Rain couldn't wait the suspense any longer, kung anuman ang kailangan niyang malaman tungkol sa DNA result, ay sabihin na ni Deven, hindi yung, patatagalin pa nito, dahil sa totoo lang, naiihi na siya sa suspense! "Ano bang result ng DNA?" ang galit na tanong ni Rain and she looked at him straight in the eyes while she folded her arms across her breasts. Pero nag-init ang mukha niya, ng makita niya ang mga kulay abong mata ni Deven, na bumaba sa kanyang mga dibdib. And she gritted her teeth, sa pagpipigil ng kanyang inis.
"What?!" ang galit niyang tanong dito.Deven sighed, at inilapag nito sa saucer ang hawak na cup, kinuha nito mula sa kanyang back pocket ang isang papel na tinupi. Iniabot nito ang papel kay Rain. Inilapag nito sa lamesa sa kanyang harapan ang nakatuping papel.
"It's 99.9% match Rain" ang mahinang sabi ni Deven sa kanya.
She stared at the piece of paper, at nakaramdam na si Rain ng panlalambot at panlalamig ng buo niyang katawan, at halos nanginginig ang kanyang kamay na dinampot ang papel at saka dahan-dahang binuklat iyun.
Tahimik na binasa ni Rain ang nakasulat, kahit pa alam na niya sa simula pa lang na si Deven ang ama ni Caleb, ay di pa rin siya handang tanggapin ito.
"Ako ang daddy ni Caleb at kukunin ko na siya" ang sabi ni Deven.
Rain shook her head vigorously, "hindi, hindi mo makukuha sa akin si Caleb ng ganun na lang, nang walang LABAN. I'll also file a child custody case" ang mariing sagot ni Rain.
"Alam mong matatalo ka lang sa kaso, bakit gusto mo pang lumaban?" ang galit ding tanong ni Deven.
"Dahil ANAK ko si Caleb" ang mariin niyang sagot, at pinigilan niya ang matinding emosyon na maghari sa kanyang dibdib ng mga sandali na iyun, dahil ayaw niyang lumuha sa harapan ni Deven.
"Anak ko si Caleb, oo, hindi ako ang nagdala sa kanya sa loob sinapupunan ko ng siyam na buwan, pero ako ang nandun sa checkups ni Faith, hindi ikaw"
"Ako ang unang nagpahele sa kanya nung mga gabing umiiyak siya, at di siya makatulog, ako at hindi ikaw"
"Ako ang nagpuyat sa pagtimpla ng gatas niya sa madaling araw, at binabantayan ko siya para di siya mabulunan pagkatapos niyang dumede, ako at hindi ikaw".
"Ako ang unang nakadinig ng kanyang paghalakhak, ako ang nagpahid ng mga luha niya sa tuwing siya'y umiiyak, ako at hindi ikaw".
"Ako ang unang nag cheer sa kanya ng matuto na siyang dumapa, gumapang at umupo, hindi ikaw"
"AKO," ang mariin niyang sabi, sabay turo ng kanyang hintuturo sa kanyang dibdib," ang tumayong ama at ina niya sa loob ng halos apat na buwan, AKO at hindi IKAW" ang mariin at halos naiiyak na sabi ni Rain.
Pinigilan niya ang sarili na lumuha, kahit pa nanginginig na ang boses niya. Hindi niya ipapakita sa lalaking ito na mahina siya. Kaya ni gapatak na luha ay ayaw niyang makita nito.
"Yun lang ang lamang mo sa akin, ikaw ang tatay niya, galing siya sa katawan mo" ang sabi ni Rain, sabay iling niya.
"Pero in every sense of the word, ako ang naging TATAY niya" napabuntong-hininga siya, bago muling nagsalita.
"Ang dami mo namang babae, bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo kay Caleb? Mag – asawa ka na at bumuo ng pamilya mo. Kalimutan mo kami" ang sabi ni Rain.
Deven shook his head, "kahit pa anong sabihin mo ay anak ko si Caleb, itigil mo na ang iniisip mong child custody case, dahil mababalewala lang ito" ang sagot ni Deven, while Rain glared at him, "at pinatatagal mo lang ang mga sandaling makakasama ko na si Caleb, kapag nagkasuhan pa tayo" ang kunot noo na sagot ni Deven sa kanya.
"Papayagan kitang dalawin si Caleb, any time you want" ang sabi ni Deven, ang dugtong pa nito.
But Rain kept on shaking her head, "no, hindi ko kakayanin malayo sa akin si Caleb. Kahit nagtatrabaho ako, ang laman ng isip at puso ko ay si Caleb, hindi ko kakayanin na malayo siya sa akin" ang sagot ni Rain.
" Hindi ko rin kakayanin ang mawala ang anak ko sa akin" ang sabi ni Deven.
"Then hindi ko siya isusuko sa iyo, ng ganun kadali lang" ang determinadong sagot ni Rain, "hindi ko hahayaang kunin mo ulit ang isa sa mga mahal ko" ang sabi ni Rain.
Kumunot ang noo ni Deven, at halatang nagpipigil ito ng galit, pero hindi natatakot si Rain, alam niyang giyera ang susuuingin niya, kaya napaghandaan na niya ito.
"Kinuha mo na si Faith sa amin, kaya hindi ako papayag na kunin mo pa si Caleb" ang galit na sabi ni Rain.
"Look"ang galit na sabi ni Deven, and he pound his fist on the table, napalingon siya sa paligid at tiningnan kung may nakapansin sa ginawa niya, he sighed nang makita naman niyang walang nakatingin na tao sa kanila.
"Huwag mo akong sisihin sa pagkamatay ng kapatid mo, it's not my fault if she's suicidal"ang sagot ni Deven.
"Patatagalin mo lang lalo ang paghihirap mo kung magmamatigas kang ilaban pa ang kaso mo" ang dugtong pa ni Deven.
"Wala akong pakialam, kahit gumapang ako sa lupa, basta alam kong ginawa ko ang lahat para ipaglaban ang karapatan ko kay Caleb, hindi ko padadaliin ang laban para sa iyo" ang sagot ni Rain.
Deven sighed, alam niyang ganito ang magiging reaksyon ni Rain, pero di niya inakala ang katatagan nito.
"Look, kung magkakasuhan pa tayong dalawa para sa custody kay Caleb, aabutin tayo ng mahabang panahon, at pareho tayong mahihirapan para sa mga masasayang na oras, at sa dulo naman ng laban ay isa sa atin ang matatalo at masasaktan" ang sabi ni Caleb.
Umiling si Rain, pero sinenyasan siya ni Deven, na hindi pa siya tapos magsalita.
"Kaya para matapos ang paghihirap nating dalawa, may suggestion ako" ang sabi ni Deven.
Kumunot ang noo ni Rain, pero napukaw ni Deven ang interest niya.
"Anong suggestion?" ang tanong ni Rain.
Deven looked at her straight in her eyes, "let's get married".
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...