Late na kinabukasan ng bumaba mula sa kwarto nito si Deven.
Huh syempre puyat na puyat, ang sabi ni Rain, sa sarili. Hindi na siya naghanda ng almusal, she didn't want to play the good wife again. Tutal, sabi nga nito, na sanay naman siyang gumawa ng breakfast niya sa umaga, then gumawa siya ng breakfast niya, ang himutok ni Rain sa sarili.
Galit siya kay Deven, hindi dahil sa nagseselos siya, sa kasama nitong babae kagabi, ha ha ha that's ridiculous! ang sabi niya sa kanyang sarili.
Galit siya dahil sa, kahit na may asawa na ito, ay patuloy pa rin ito sa pagiging BUHAY BINATA, without even thinking, na pati siya ay damay sa kasiraan nito.
Kasalukuyang nasa breakfast nook pa rin sila ni Caleb nang pumasok si Deven sa kusina, at tanging pajama lang ang suot nito, his eyes wore those sleepy look again, and his hair was dishevelled.
"Good morning" ang bati sa kanila ni Deven.
"Uh-uhm" ang tangi niyang sagot, she tried not to look at his bare chest, even if she already saw the smooth expanse of his toned chest and broad shoulders. Pilit niyang itinuon ang kanyang atensyon kay Caleb, na pinapakain niya ng biscuits.
"Ahm, may coffee na ba?" ang antok na tanong nito sa kanya.
She cleared her throat, "oo" ang matipid niyang sagot.
He walked towards the kitchen counter kung saan nakapatong ang carafe, kumuha siya ng mug sa cupboard at nagsalin siya ng kape.
"You want some?" ang tanong nito sa kanya without turning his back to look at her. Which was good for her, dahil pinagmamasdan niya ang malapad na likod ni Deven.
"Uh, no, tapos na" ang matipid niyang sagot, sabay iwas ng tingin kay Deven, saka lang niya napansin na ang isinusubo niyang biscuit kay Caleb, ay sa leeg na pala niya ito isinusubo.
Napangiwi siya at agad niyang dinampot ang napkin na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, at pinunasan ang leeg ni Caleb.
"Sorry" ang bulong niya kay Caleb, habang pinupunasan ang bibig at pinapagpagan niya ang bib sa dibdib nito.
"What?" he asked her, when he turned to her, at naglakad papalapit sa kanila.
"Hindi ikaw kausap ko si Caleb" ang sagot ni Rain.
He took a seat next to Caleb, and he gently pat Caleb's head.
"So what did he say?" ang tanong sa kanya nito.
"Who?" ang balik tanong niya na may halong pagtataka. At nakakunot pa ang kanyang noo.
Deven gave her that amused smile his gray eyes glinting on her. While he sipped his coffee.
"Oh Yeah Caleb, he told me that I'm the best mommy ever, hindi ba Caleb? Say mama" ang sagot niya kay Deven, pero nakatuon ang mga mata niya kay Caleb while she continued to put biscuits into his mouth.
"Caleb say papa" ang sabi rin ni Deven kay Caleb na binigyan siya ng malapad na ngiti.
Rain rolled her eyes on him, at ipinagpatuloy niya ang pagsubo ng biscuit kay Caleb. Lagi na lang kasi itong nagngangatngat ng kamay, hula niya na baka tinutubuan na ito ng ngipin.
She pulled down Caleb's lower lip para makita niya ang gums nito, napansin niya kanina na namumuti ito at nangangapal.
"Anong tinitingnan mo sa gums niya?" ang interisadong tanong ni Deven.
"Madalas kasi ang pagkagat at pagngatngat niya ng kanyang bib, I think he's teething already" ang sagot niya.
"Teething? You mean tinutubuan na siya ng ngipin?" ang excited na tanong ni Deven.
"Uh-huh" ang sagot niya.
Deven continued to watched her every move for a long while already while he's sipping his coffee and she already felt conscious.
She sighed, "bakit ba?" ang inis niyang tanong.
"Ah, sorry nga pala kung di ako nakabalik sa oras na sinabi ko" ang sabi nito sa kanya.
"Okey lang, hindi naman ako naghintay" ang pagsisinungaling niya.
"Really? Well that was a relief, akala ko kasi naghintay ka" ang sabi nito sa kanya, pero taliwas sa relief na naramdaman ay parang nasaktan siya, dahil di man lang nagpakita ng pagpapahalaga sa kanya si Rain.
"Oo, mga before nine natulog na kami ni Caleb" ang sagot niya, "anong oras ka ba dumating?"
"Ahm, mga past one na ako nakauwi" ang sagot nito, "may investor akong kasama kagabi".
Huh, investor? The nerve! Nagsinungaling pa! Itulak ko kaya ang kamay nito habang hawak ang mug sa bibig, para masungalngal ang bibig ng kire na ito! Ang galaiti ni Rain.
"May.. Ulam pa ba na natira kagabi, yung.. Niluto mo?" ang tanong nito sa kanya.
"Wala na, itinapon ko na, sayang kasi napanis lang" ang pagsisinungaling niya.
