Part 17

227 5 0
                                    

Persia's POV

Napatingin silang lahat kay mushroom at sa lalaki sa tabi nito. Hawak hawak ni mushroom yong lalaki sa collar.

" Hindi naman kasi ako sang-ayon sa sinabi niyong kagagawan yon ni Perana," sabi ni mushroom.

"Sino si Perana?" tanong noong christmas tree ang outfit.

"Yang babaeng iyan," sabay turo sa akin. Kung hindi lang siguro ako umiiyak at nasaktan ngayon baka nasipa ko na yang mushroom na iyan sa pagtawag sa aking Perana. Nagpunas na ako nang luha noon at tumayo. Itinulak ni mushroom ang lalaking gumawa nang binibintang nila sa akin. Tahimik ang lahat noon at nakatingin silang lahat sa akin. Pinulot ko yong bag ko at saka tumungo sa labas nang building na iyon. Hawak hawak ko noon nang mahigpit yong bag ko sa harapan para takpan ang blouse kong medyo punit. Wala rin akong pake kung puno nang sulat ang mukha ko at pinagtitinginan ako nang mga tao. Naglakad lang ako hanggang sa nakauwi ako nang bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto at umiyak ulit dahil sa nangyari. Hindi na sana ito nangyari at hindi ko na sana nakita pa si Zach. Hinayaan ko na lamang sana siyang maging parte nang aking nakaraan. Kumatok ang kapatid kong si Dianne sa kwarto ko pero hindi ko na iyon binuksan. Hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na ako.

****

"ANO?!" -Stacey

"Naku Persia pasensiya na. Hindi naman namin alam na ganoon pala ang grupo nila Zach!" - paumanhin ni Trisha

" Wala naman kayong kasalanan. Napagbintangan lang ako," tipid kong sagot.

Paulit ulit silang nagsorry sa akin. Hanggang ngayon pa rin kasi ramdam ko yong takot sa ginawa nila. Buti na lang dumating si mushroom kasama noong taong dapat managot sa ginawa nito.

Umiinom ako nang juice noon sa canteen nang magsitilian yong mga kababaihan. Alam ko na kung bakit. Marahil ay dumating na naman ang grupo ni Zach. Hindi ko na nilingon pa ang direksiyon nila pero narinig ko ang mga upuang gumalaw sa table sa harapan namin. Lumingon ako at tulad nang dati, nakatingin sila sa akin. Oo, nakatingin si Zach at ang pitong kasama nito. Pati na ring yong kasama nilang bumastos sa akin at gumupit nang buhok ko. nagkatinginan kami pero agad ko siyang inirapan at nagligpit nang gamit. Ayokong makita ang kahit sino man sa kanila. Agad agad ring nagligpit nang gamit yong dalawa at sumabay sa akin sa pagwalk out sa canteen. Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanila. Nagpaulit ulit ang ganoong pangyayari at kapag nakakasalubong ko ang kahit sino man sa miyembro nang grupo ni Zach, umiiwas ako. Pero sa tingin ko, hindi ko kayang umiwas kay Zach. Nakasalubong ko siya sa hallway at galing akong cr. Mag-isa lang ako noon at ganoon din siya. Nakapamulsa ito at ako napahinto na naman sa paglalakad. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad ito palapit sa akin. Hindi siya tumingin sa akin at diretso lang ito sa paglalakad. Nilagpasan lang niya ako. Akala ko nga pipitikin na naman niya ako sa noo dahil nakatulala na naman ako pero hindi niya iyon ginawa. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Persia," Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon kaya lumingon ako. Tinawag ako ni Zach pero nakatalikod ito sa akin. Ibig sabihin hindi niya ako nakalimutan. Hinintay ko ang mga susunod niyang sasabihin.

"I'm sorry with what happened the other day. Hindi ko na sana hinayaang gawin sa iyo yon ni Alfred," sabi nito nang hindi man lang ako nililingon. Hindi na ako sumagot at hinayaang umalis ito. Naiwan ako doon at hindi ko alam kung paano magrereact. Kung magagalit ba ako dahil hindi niya ako niligtas nang mas maaga noong araw na iyon o masaya ako dahil kinausap niya ako. Hindi ko alam dahil naguhuluhan na ako.

*****

Fast Forward

"Ate! Boyfriend mo nasa labas?!" rinig kong sabi ni Dianne. Natutulog pa ako noon at puyat na puyat ako dahil hindi ako makatulog kagabi.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon