"Wala ka bang balak magpalit ng phone?" ang tanong sa kanya ni Deven, habang nagdidrive ito, pauwi na sila sa bahay.
He kept on looking at Rain na nasa passenger's side, habang si Caleb ay nasa baby carrier car seat na naka attached sa backseat.
Panay kasi ang text ni Rain sa phone nito at kinakabahan si Deven, na baka si Bryan ang katext ni Rain.
For the first time ngayon lang siya na threatened sa isang lalaki.
Ayaw naman niyang panghimasukan ang mga kachat ni Rain, pero ayaw din namang niyang magkalapit muli sina Rain at Bryan.
The idea, gnawed at him, at HINDI niya ito gusto. Kung papalitan niya kaya ng phone si Rain, pati ang number nito? Ang sabi niya sa sarili.
"Ano yun?" ang balik tanong ni Rain, and she glanced at him.
Deven bit his lower lip, nainis siya dahil wala ang atensyon nito sa kanila at nasa phone nito, na kay Bryan?
"I said kung wala ka bang balak na magpalit ng phone? Yung mas updated" ang sabi nito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Rain at inirapan niya si Deven, masakit ba sa mata nito ang lumang cellphone niya? Ang tanong nito sa sarili. Limang taon na ang phone niya sa kanya, at dahil sa gastusin ay di na niya nakuha pang magpalit ng phone.
"I'm sorry kung mukhang pangkuskos ng yelo ang phone ko, pero nagagamit ko pa po ito, kaya di ko na kailangan magpalit" ang mataray na sagot ni Rain.
"Mas maganda ang mga bagong labas na phone ngayon, I'm going to get you a new one, gusto mo bumalik tayo sa mall para makuhanan kita"-
"NO Deven, hindi natin kailangan na gumastos ng malaki para lang sa cellphone, alam ko" ang mabilis na sabi ni Rain, para pigilan ang pag sagot sana ni Deven, "na may pambili ka, at barya lang sa iyo ang halaga ng isang mamahaling phone, pero kung hindi naman importante, at hindi kailangan, hindi tayo BIBILI" ang mariing sagot ni Rain.
Deven sighed, mukhang di uubra ang style niya, ang sabi ni Deven sa sarili. While he continued to glance at her, habang nagtitext ito na muli.
"Why don't you check on Caleb?" ang sabi ni Deven, "baka gutom na"
At dahil pangalan ni Caleb ang sinabi niya, agad na tumalima si Rain, at lumingon ito sa likod para tingnan si Caleb, kaya napangiti si Deven, pero panandalian lang.
"Tulog si Caleb" ang sagot ni Rain at nagpatuloy ito sa pagbasa at pagsagot sa mga text messages niya. At may isang text sa kanya ang dati niyang ka office mate tungkol sa katatawanan sa opisina nila, at di napigilan ni Rain ang hindi ngumiti.
And that was the last straw! "Sino ba katext mo?" ang tanong ni Deven at di na siya makatiis na makita si Rain na panay ang dutdot sa phone nito, at baka si Bryan pa ang kausap nito.
"Kaibigan ko lang" ang simpleng sagot ni Rain na hindi man lang siya tiningnan.
Deven bit the inside of his cheek, there must be some way para hindi na siya makontak ni Bryan, ang sabi niya sa sarili.
"Saulado mo ba ang lahat ng number sa contacts mo?" ang biglang tanong ni Deven.
"Hmm, bakit mo naman naitanong?" ang balik tanong ni Rain na naweirduhan na kay Deven, simula pa kanina sa supermarket ay iba na ang ikinikilos nito.
Naisip tuloy ni Rain ang mga sumunod na nangyari kanina pagkatapos nilang makausap si Bryan.
Hindi na nito inalis ang braso sa pagkakaakbay sa kanya, at di lang yun, paminsan – minsan pang bumababa ang kamay nito sa kanyang likod hanggang sa kanyang bewang, at naka possessive gesture ito. Sa kadahilanang, hindi niya alam, hanggang sa ngayon. At ngayon naman ay number sa contacts naman ang itinatanong nito.
"Yung iba, saulado ko, like yung kay mama, saulado ko na talaga yun" ang sagot niya, "bakit ba?"
"Wala lang" ang mabilis niyang sagot, "ako kasi hindi ko saulado".
"Huh, eh sa dami ng babae mo, siguradong puno agad ang contacts mo" ang iritadong sagot ni Rain.
