"Bye Rain!"
"Bye! Ingat!" ang magiliw na pamamaalam niya sa kanyang mga ka trabaho, nang sabay-sabay silang lumabas ng bangko. Lingid sa kanyang masayang pamamaalam ay ang bigat naman ng kanyang saloobin, na itinago niya sa likod ng kanyang mga mga ngiti.
Pagkalabas ay nag kanya - kanya na silang lakad, patungo sa iba't ibang direksyon. Kung dati ay agad siyang maglalakad patungo sa sakayan ng jeep, ay tila walang direksyon ang kanyang bawat paghakbang.
Hindi katulad ng dati na nagmamadali siyang makauwi, ngayon ay nagpalipas muna ng oras si Rain. Patuloy ang kanyang paglalakad, na walang patutunguhan, may mga nakasalubong at nakasabay din siya na mga naglalakad na may liksi sa bawat mga hakbang, tila ba, nagmamadali at nananabik ang mga ito, na makauwi sa kami-kanilang mga pamilya.
Sa kanyang paglalakad ay natunton niya ang isang parke. Rain, realised, that, she's been working in this area, pero, ngayon pa lang niya napuntahan ang parke na iyun. Humakbang ang kanyang mga paa patungo doon at naghanap siya ng kanyang tahimik na mapupwestuhan. Hanggang sa makakita siya ng isang bakanteng park bench. Mabilis siyang lumapit at saka siya naupo sa mahabang upuan na gawa sa bakal at kahoy. At pinagmasdan niya ang mga taong abala sa paglalakad, muli niyang pinag isipan ang naging desisyon niya, at ang mga nangyari nitong nakaraang araw.
Masama man ang loob, ay naghiwalay na sila ni Bryan. She knew from the start, na hindi talaga siya handang magpakasal kay Bryan, pero dahil nga kay Caleb at sa alok nito sa kanya noon ay pumayag siya.
Pero dahil sa narinig niya mismo kay Bryan, na isang burden para rito, isang sakripisyo, ang pagpapakasal sa kanya, ay nakahinga na siya ng maluwag, at alam niyang, magiging madali para kay Bryan, ang mag move on sa buhay nito.
Although thankful siya kay Bryan, sa mga ginawa nito, para sa kanila ni Caleb, na ayon rito ay SAKRIPISYO, ay kailangan niya itong gawin. Para kay Caleb at para sa kanya.
Hindi siya selfish, mas inuuna nga niya ang iba, bago ang sarili niya. Pinagpapaliban niya ang kanyang kaligayahan, para sa kaligayahan ng iba. Alam iyan ng kanyang pamilya, alam iyan ni Bryan.
Ngayon lang niya inisip ang sariling kaligayahan, ngayon lang niya inisip ang sarili. NGAYON lang. Ang paulit – ulit na sabi ni Rain sa sarili.
Kaya nasaktan siya ng husto, ng sabihan siya ng kanyang mama, na hindi na niya inisip ang damdamin ng iba.
Rain sighed, tiningnan niya ang kanyang suot na relo, alas siyete na ng gabi. Kinuha niya ang kanyang phone sa bag, alam niya na sa mga sandaling iyun, the moment she dialled his number and make the call, ay magbabago na ang kanyang buhay. At alam niyang, hindi magiging langit ito.Nakaupo si Deven sa kanyang swivel chair, tapos man na, ang office hours ay, nag stay pa rin siya sa kanyang opisina.
Nang may nagbukas ng pinto ng kanyang opisina, at pumasok doon ang kanyang business partner at best friend na si Ace DuPont.
Naglakad ito papalapit sa kanyang lamesa at naupo sa cushioned armchair sa tabi ng lamesa.
"Deven! Tara na! Wag mong sabihin na pass ka na naman, aba naman, magpapamisa na yata ako niyan, halos isang linggo ka ng hindi sumasama sa amin na lumabas ah? Our friends missing you" ang giit nito sa kanya. At ang friends na tinutukoy nito, ay hindi friends, na malapit na kaibigan, kundi, friends with benefits.
Umiling si Deven at napangiti.
"Sorry Ace, pero, may mga aasikasuhin pa ako" ang pagtanggi niya rito.
"What? What does that even mean?" ang kunot noo na tanong ni Ace sa kanya.
"Abala ako Ace, sige na, kayo na lang, next time na lang siguro" ang giit niya.
Tinitigan siya ni Ace, para bang tinubuan siya ng bukol sa mukha.
"Talaga bang nagbago ka na?" ang di makapaniwala nitong tanong.
"Abala lang talaga ako" ang sagot niya.
"Dahil kay Caleb?" ang tanong ni Ace.
Napabuntong-hininga si Deven bago sumagot, "you could say that" ang matipid na sagot niya. Hindi niya pa nabanggit sa kaibigan ang kanyang naging plano.
Tumangu-tango si Ace, "okey, I'll leave you be, pero, next time ha, di ka na pwedeng hindi sumama" ang giit nito sabay tayo nito at mabilis na naglakad palabas ng opisina niya.
