Chapter 3

20K 456 8
                                    

Pinalipas muna nina Rain ang ika-40 days ng kanyang kapatid na si Faith. Pagkatapos ay agad nilang pinabinyagan si baby Caleb. Napagpasyahan nila Rain at ng boyfriend niyang si Bryan na next year na ganapin ang kasal. Although, nagmamadali na si Bryan, ay mas gusto muna ni Rain na lumipas muna ang isang taon mula ng pagkamatay ng kapatid.
     Halos tatlong buwan na ang lumipas, mula ng namatay ang kapatid at ang kapanganakan ni Caleb. Nagluluksa man silang dalawang mag-ina ay wala pa ring pagsidlan ang tuwa nila, dahil kay Caleb.
     Si Caleb ay parang isang sinag ng araw sa madilim na buhay nila ng kanyang mama. Si Caleb ang nagbigay ng panibagong saya sa kanilang buhay.
     Kaya nga sa tuwing day-off niya ay di niya inaalis si Caleb sa kanyang tabi. Minsan ay umaalis sila at ipinapasyal niya ito, sa tuwing sahod naman niya ay ipinamimili niya ito agad ng mga gamit. Kinakapos man siya minsan dahil sa siya lang ang nagtatrabaho at sa kanya ang lahat ng gastusin sa bahay, ay balewala ito kay Rain. Kahit pa gumapang siya sa hirap at pagtatrabaho ay gagawin niya, para lang kay Caleb. Ang kanyang anak.
     At mabuti na lang at nandiyan si Bryan. Si Bryan na inintindi at tinanggap ang kalagayan niya ngayon, at tinanggap din nito si Caleb. At inalok pa siya nito ng kasal, para lang maging ama ni Caleb.
     Kasal? Napabuntong hininga si Rain, habang pinagmamasdan si Caleb na tahimik at mahimbing na natutulog sa crib nito.
     Masaya man si Rain sa alok na kasal ni Bryan, ay nagdadalawang isip siya. Alam niyang makabubuti para kay Caleb ang maikasal. Pero makabubuti ba ito sa kanya?
     Yes, three years of relationship bilang magkasintahan ay mahaba na kung tutuusin. Pero, she’s not still emotionally ready. Para bang maikli pa lang ang panahong pinagsamahan nila ni Bryan.
     Wala siyang masasabi o maipipintas sa ugali ni Bryan, napakabait nito at supportive sa kanya. May restrictions man ay tinanggap rin ng pamilya ni Bryan si baby Caleb, kahit pa may agam-agam ang mga ito na hindi na siya mag-aanak ng dahil kay Caleb, pero tinanggap na nila ang kanyang sitwasyon. So ano nga ba ang problema? Ang tanong ni Rain sa sarili.
     Pero hindi ba’t sinabi nga niya sa sarili ay gagawin niya ang lahat para lang mapabuti si Caleb? Kailangan ni Caleb ng ama, ng isang buong pamilya. At kahit hindi Pa siya handang magpakasal, ay gagawin niya para kay Caleb.
     Lumabas ng kwarto niya si Rain, kung saan naroon din ang crib ni Caleb. Nagpunta siya sa salas, at hinintay niyang dumating si Bryan.
     Araw ng Linggo at wala rin itong pasok, nagtatrabaho si Bryan na isang CPA sa isang accounting firm. Dati, pagkatapos ng pasok niya sa bangko, ay nagkikita silang lagi ni Bryan. Ngunit simula nang dumating si Caleb, ay lagi na siyang nagmamadaling umuwi, para asikasuhin ito. At sa tuwing araw na lang ng Linggo sila nagkikita ni Bryan.
     Maya-maya pa ay kumatok na si Bryan sa pinto, agad naman siyang pinagbuksan ni Rain.
     Isang halik sa labi ang isinalubong sa kanya ni Bryan, “hello” bulong nito sa kanyang labi.
     “Hmm” ang tanging naisagot ni Rain, dahil muli siyang siniil ng halik ni Bryan.
     “How’s my girl?” ang tanong ni Bryan, nang maglayo na ang kanilang mga labi, pero yakap pa rin siya nito.
     “Mabuti na, nandito ka na eh” ang nakangiting sagot ni Rain, and she wrapped her arms around his waist.
     “Hmm, talaga ba?” Ang malambing na tanong ni Bryan.
     “Opo” ang natatawang sagot ni Rain.
     “Nasaan si mama?” ang tanong ni Bryan, habang yakap pa rin ng mahigpit si Rain.
     “Alam mo naman si mama, kapag Linggo, maghapong wala sa bahay, nasa simbahan, at dumarayo rin ng pagdarasal” ang sagot ni Rain.
     “You mean, tayo lang ang nandito?” ang mapanuksong tanong ni Bryan, while he started nuzzling her neck.
     “Uh-uh, si Caleb nasa kwarto” ang sagot ni Rain, na napapikit dahil sa kiliti.
