Hawak ni Rain si Caleb, nakatayo ito sa mga hita niya habang nakatanaw sa labas ng bintana. Para sa three months old na baby, napaka intelligent ni Caleb. Mukhang nagmana sa kanya, ang masayang sabi ni Rain sa sarili, habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Deven.
"Looks like he's having a good time" ang sabi ni Deven, ng marinig ang giggle ni Caleb.
Di naman maiwasan ni Rain ang ngumiti, lalo na sa tuwing naririnig ang munting halakhak ni Caleb.
"Oo nga, mahilig talaga siyang mamasyal, kaya every Saturday, inilalabas namin siya ni Bryan" ang sagot ni Rain.
Deven lifted an eyebrow, nang marinig ang pangalan ng lalaki, "who's Bryan?" ang casual na tanong ni Deven.
"Fiance ko, and future dad ni Caleb" ang sagot ni Rain.
Kumunot ang noo ni Deven, " I doubt that will happen" ang galit na sagot ni Deven.
"Ang alin?" ang patay malisyang tanong ni Rain.
"Na magiging daddy ni Caleb ang Bryan na yun" sagot ni Deven sa tanong niya.
Nagkibit balikat lang si Rain, pero gusto siyang asarin ni Deven ng mga sandali na iyun. Hindi rin alam ni Deven kung bakit, pero ng marinig niya ang pangalan ng lalaking nobyo ni Rain, na magiging daddy daw ng anak niya, huh, nagpantig ang mga tenga niya at gusto niyang makaganti ng pang-aasar.
"I even doubt na matuloy din ang kasal mo" ang nakangising sabi ni Deven kay Rain na nagulat at biglang nabaling ang mukha nito sa kanya at halata na galit ito sa kanyang sinabi dahil na rin sa magkasalubong na kilay nito.
Rain gritted her teeth, "so sad, pero di mo katulad si Bryan" ang sagot ni Rain sa kanya and again she smiled sweetly at him.
Deven saw that sweet smile again, kahit pa nang-aasar ito ay iba ang dating sa kanya. Ang mga matatamis ngiting iyun, it reminded him of HER.
Agad inalis Deven ang tingin kay Rain, at muling ibinalik ang atensyon sa kalsada. Pero di pa rin siya tapos.
"You'll see, hindi matutuloy ang kasal n'yo" ang mapang asar na sagot ni Deven.
"At bakit mo nasabi?" ang galit na tanong ni Rain.
"Magsasawa yun at hahanap ng iba" ang sagot ni Deven, he took a quick glanced at her sabay balik muli ng mga mata niya sa kalsada.
Rain squinted her eyes on him, "para sabihin ko sa'yo MATINO si Bryan, di kagaya MO" ang galit na sagot ni Rain sa kanya, habang hawak ang humahalakhak na si Caleb na, tila ba siya ang kinakausap nilang dalawa.
Nagkibit balikat lang si Deven, and he chuckled, kaya lalong nabwisit si Rain.
"Kahit si Caleb natatawa sa sinasabi mo" ang pang – aasar ulit ni Deven.
Hindi na sumagot pa si Rain, masisira lang lalo ang araw niya, kapag pumatol pa siya, sa lalaking ito, ang sabi niya sa sarili.
Huminto ang kotse ni Deven sa isang malaking supermarket, agad na lumabas si Rain ng kotse, kahit pa hirap siya, dahil sa bigat ni Caleb.
"Di ba sinabi ko sa'yo ako ang magkakarga kay Caleb?" ang mariing sabi ni Deven kay Rain. Nasa likuran siya nito, dahil nagmadali itong naglakad papasok ng supermarket.
Rain sighed, she felt defeated, pero hindi pa niya naiaabot si Caleb dito, ay agad na kinuha ni Deven si Caleb sa kanyang braso.
At dahil sa hindi niya inilagay si Caleb sa carrier nito, ay karga niya si Caleb na nakadikit sa kanyang dibdib, kaya di SINASADYANG dumampi ang mga kamay ni Deven sa kanyang dibdib.
Rain caught her breath, the instant, she felt her fingers brushed on her breasts. At alam niyang, ALAM ni Deven ang nangyari, dahil tiningnan siya nito sa kanyang mga mata. And his lips twitched into an amused smile, na lagi na lang nitong ginagawa.
Sa halip na pagsabihan pa niya si Deven, umarte siya na tila ba walang nangyari. Kahit pa ang balahibo niya sa buong katawan ay nagtayuan, dahil sa malakuryenteng sensasyon na dumaloy sa buo niyang katawan.
Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganun sa lalaking ito, lalo pa at may boyfriend na siya! Ang galit na sabi ni Rain sa sarili.
Patay malisyang sumunod siya kay Deven, na buhat si Caleb, na parang di man lang nabibigatan rito. At napansin din ni Rain, na unti-unti na silang nakakuha ng atensyon.
Pinagtitinginan at may mga nagbubulangan pa, habang naglalakad sila sa loob ng kilalang supermarket. Rain started to felt conscious, paano kung maibalita sila sa television? Hindi ba lagi na lang laman ng balita ang kilalang oil tycoon at playboy na si Deven O' Shea? She thought nervously.Pero kung siya ay conscious, tila balewala lang kay Deven ang mga curious stares na binibigay sa kanila ng mga tao, at tila proud pa ito na ipakita na may baby siyang kasama.
Kumuha si Deven ng push cart, at iniupo niya roon si Caleb. At nang itulak na ni Deven ang pushcart ay humalakhak si Caleb. Tuwang – tuwa ito, and he started making bubbles on his mouth.
Di napigilan nila Rain at Deven na di matawa kay Caleb, at nagkatinginan pa silang dalawa.
"I think next time, kailangan na natin bilhan si Caleb ng stroller" ang sabi ni Deven kay Rain, na para bang natural lang sa kanila ang mamili na magkasama.
Agad na itinulak ni Deven ang pushcart at hinanap ang aisle para sa mga diapers. Nang makita ni Deven ang brand ng diaper na nakita niyang binili ni Rain kanina, dumampot siya agad ng malaking pack nito.
Natawa naman si Rain, at lumingon sa kanya si Deven nang marinig ang tawa niya.
"Why?" ang takang tanong ni Deven kay Rain.
"Pang new born ang kinuha mo, baka sa hita lang ni Caleb kasya yan" ang natatawang sagot ni Rain.
Deven gave her a boyish grin, and Rain's stomach felt queasy. Letse! Bakit ba kasi sobrang charming nitong lalaking ito?! Ang galit na tanong ni Rain sa sarili. Kahit ngiti lang nito ay parang hinahalukay na ang kanyang tiyan!
"Maybe you should help me" ang nakangiting sabi pa rin ni Deven.
Di siya gumanti ng ngiti, pinigilan niya ang sarili. She shouldn't be friendly with him. Si Deven ay KALABAN, she reminded herself. She's just being casual with him. Ang sabi niya sa sarili.
Lumapit siya sa eskaparate ng mga diapers, at itinuro niya ang size na gamit ni Caleb, kahit three months palang ito, large na ang gamit nitong diaper.
Deven nodded, at kumuha siya ng limang malalaking packs ng diaper.
"Ano ito?" ang tanong ni Deven kay Rain, sabay turo sa isang type ng diaper na pull ups.
"Pull ups yan, parang underwear, hindi na siya idinidikit" ang sagot ni Rain.
"E bakit hindi na lang ganito ang binibili mo, mukhang mas madali itong gamitin" ang tanong ni Deven kay Rain.
Nag-init ang mukha ni Rain, oo nga mas madali itong gamitin, pero mas mahal ito. Hindi niya afford ang ganung klaseng diaper, lalo na at ilang beses niyang pinapalitan ng diaper si Caleb, dahil di na niya ito hinihintay pa na mapuno.
"Masyado siyang mahal" ang honest na sagot ni Rain, "hindi siya practical lalo na at ilang beses kung magpalit ng diaper si Caleb" ang dugtong pa niya. Wala na siyang pakialam kung isipin man nitong wala siyang pera, ang sabi ni Rain sa sarili.
Deven only nodded, hindi na niya pinalitan ang mga diaper na kinuha nila. He sensed na napahiya si Rain, but she still stood proud in front of him. At humanga siya sa dalaga.
"I didn't mean to offend you Rain" ang sinserong sabi ni Deven. At pagkasabi nga niya nito, Rain's expression softened, at napabuntong – hininga ito.
"Wag mo sanang masamain ang pamimili ko para kay Caleb, dahil inaari ko siyang anak, alam kong, kaya mong mag provide para sa kanya, pero hayaan mong punuan ko, kahit papaano ang pagkukulang ko nitong mga nakaraang buwan" ang paliwanag ni Deven.
Dama ni Rain ang sinseridad sa mga sinabi ni Deven, she nodded for an answer. At isang matipid na ngiti ang isinagot niya rito.
Sabay silang naglakad habang muling nag-ikot sila sa loob ng supermarket. Nagpunta na sila sa aisle ng mga gatas, and this time, hinayaan ni Deven na si Rain ang mamili.
He placed his hand sa likod ni Rain, and nudged her gently, para ito ang mamili ng gatas ni Caleb, but the moment his hand spread on her back, he felt the electric current flowed through him, kaya mabilis niya ring inalis ang kamay niya, na tila ba siya ay napaso.
Rain caught her breath, nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Deven sa kanyang likuran. And she also noticed, na mabilis din nitong inalis ang kamay sa kanyang likod, which, she's very grateful. Dahil hindi na niya maintindihan ang damdaming, gumugulo sa kanyang kalooban.
Kung ang kanilang biyahe papunta sa supermarket, ay nauwi sa asaran. Kakaiba ang biyahe nila pabalik sa bahay. At laking pasalamat nila kay Caleb. Na mukhang, gustong – gusto ang atensyong ibinibigay nila Rain at Deven sa kanya.
Napuno ng tawanan at kwentuhan tungkol kay Caleb ang loob ng sasakyan. Pansamantala nilang nakalimutan ang hidwaan sa isa't isa.
Nang makarating na sila sa bahay, ay si Rain na ang kumarga kay Caleb, habang si Deven ang nagdala ng kanilang mga pinamili.
Pagbukas ni Rain ng pinto ay bumungad sa kanila ang nakasimangot na mukha ni Bryan.
"SAAN KA GALING?" ang mariing tanong ni Bryan.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...