Pinagmasdan niya ang nakapinid na pinto, oo, hindi na nga siya masyadong naglalagi sa club, nitong mga nakaraan na mga araw. Tila ba gusto niyang mag seryoso at magtino na, dahil sa bubuo na siya ng pamilya. Kunot ang noo niya ng biglang tumunog ang kanyang phone, tiningnan niya ang pangalan ng caller sa screen. Pangalawang araw na, at ngayon, malalaman na niya ang kasagutan nito.
"Yes?" ang sagot ni Deven sa kabilang linya.
"I accept your offer" ang tanging isinagot ni Rain."Di ako makapaniwala na tinanggap mo ang alok ng lalaking iyun" ang galit na sabi ng kanyang mama sa kanya.
Napabuntong hininga si Rain, "ma kailangan ko itong gawin" ang matamlay na sagot ni Rain, pagud na pagod na siya sa pagpapaliwanag at pakikipagtalo sa kanyang mama.
"Isipin mo nga? Ikakasal ka sa lalaking dahilan ng pagkasira ng buhay at pagkamatay ng kapatid mo?" ang dagdag pa ng kanyang ina sa kanya.
Napapikit si Rain, "ma, may pagkakamali rin si Faith, alam niyang babaero si Deven pero pinatulan pa rin niya, saka nilihim niya sa atin ang pagpunta kay Deven, kahit pa sinabihan na natin siya sa huwag ng makipag komunikasyon sa tatay ni Caleb" ang mariin sa sagot niya.
Nagpamewang ang kanyang mama sa harapan niya, "aba Rain, ikakasal ka lang sa lalaking iyun, nakuha mo na siyang ipagtanggol?" ang di makapaniwala na tanong sa kanya ng kanyang ina.
Kinagat na lang ni Rain ang kanyang labi, at pinigilan ang sarili na sumagot pa sa kanyang mama. Batid niyang walang mapupuntahan ang paliwanag niya rito.
"Kailan pala ang magiging kasal mo?" ang nakasimangot na tanong sa kanya ng ina.
"Hindi ko pa po alam ma, magkikita po kaming ulit para mapag-usapan ang tungkol doon" ang sagot ni Rain.
"Huh, tinatanong ko, hindi dahil sa interisado akong magpunta, dahil babalik na ako sa Bataan, dun na ako titira sa bahay ni Tita Letty mo, at wala naman na itong kasama sa bahay" ang nakaismid na sagot ng kanyang mama.
"Pero bakit aalis pa kayo rito sa bahay?" ang takang tanong ni Rain sa kanyang mama, habang nakatayo siya sa may pinto ng kwarto nila ni Caleb.
"Ayokong masaksihan ang mga magiging pasakit mo sa buhay, sa piling ng lalaking iyun, dahil sa MALI mong desisyon" ang sagot ng kanyang mama.
"Ma, may iba pa bang paraan kayo na pwede sa aking isuhestiyon para makuha ko si Caleb kay Deven?" ang iritadong patanong na sagot ni Rain, napapagod na siya sa mga patudsada ng ina. At tuluyan na siyang lumabas ng kanilang kwarto, at tumayo sa harapan ng kanyang ina.
"Kasi kung mayroon po kayong ibibigay na suggestions sa akin, na makukuha ko si Caleb sa ibang paraan, ay, hindi ako magpapakasal kay Deven" ang dugong na hamon niya rito.
Hindi nakasagot ang kanyang mama, nagdabog lang ito, at iniwan siya na mag-isa na nakatayo sa salas. Pinisil ni Rain ang kanyang ilong, at napabuntong hininga na lang siya.
Ngayon pa lang, nahihirapan na siya sa buhay niya, paano pa kaya kapag naikasal na siya kay Deven? Ang tanong niya sa sarili.
Muli siyang naglakad pabalik sa kwarto nila ni Caleb, sinilip niya ito sa crib. At naluha siya nang makita ang mala anghel nitong mukha.
"Mabuti ka pa Caleb, nakakatulog ka ng mahimbing dahil alam mong maraming nagmamahal sa iyo" ang bulong ni Rain.
Hinimas niya ang malambot nitong pisngi, saka siya yumukod para halikan ito. At di niya napigilan ang tumawa ng mahina, nang may gumuhit na ngiti sa mga labi ni Caleb.
Nakapagpalit na ng pantulog si Rain, muli niyang sinilip si Caleb sa crib nito, at nang makita niyang tulog na tulog ito, ay saka siya nahiga sa kanyang kama.
Ilang minuto pa lang siyang nakapikit nang marinig niya ang ring ng kanyang phone sa loob ng kanyang bag. Naupo siya sa kama at inabot ang bag, na nasa upuan na katabi ng kama. Kinuha niya ang phone sa loob.
Napabuntong hininga siya nang makita ang caller, sinagot niya ang tawag.
"Bakit?" ang agad na tanong niya kay Deven sa kabilang linya.
"Susunduin kita sa work mo bukas, we need to talk about the wedding" ang sagot nito sa kanya.
Rain sighed, "okey" ang tangi niyang naisagot.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...