Niyakap si Rain ng kanyang ina, na di na tumugil sa pagluha. Nanlambot naman ang mga tuhod ni Rain, at para bang may sumuntok sa kanyang sikmura. Agad naman silang niyakap ni Bryan, ang tatlong taon na kasintahan ni Rain.
Humawak siya ng mahigpit sa braso ng kanyang nobyo, para bang anumang oras ay babagsak siya sa lupa at kakainin siya ng kumunoy, ng pagdadalamhati.Hindi ito totoo ang sabi ng isip ni Rain, nananaginip lang siya. Nasa bahay lang si Faith, katatapos lang niya itong samahan magpacheck up sa OB nito, noong isang araw. Malusog silang pareho ng kaniyang baby, ang mga pagtanggi ng isip ni Rain.
“Pwede na tayong pumasok sa loob Rain, di ko lang nagawa kanina dahil” natigilan ang mama niya, “hindi ko kaya” at muling humagulhol si Siony ang mama ni Rain.
Nang marinig ito ni Rain, ay pilit niyang pinigilan ang lumuha, kailangan siya ng ina, kailangan niyang magpakatatag para rito.
Hinawakan niya ang kamay ng kanyang mama, at ganun din naman ang kamay ni Bryan. Sabay-sabay silang tatlo na pumasok sa loob ng ER.
Sa isang sulok, agad nilang nakita si Faith, nakakumot ito hanggang sa kanyang dibdib.
Faith? Tulog ka lang hindi ba?! Ang sigaw ng isipan ni Rain nang mahawakan na niya ang kapatid. Gusto niya itong yugyugin para magising, pero ayaw niyang mag hysterical para sa kanyang mama, na ikinatatakot ni Rain, na baka bigla itong himatayin.
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata, pilit niyang nagpakatatag, habang akbay siya ni Bryan.
Napansin ni Rain, na walang umbok ang tiyan ni Faith. Nasaan ang baby? Tanong niya sa sarili, hahanapin niya sana ang doctor nang may lumapit sa kanya na isang nurse.
“Miss, nasa nursery po ang baby niya, nagawa pong isalba ni Dr. Peres, may mga kailangan po ang bata, at may kailangan kayong pirmahan para sa birth certificate nito” ang sabi sa kanya ng nurse.
Ang baby ni Faith, ang baby boy ni Faith ay buhay?! , masakit man ang pagkawala ng kanyang kapatid, pero parang musika sa pandinig ni Rain ang sinabi ng nurse.
“Sige na Rain, asikasuhin mo na ang anak ni Faith” ang sabi sa kanya ni Bryan, “ako muna ang bahala rito kay mama”.
“Sige na Rain, kailangan ka ng anak ni Faith, salamat at buhay si Caleb, Diyos ko, Diyos, salamat!” ang naluluhang sabi ni Siony, habang yakap ang walang malay na si Faith.
Tumangu -tango si Rain, at halos patakbo siyang nagpunta sa nursery ng hospital. Nilapitan siya ng isang nurse, at sinamahan siya nito sa nurse station para fill-upon ang isang form para sa birth certificate ng bata. Siya ang tumayong guardian ng baby, at pagkatapos ay bumalik siya sa nursery para tingnan ang anak ni Faith. Pumasok ang isang nurse sa loob at kinarga ang baby para makita niya ito. Muling lumuha si Rain, nang makita ang perpektong si baby Caleb. Pagkatapos ay muling ibinalik ng nurse ang baby sa higaan nito.
Muling lumabas ang nurse para kausapin siya, sinabi nito na any time ay pwedeng lumabas na si baby Caleb.
Sinabi ni Rain, na aasikasuhin niya muna ang puneraryang kukuha sa katawan ng kapatid at babalikan niya si Caleb para kunin ito.
Mabilis na umalis si Rain, para balikan ang ina at si Bryan. Tumawag siya sa isang punerarya para agad na makuha ang kapatid, napagkasunduan nilang mag-ina na tatlong araw lang nilang ibuburol si Faith, at ikicremate nila ang mga labi nito.
Nang makita ni Rain na maayos na ang lahat, at nakuha na ang katawan ni Faith, pinauwi na muna ni Rain ang kanyang ina sa bahay, pinasamahan niya ito kay Bryan. Habang siya ay mamimili muna ng gamit ni Caleb para mailabas niya ito at maiuwi, naiwan kasi lahat sa bahay ang mga damit ni Caleb.
Nang makabili na si Rain ng damit ay agad niyang binalikan si baby Caleb, kinuha na niya ito sa nursery, binayaran na niya ang hospital bills at umuwi na siya sa kanilang bahay.
Inabutan niya pa ang kanyang ina, na naghahanda ng damit na isusuot ni Faith. Pagkakita ni Siony sa kanyang apo, ay naibsan ang paghihirap at dalamhati na nararamdaman ng kanyang puso. Agad nitong kinuha sa mga bisig ni Rain si baby Caleb, at hinagkan ito.
“Para siyang anghel hindi ba mama?” ang naluluhang tanong ni Rain. Tumangu -tango lang ang kanyang ina, na hindi na makapagsalita dahil sa matinding emosyon.
Muling kinuha ni Rain si Caleb sa ina, at inihiga nila sa crib nito. Kumpleto sa gamit si baby Caleb, at halos lahat ng gamit nito ay si Rain ang bumili, dahil sa walang trabaho ang kapatid at wala rin naman itong ama.
Hindi nila kilala kung sino ang ama ni Caleb, nung una at pilit nilang inalam kay Faith kung sino ang nakabuntis sa kanya, pero nagmatigas itong pangalanan ang lalaki, at hindi na nila ito pinilit pa.
“Anak, dadalhin ko lang ang damit na isusuot ni Faith sa punerarya” ang sabi ng kanyang mama.
“Ma, ako na po, bantayan nyo na lang muna si Caleb” ang sabi ni Rain, ayaw na niyang mahirapan ng husto ang ina.
“Opo, mama, kami na po ni Rain ang mag-aasikaso ng lahat dito na lang muna po kayo, at bantayan ang baby” ang sabi ni Bryan.
Napabuntong hininga si Siony, “mas gusto ko nga ang bantayan si Caleb” ang sagot nito.
Isang ngiti lang ang isinagot ni Rain, at mabilis na silang umalis ni Bryan. Ilang oras din ang lumipas, nang maiayos na ang lahat at mailagak na ang mga labi ni Faith sa isang chapel ng funeral parlor.
Umuwi na si Rain sa kanilang bahay, para magpalit ng damit at sunduin ang kanyang ina, bitbit si Caleb ay pinuntahan nila si Faith.
At tulad ng napag-usapan nilang mag-ina, tatlong araw lang na ibinurol si Faith, saka ito nacremate. Pagkatapos ay inuwi nila sa bahay ang urn nito.
Pagkauwi nila sa bahay, ay nadama na ni Rain ang sobrang pagod. Pero nang kargahin niya si Caleb, at titigan ang mala anghel nitong mukha ay nawalang bigla ang pagod na kanyang nadama.
Hinagkan niya ang malambot nitong pisngi at inamoy ito. Nadatnan siya ni Bryan sa ganung sitwasyon, nilapitan siya nito at niyakap, saka hinalikan ang pisngi ni Rain.
“Ako na ang magiging mommy niya” ang bulong ni Rain.
“Syempre kailangan niya ng daddy” ang pabulong na sagot ni Bryan.
Tiningnan ni Rain ang mga mata ni Bryan, and he nodded at her, “bakit di tayo magpakasal, para maging daddy na niya ako” ang sabi ni Bryan.
“Seryoso ka ba?” ang di makapaniwalang tanong ni Rain.
“Mukha ba akong nagbibiro?” ang natatawang tanong ni Bryan sa kanya.
Isang luha ang pumatak sa mga mata ni Rain, and she nodded her head vigorously, “gusto ko yan” ang naluluha niyang sagot.
Hinagkan ni Rain ang mga labi ni Bryan habang karga sa mga bisig niya si baby Caleb. Sa kabila ng pagdurusa at kalungkutan nila, ay may kasiyahang naghihintay para sa kanila ni baby Caleb.
Aariin niya itong tunay na anak, at walang ibang makapaghihiwalay sa kanila nito, ang sabi ni Rain sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...