Deven gave her an amused smile, "wala kang makikitang number ng mga babae sa phone ko Rain"-
"Kasi may password cell mo" ang putol ni Rain.
"KASI, hindi ko kinukuha mga numbers nila" ang sagot ni Deven.
"Sus, e yung mga girlfriend mo, hindi ka tinitext?" ang di naniniwalang tanong ni Rain.
"Binubura ko agad number nila"-
"Kapag nakuha mo na gusto mo"-
"Kapag"-
"Kapag nagsawa ka na"-
Deven sighed, "pwede patapusin mo ako magsalita?"
"Alright" ang sagot ni Rain saka nagkibit balikat.
"Dahil hindi ko naman sila minahal" ang sagot nito, and he glanced at her.
Natigilan si Rain sa sinabi ni Deven, and hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Iniiwas niya ang kanyang mga mata rito, at tumingin a lang siya sa labas. At nanatili silang tahimik hanggang sa marating nila ang bahay.Iniligpit na agad ni Rain ang kanilang mga pinamili habang si Deven, ay pinakain muna si Caleb. Gustong – gusto ni Deven, na magkasama sila ng anak, kaya pinagbigyan ni Rain ito.
Pagkaluto niya ng uulamin nila sa gabi, ay sinimulan na ni Rain ang magbake. Trial baking muna ang gagawin niya at kapag successful, ay bukas na siya gagawa ng kanyang pang free taste.
Nang mapansin ni Deven na nagsisimula nang gumawa si Rain sa kitchen, ay lumapit siya bitbit si Caleb sa isa niyang braso, habang ang isa ay bitbit ang highchair.
"Pwede ba kami manuod ni Caleb mommy?" ang malambing na tanong ni Deven, at ngumiti pa ito ng matamis.
Natawa naman si Rain kay Deven, "OK, pero bawal dumampot ng ingredients ha?" ang paalala ni Rain, she raised her index finger and tapped the tip of Deven's nose.
"Yes mommy" ang sagot ni Deven.
Naging abala si Rain sa pag gawa, ginamit na rin niya ang bagong mixer na kanilang binili. Pero, tumigil siya sandali nang tumunog ang cellphone niya, dahil sa isang message.
Binasa ni Rain ang message na mula kay Bryan, agad naman niyang sinagot ang pangangamusta nito. Hanggang sa ang isang text ay nasundan pa ng marami, hanggang sa nagpapalitan na sila ng messages.
Kaya gumagawa si Rain sa kusina habang maya't maya ay nagtitext ito.
At napansin iyun ni Deven, at naghinala na naman siya na si Bryan ang katext ni Rain. Gusto talaga niyang madispatsa ang cellphone ni Rain.
"Sino bang katext mo?" ang iritadong tanong ni Deven sa kanya.
"Si Bryan, nagpalit na pala siya ng number" ang sagot ni Rain, "Deven baka maipalo ni Caleb sa mukha niya ang hawak niyang kutsara" ang sabi niya kay Deven, nang makita na may hawak na kutsara si Caleb.
"Hayaan mo lang muna, nang may malaro siya" ang sagot ni Deven, na nag-iisip ng paraan kung paano mawawala ang cp ni Rain.
Maya-maya ay inihagis ni Caleb ang hawak na kutsara sa loob ng bowl na may lamang cake batter.
"Oops" ang tanging nasabi ni Deven, nagulat rin siya sa ginawa ni Caleb.
"Oh Caleb" Rain sighed, hindi naman niya pwedeng pagalitan si Caleb at di naman niya iyun sinasadya.
"It's alright baby" ang sabi ni Rain saka siya kumuha ng thongs para makuha ang kutsara na nakalublob sa cake batter.
And then it hit him! Para bang isang sign from heaven ang ibinigay sa kanya ni Caleb. Kinarga niya ang anak, at binulungan ito sa tenga, "thank you". At isang tawa naman ang isinagot sa kanya ni Caleb.
"Ahm, Rain, I hope you don't mind if I disturb you pero, pwede mo bang i check sa sala kung na-off ko ang TV?" ang pakiusap ni Deven.
Rain thought it was odd, na utusan siya ni Deven, pero dahil sa karga nito si Caleb, at maayos naman itong nakiusap, kaya pumayag siya.
Sandali niyang iniwan ang ginagawa at cellphone sa ibabaw kitchen island, para pumunta sa living room.
At nang makita niyang hindi naman naka – on ang TV ay agad siyang bumalik sa kusina para tapusin ang ginagawa niya.
Pero pagbalik niya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita, she was horrified with what she saw.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...