Deven looked disappointed, he nodded slowly, "ahm, gusto ko sanang kumain, di bale, I'll cook something, may cup noodles pa naman akong stock sa pantry" ang sagot nito.
She twitched her lips closed her eyes then sighed, "nakapagluto na ako, may ulam at kanin na" ang sagot niya.
"Really?" ang tanong nito sa kanya na biglang nagliwanag ang mukha, "maaga kang nagluto?" ang tanong nito sa kanya.
"Oo MAAGA kasi kaming natulog, kaya MAAGA rin akong nagising, kaya nagluto na lang ako ng pananghalian" ang pagsisinungaling niya, dahil ininit lang niya ang nilutong ulam kagabi at tanging kanin na lang ang niluto sa rice cooker.
"Thanks, gutom na talaga ako" ang pag-amin nito sa kanya, "di kasi ako nabusog kagabi".
E hindi naman kasi talaga nakakabusog ang KINAIN mo sa BABAENG yun, ang nanggagalaiting sabi ng isipan niya.
"Please, sabayan mo ako" ang hiling sa kanya ni Deven.
"Sige na, mabuti pa magsuot ka muna ng t-shirt, it's distracting, I mean, it's not proper" ang mabilis na pagtatama niya sa sarili.
Pero narinig na iyun ni Deven, and he gave her a boyish grin, na lagi na lang humahalukay sa laman loob niya.
"Tayo lang naman ang nandito, Caleb didn't mind, did you buddy?" ang tanong nito sa anak.
"KAHIT NA" ang mariing sagot niya, habang naghahanda ng mga plato sa lamesa.
Deven sighed and pouted, "ayoko ng umakyat sa taas, tinatamad na ako" he complained.
Isang lihim na ngiti ang gumuhit sa labi niya, ang cute kasi nitong tingnan, God! Huwag ka ngang masyadong charming! Ang inis na sabi niya sa sarili.
Nang makapaghain na siya sa lamesa ay pumunta siya sandali sa laundry area, pagbalik niya ay may dala na siyang isang freshly laundered shirt nito.
"O isuot mo" ang sabi niya kay Deven sabay abot ng shirt, na tiningnan ni Deven na akala mo ba isang ahas ang iniabot niya.
Naupo na siya sa kabilang side ng lamesa, para sabayang kumain si Deven.
"Masakit ba sa mga mata mo ang hitsura ko?" ang tanong sa kanya ni Deven, nang maisuot na nito ang shirt na iniabot niya.
"Hindi, gusto ko lang makakain ng maayos" ang sagot niya saka ipinaglagay ng pagkain si Deven sa plato nito, hindi niya iyun plinano o sinadya, pero on impulse ay ipinaglagay niya ito ng pagkain.
Deven looked at her, and deep inside he was so happy sa pag-aasikaso sa kanya ni Rain. It was never like this with Emily. Pero hindi niya dapat ikumpara ang dating asawa hindi ba? Iba si Emily, iba ang sitwasyon nila noon, he was so inlove with her.
"Bakit, distracted ka ba sa nakikita mo?" ang biro sa kanya nito.
"Huh, ayoko lang na may makasabay kumain na parang sanggano" ang pagsisinungaling niya, dahil sa totoo lang ay kahit titigan na lang niya ang katawan at mukha ni Deven, mukhang busog na siya.
Deven again gave her an amused smile, tila hindi naniniwala sa sinabi niya, "I don't think so, your eyes says differently" ang biro nito sa kanya, his gray eyes twinkling.
Nagsimula nang sumubo ng kanin at pork ribs caldereta si Deven. At nang matikman niya ang medyo maanghang na sarsa na kaldereta, ay nagliwanag ang kanyang mukha. He nodded vigorously and gave Rain a wide grin.
"Ang sarap mo palang magluto, kung alam ko lang na ganito ang pagkain sa bahay, malamang maaga akong umuwi" ang sabi sa kanya ni Deven.
"Paborito yan ni Bryan" ang sagot niya.
Biglang tumigil sa pagsubo si Deven, he glared at her at sumimangot ang mukha nito.
"Pwede ba kumakain ako" ang sagot sa kanya ni Deven.
"What? I just said na"-
"Yah I heard you, na paborito ito ng EX MO, EX" ang mariin niyang sabi.
Rain was puzzled kung bakit kailangan pang iempahasize ni Deven ang salitang ex.
"Well, this time, hindi na ito favorite ng PAST mo, kundi DEVEN'S favorite na ito, dahil AKO ang PRESENT" ang mariin nitong sabi na tila pinapaalala sa kanya.
"Fine" ang tangi lang niyang sinagot she answered with a bewildered look in her eyes.
"Maaga ako mamayang uuwi, dito ako kakain ng dinner and I want you to eat with me" ang sabi nito sa kanya.
"Was that a request or a command?" ang tanong ni Rain, na nakaramdam din ng tuwa sa sinabi ni Deven.
"BOTH" ang sagot nito sa kanya sabay kindat ng isang mata sa kanya.
No Rain, please, huwag kang mahuhulog sa charms niya, or you'll end up broken hearted, she commanded herself, but could she command her heart?
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...