Persia's POV
After naming maglakad lakad sa dalampasigan ay dumiretso kami sa kanya kanya naming kwarto. Nahiga muna ako dahil na rin sa pagod. Napagdesisyonan namin ni Alexander na kumain na lang nang dinner mamaya sa restaurant sa floor namin.
Humiga ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko.
Nagising na lang ako nang may kumakatok sa pinto nang kwarto ko. Bumangon ako at tumingin sa orasan at past 8 na pala nang gabi. Hindi ko alam na matagal na pala akong nakatulog. Nag-ayos ako nang kunti bago binuksan ang pinto. Si Alexander iyon at may hawak hawak na tray nang pagkain.
" P-pasensiya na nasobrahan ako sa tulog. Hindi ko namalayang 8 na," pagpapaumanhin ko kay Alexander.
"That's okay. Oh, I bought our dinner at naisipan ko na ring dito na lang sa kwarto mo kumain nang dinner," sabi niya. Pinapasok ko siya at kumuha naman ako nang magandang damit sa bag ko para makapagpalit.
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa veranda nang kwarto ko at nakita kong nagsisindi nang kandila si Alexander.
" Isn't it romantic?" nakangiti niyang sabi. Ngumiti rin ako at lumapit siya sa akin para alalayan.
Umupo kami pareho at nagsimulang kainin ang mga pinamili niya.
" So I was thinking about letting you meet my parents pagkabalik natin," sabi ni Alexander. Natigilan ako sa pagkain at napatingin sa kanya.
" They are so excited to meet you."
Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanyang hindi na iyon mangyayari.
" And oh, why not invite your parents too para naman makikilala rin nila ang pamilya ko," dagdag pa ni Alexander.
Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pagkain. Nakatingin naman si Alexander sa akin at mukhang binabasa niya kung ano ang magiging reaction ko.
Ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam na may kukunin lang ako sa loob. Tumayo ako at saka naglakad papasok ngunit natigilan ako sa mga kamay na yumakap mula sa likuran.
" Why do I feel like you're leaving me soon," sabi niya at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.
" Tell me honestly Persia, do you love me?" tanong niya.
Huminga ako nang malalim at inalis ang mga kamay niyang nakayakap sa akin at humarap sa kanya.
" Alexander, alam mo kung gaano ako nagpapasalamat sa iyo. Utang ko sa iyo ang buhay ko."
" But do you love me?" tanong niya ulit sa akin. Hindi ko magawang umiwas nang tingin sa kanya.
Siguro ito na ang tamang panahon para aminin sa kanya ang totoo.
" Pasensiya na Alexander... pe--,"
" Maybe I was so stupid to ask you that question, oo nga pala at sinagot mo lang ako dahil may utang na loob ka sa akin. I shouldn't have forced you to love me.... ," sabi ni Alexander at tinalikuran ako.
" Hindi naman sa ganoon."
" Fine, I get it. You don't need to explain."
" Alexander, I did loved you pero it's just that...."
" Tell me Persia....honestly kung tatanungin ba kitang magpakasal sa akin ngayon.... will you accept it?" seryoso nitong sabi.
Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin pero pakiramdam ko ay kailangan ko nang ayusin ang lahat lahat nang nangyayari sa buhay ko ngayon.
" Alexander, pasensiya na pero hindi ang sagot ko."
Walang nagsalita sa amin at kapwa kami naninigas sa kinatatayuan namin. Ilang minuto pa ang lumipas at nagsalita muli ito.
" I know. Hindi ko na sana tinanong pa."
Tinalikuran ko siya at saka tumingin sa kalangitan.
" Bumalik na ang mga alaala ko. I'm so sorry for keeping that a secret from you."
Nanatili uli ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa magsalita muli ito.
" I'm sorry for taking your happiness . I'm sorry for being selfish and I'm sorry for everything," sabi niya at saka naglakad paalis. Bago ito tuluyang umalis ay muli siyang nagsalita.
" Tatapusin ko na lahat nang ugnayan ko sa iyo since you don't need me anymore. At kapag.....kapag nakita mo, act like you've never meet me. With that, It would help me ease the pain. Goodbye."
Nasaktan rin naman ako sa ginawa ko. Nasasaktan rin naman ako para sa kanya pero hindi ko naman susukuan ang taong alam kong magpapasaya sa akin.
Walang iba kundi si Zach.
*****
Kinabukasan ay wala na si Alexander sa kwarto niya. Nag-iwan lang siya nang isang sulat sa mesa at kinuha ko iyon at binasa.
Masakit pa rin para sa kanya ang nangyari pero alam niyang kailangan niya lalo na at bumalik na ang mga alaala ko.
Kinuha ko ang sulat at inilagay iyon sa bag ko. Naoagdesisyonan ko na ring bumalik kung kaya nagligpit na rin ako. Naghintay ako nang bus at nang makasakay ako ay umupo ako pinakadulo. Matagal tagal pa naman ang biyahe pabalik. Hinalungkat ko ang earphones ko sa bag nang mahulog ang puting kwadernong binigay ni Zach sa akin.
Binasa ko ang laman nang lahat nang pahina hanggang sa naisipan kong sumulat sa pinakadulong pahina. Isinulat ko lahat lahat nang gusto kong sabihin sa kanya at kapag nagkita kami muli, ibibigay ko ito sa kanya.
Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si mama na nagluluto sa kusina.
"Oh bakit para namang napaaga ang uwi niyo ni Alexander," tanomg ni mama nang mapansin ako.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at pati na rin ang pagkabalik nang alaala ko.
" Masaya ka ba sa naging desisyon mo? Hindi ka ba nagsisisi? Sigurado ka bang gusto mong balikan ang nakaraan?" dire diretsong tanong ni mama.
Hindi ako sigurado kong ano ang nararamdaman ko pero alam kong tama ang desisyon ko. Gusto kong balikan ang nakaraan.
Gusto kong balikan si Zach kahit alam kong sinaktan lang niya ako.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...