Zach's POV
" So uuwi ka ba dito sa Pilipinas?" tanong sa akin ni Zayne.
"Not sure though, but matatapos na ang contract ko rito and Dr. Miguel is offering me a good job sa isang hospital diyan," sagot ko kay Zayne mula sa kabilang linya.
" Yay! You're going to spend Christmas with us!" sabi pa niya. I smiled and ended up the call.
Sapat na siguro ang tatlong taong nawala ako sa Pilipinas. Ano na kaya ang balita tungkol kina Brylle? I never imagined that iimbitahan pa talaga ako ni Soda sa kasal niya.
Binasa ko uli ang invitation letter. At parang nagflashback sa isip ko ang naging buhay ko rito. Almost everyday akong nagbabasa nang libro sa library and doing researches sa ibat ibang sakit. Kaya nga siguro hindi ko namalayang lumipas ang tatlong taon.
"Dr. Buenavista?" mula sa likuran ay tinawag ako nang isang nurse.
"Why?" tanong ko.
"Dr. Smith needs you," sabi niya.
"Okay, tell him I'll be there in a minute," sabi ko at iniayos ang mga papeles at records nang pasyente sa mesa ko. Nang makapagligpit na ako ay saka lang ako pumunta sa office ni Dr. Smith. He congratulated me about the success of my operation sa ER kanina. He offered me to work with him sa isang malaking hospital sa Mexico but I declined the offer. Mas gusto ko pa ring bumalik sa Pilipinas and work there.
Nagpaalam na ako and umuwi para mag-impake sa flight ko.
I have to say goodbye to my condo. Isa isa kong niligpit ang gamit ko hanggang sa nahulog ang isang litrato mula sa libro ko.
Ang litrato namin ni Persia. That was the time na nakasuot kami nang costume para sa isang theme nang cafe. I was wearing a prince costume at isang bunny naman ang suot niya. Niloko ko siya sa suot niya at siniko niya ako kung kaya blur iyong picture ko. Ngumiti ako sa alaalang iyon.
Kumusta na kaya siya? I haven't heard anything about her for three years. I haven't even said goodbye to her before leaving. Inilagay ko ang litratong iyon sa wallet ko at itinuloy ang pagliligpit.
****
"Flight ZSX will depart at 8:30 Am at gate 11."
That was my flight. Hawak hawak ko ang plane ticket ko and my passport at mag-isa lang ako roon. I haven't contacted Zayne that I'm going home para naman masurprise siya.
Nang makasakay na ako sa eroplano ay umupo ako sa assigned na upuan na nakasulat sa ticket ko.
Kinalabit ako nang flight attendant para iayos ang seatbelt ko. That was when I remembered noong panahong sumama ako sa Capiz. Actually, wala naman talaga akong planong sumama but when I saw how happy she was, ay pumayag ako. Inaayos niya ang seatbelt ko noon sa eroplano and kunwari ay nagtulog-tulugan lang ako. Tumayo siya dahil hindi niya maabot and when the plane departed, ay natumba siya at napakandung sa akin.
That night also when she was lying on the bed dahil sa mataas na lagnat noong nasa Capiz pa kami, she kept on saying my name. Hindi ko nga alam kung bakit ako nasa panaginip nang babaeng iyon eh. But I stole her first kiss on the lips. Nobody knew what I did kaya nang sinabi ko sa kanya ang tungkol doon during the party on Soda's house ay halos matawa ako sa reaction niya.
Inilagay ko ang piring sa mata ko and naisipang matulog na lang sa buong biyahe.
***
Nagising na lang ako nang tapikin ako sa balikat nang isang flight attendant. Mukha yatang napahaba ang tulog ko dahil sa totoo lang hindi rin ako nakatulog nang maayos nang ilang araw.
Nakarating na pala kami sa bansa. Walang sumalubong sa akin dahil hindi ko naman sinabi. Pumara ako nang taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na hotel dito. Gabi na kasi kung kaya bukas na lang muna ako magpapatuloy sa biyahe.
Binayaran ko na iyong taxi at nakapagpacheck-in na ako sa hotel. Sumakay ako sa elevator at saktong isasara ko na iyon ay may babaeng pumasok.
Kilala ko ang babaeng ito. Isa siya sa mga kaibigan ni Persia. Dalawa lang kami sa elevator at nang lumingon siya para tingnan ako ay nagulat siya.
"Zach?" tanong niya.
"Yes... ,"sagot ko. Ngumiti siya at saka tinapik ako sa balikat.
"Ang tagal rin nating hindi nagkita. By the way, I'm Stacey, you remember?" tanong niya.
Tumango lang ako and ngumiti.
"Good to know na buhay ka pa pala," hindi ko alam kung may halong inis o pagasarcastic ang tono nang boses niya.
"Everybody thought na patay ka na dahil wala ka man lang paramdam," sabi niya.
"Well, my flight three years ago was urgent kaya wala akong napagsabihan," panglilinaw ko.
"Isa na namang pagdadahilan mula sa iyo. But anyways, its nice to see you again," sabi niya. Bumukas ang pintuan nang elevator at nagpaalam siyang doon siya nakacheck-in.
"H-how about Persia... what happened to her?" tanong ko.
Nag-iba ang ekspresyon nang mukha niya nang tanungin ko siya tungkol kay Persia.
May sinabi siya ngunit hindi ko na narinig pa dahil nagsara na ang pintuan nang elevator.
I let out a deep sigh. Bakit ko nga pala tinatanong kung nasaan si Persia.
Nawala ako nang tatlong taon kung kaya malamang hindi na niya ako hinintay and... maybe....
baka nagpaksal na siya sa ibang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Notebook
عاطفيةPaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...