     “Ugh, oo nga pala, how’s my little boy?” ang tanong ni Bryan, at huminto ito sa ginagawa sa leeg ni Rain.
     “Halika sa kwarto, tingnan mo at parang anghel, tulog na tulog” ang masayang sabi ni Rain, at niyakag niya si Bryan, papunta sa kanyang kwarto.
     Pagpasok nila sa loob, ay mabilis na lumapit sa tabi ng crib si Bryan, at hinaplos nito ang malambot na pisngi ni Caleb.
     Tumayo sa tabi ni Bryan si Rain, at pinagmasdan nilang dalawa ang natutulog na sanggol, natawa pa sila ng gumalaw ang bibig ni Caleb, na tila ba dumedede ito.
     Maya-maya pa ay muli siyang niyakap ni Bryan, “tulog pa si Caleb” bulong nito sa kanyang labi at siniil siya nito ng halik.
     Inilagay ni Rain ang kanyang mga braso sa batok ni Bryan, at gumanti rin siya ng halik kay Bryan. Ilang sandali pa ay gumapang na ang mga labi ni Bryan sa leeg ni Rain, at ang mga kamay naman nito ay isa -isang binubuksan ang butones ng suot niyang blouse.
    Napasinghap si Rain, nang maramdaman niya ang kamay ni Bryan, sa kanyang dibdib, he kneaded her breasts through her lacy bra. Aalisin na sana ni Rain ang clasp ng kanyang bra ng biglang umiyak si Caleb.
     Biglang natigilan si Rain, and Bryan groaned out loud, pero di ito tumigil, patuloy pa rin nitong hinalikan ang litaw na bahagi ng dibdib ni Rain sa suot nitong bra.
     Pero di tumigil sa pag-iyak si Caleb. “Bryan, wait, honey stop” ang sabi ni Rain, habang marahang itinulak si Bryan.
     “No honey please, ang tagal na nating di ito ginagawa, Rain, libog na libog na ako” ang sagot ni Bryan, na patuloy pa rin sa ginagawa nito.
     “Bryan, Bryan!  Stop!” ang mariing sabi ni Rain, at itinulak na niya ng malakas si Bryan.
     “Caleb, wrong timing ka naman” ang sabi ni Bryan na di itinago ang inis.
     Mabilis na inayos ni Rain ang suot niyang blouse, at mabilis niyang dinampot si Caleb, at kinarga, she rocked him gently in her arms.
     Tiningnan niya ang diaper nito, at napansing puno na, agad niyang kinuha ang baby wipes at isang diaper sa cabinet.
     “What’s wrong?” ang tanong ni Bryan, nawala na ang inis sa boses nito.
     “Puno na ang diaper niya, papalitan ko lang, then titimplahan ko siya ng gatas” paliwanag ni Rain.
     “Want me to help you?” Ang tanong ni Bryan.
     “No, I can manage” ang nakangiting sagot ni Rain. Gustong-gusto niya ang ganitong gawain kay Caleb. She felt like her true mommy.
     “I have to go Rain, may usapan kami ng barkada na mag bowling ngayong araw, isasama sana kita kaso”-
     “Alam mo namang di ako sporty” ang putol ni Rain, abala ito sa pagpupunas ng puwit ni Caleb.
     Bryan sighed, “alright, bye” ang pamamaalam ni Bryan sabay halik sa kanyang pisngi. Hinaplos muli nito ang pisngi ni Caleb, “bye Caleb” ang sabi ni Bryan, bago ito lumabas ng kwarto.
     Pagkatapos palitan ni Rain ng bagong diaper si Caleb, ay nagtimpla siya ng gatas, at pinadede niya si Caleb, habang karga niya ito. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Caleb.
     Gustong gusto ni Rain ang ilong ni Caleb, aquiline nose ito. Marahil nakuha niya ito sa kanyang ama, ang sabi ni Rain sa sarili, habang hinahaplos niya ang matangos na ilong nito.
     Nang maubos ni Caleb ang isang bote ng gatas, pinadighay niya muna si Caleb, bago muling inihiga sa crib nito. Muli itong natulog ng mahimbing.
     Hinaplos ni Rain ang ulo ni Caleb, “I love you Caleb” bulong ni Rain. At isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Si Caleb ang kanyang buhay ngayon, hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya kapag mawawala si Caleb sa kanya. Si Caleb na lang ang nagbibigay ng liwanag at saya sa kanilang bahay, sa kanilang mga buhay. At hindi niya ito hahayaang mangyari.
     Lumabas sandali ng kwarto si Rain para uminom ng tubig sa kusina, pabalik na sana siya sa kwarto ng may kumatok sa pinto.
     Agad na binuksan ni Rain ang pinto, at nagulat siya sa nakita sa labas nito, lalo na sa sinabi ng lalaki.
     “Where is MY SON?!”

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon