko ngayon," sabi ko at ininom ang beer na kinuha ni Jiro.

" I never thought that ganyan na pala ang nangyari noong mga panahong hindi tayo nagkita," sabi ni Jiro.

" And about Charlotte, I never thought she's going that far. It's quiet funny na pinag-awayan pa natin siya but now....,"

Matapos kaming magkwentuhan ni Jiro ay sinabi kong kailangan ko pang puntahan si Charlotte.

" You know, you can always visit me anytime," sabi ni Jiro at saka nagpaalam sa akin.

Nang makarating ako sa labas nang kwarto ni Charlotte ay sakto ring lumabas ang doctor.

" How's my daughter?" tanong nang papa ni Charlotte.

" She's fine. Kailangan lang niyang magpahinga," sagot noong doctor.

" And how about the baby?" tanong ko.

Nakakunot -noong tumingin sa akin iyong doctor.

" What do you mean na baby?" tanong noong doctor sa akin.

" Ibig niyang sabihin... iyong bata sa sinapupunan nang anak ko," sagot ni Tita.

"Sorry to say, pero mukhang hindi po buntis ang anak niyo Maam," sagot noong doctor.

Nakakunot noo akong tumingin at mukhang pati ang mga parents ni Charlotte ay nagulat rin sa sinabi noong doctor.

" Kung wala na po kayong tatanungin, aalis na po ako," sabi noong doctor.

Napaupo ako sa uouan malapit sa amin at napahawak sa noo.

" She's faking it all," sabi ko at pinipigilan ang sarili kong huwag magwala roon.

I lost the girl I love dahil sa kasinungalin niya. Damn her!

" Zach, calm down." sabi nang papa ni Charlotte.

"Mabuti pa ay pumasok na tayo at tanungin siya," sabi ko at padabog na binuksan ang pintuan.

" Z-zach...? T-the b-baby was safe.... huwa--,"

utal na utal na sabi ni Charlotte.

" Baby? Hanggang kailan mo ba balak sirain ang buhay ko?!" sabi ko at kinuyom ang mga kamay ko.

" Zach! Calm down!" pagtatanggol naman noong papa ni Charlotte.

" Calm down?! Hindi niyo alam kung anong nawala sa akin dahil sa kanya!" sigaw ko.

" It's okay. Kahit walang bata sa loob nang sinapupunan ni Charlotte, I still want to continue the wedding. Huwag mong ipahiya ang anak ko," sabi noong papa ni Charlotte.

" She deserves that. She has to pay for ruining my life," sabi ko at saka tinapunan nang masamang tingin si Charlotte na ngayon ay umiiyak.

"I'm so sorry... but please Zach, don't leave me!" pagmamakaawa ni Charlotte pero buo na ang desisyon ko. Hinding hindi ko itutuloy ang kasal and that would make everything she has done to me fair.

" Kapag hindi mo itutuloy ang kasal, I would make sure babagsak ang kompanya ninyo," sabi ni Tito.

" I'd rather take that choice than to marry your daughter," sagot ko.

" I'm warning you.... hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin," sabi ni Tito. I smirked at saka umalis sa kwartong iyon.

I think ay sumasang-ayon na ang tadhana sa akin. I felt like a bird freed from being locked in a cage for a long time. Now, I think I can be with her. I can be with the one I truely love.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon