"Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven, and he said it so nonchalantly, that what he said was no big deal.
Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ng kaharap. Para bang gusto niyang itapon sa kalmadong mukha nito ang hawak na frostino. Para malaman niya kung nasa katinuan pa ito. Kung magalit ito, meaning nasa katinuan pa ito, pero kung mananatili ang mayabang na ngiti nito sa mukha, siguradong may sapak na ang lalaking ito, ang sabi ni Rain sa sarili. Pero pinigilan niya ang sarili.
"What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain, nagtaas pa ang kaliwang kilay niya, at halos matawa sa kanyang pagsasalita.
"It's a win-win situation for us, just think, it will be easier and saves us from the inconvenience, na magsampa pa tayo ng kaso sa isa't isa, for the child custody. Mukha namang wala sa ating dalawa ang gustong mag give up sa baby" ang paliwanag ni Deven.
Hindi sumagot si Rain, maging asawa niya? Ni Deven O' Shea? Ang kilalang playboy? Hindi niya yata kayang makasama sa isang bubong, ang taong kinamumuhian niya, dahil sa pang-iiwan nito sa kanyang bunsong kapatid.
O dahil ba sa hindi niya kaya ang kakaibang karisma na hatid ng lalaking ito sa kanya? Rain thought.
Deven saw the doubts in her eyes, he wrapped his arms across his chest, leaned at the backrest of his chair, and smirked at her.
"You don't have to worry Miss Rain Pluma, you're NOT MY TYPE , your virtue will be intact with me, because I will NEVER EVER fall for you" ang mariing sabi ni Deven.
Rain was taken aback sa mapang-insultong salita ni Deven, but instead na magalit she smiled sweetly at him. And he saw his face turned stern. Tumikom ang bibig nito and she his jaw twitched.
"Huwag ka ring mag-alala, Mr. Deven O' Shea, dahil kahit ikaw na lang ang natitirang LALAKI sa mundo, MAGPAPAKAMATAY na lang ako, kaysa PUMATOL sa kagaya MO".
"So, let's get married, it's just a legal arrangement para sa ating dalawa, at para sa ikabubuti ni Caleb. He'll have a daddy and mommy who loves him very much".
Kumunot ang noo ni Rain, manhid ba itong lalaki na ito sa insults? Ang tanong ni Rain sa sarili, she shook her head, "for your information, ikakasal na ako kay Bryan next year, at di ako katulad mo, na mabilis magpalit ng babae na parang damit lang, hindi ko pwedeng I break lang ng ganun ang relasyon namin para sa iyo" ang mariing sagot ni Rain.
"You're not going to break up with him because of me? You're going to breakup with him, because of Caleb" ang mariin na sabi nito.
"Akala ko ba handa kang gumapang sa lupa, para gawin ang lahat, para kay Caleb, so? Kung di mo kayang iwan si Bryan, GIVE ME CALEB" ang hamon sa kanya ni Deven, na inilapit pa ang mukha nito.
"I will not give you Caleb, without a fight!" ang galit na sagot ni Rain, at kumuyom ang kanyang mga palad sa ibabaw ng kanyang mga hita.
"So handa kang patagalin ang proseso ng child custody? tell me, ano ang sinabi sa iyo ng expensive mong abugada?" ang tanong sa kanya ni Deven, na may paghahamon.
Hindi nakasagot si Rain, naalala niya ang sinabi ni atty. Ponceta, last time na nagpunta siya rito, pagkatapos kuhaan ng DNA samples si Caleb at Deven.
Atty Ponceta, has been straight to her, na kapag napatunayan na si Caleb ay anak ni Deven, through DNA tests, pwede na nito agad makuha ang bata, dahil si Deven ang surviving parent nito. At may kakayanan si Deven, na iprovide lahat ng kailangan ni Caleb. The child custody case will take months of hearing, habang si Caleb ay nasa custody na ni Deven.
At, kahit gaano pa siya ka galing na abugada, she won't be able to get Caleb from his father, not unless, may mental illness or drug dependant, or abusive si Deven. Which the burden of proof ay nasa kanila, ang paliwanag pa nito.
Though the good lawyer promised her that she would do EVERYTHING to help her, it doesn't mean she would won in the end.
Rain sighed, pero di niya sinagot ang tanong ni Deven, she turned her head to her right and looked outside the glass windows.
Deven scoffed, "Sa tingin mo ba ay gusto ko ang inooffer kong kasal?" ang tanong ni Deven, "I just thought about it, dahil alam kong, ganito ang magiging reaksyon mo, na magmamatigas ka".
"Bakit sa tingin mo ba ay magkakandarapa ako sa iyo, dahil gusto mo akong pakasalan? Diyos ko, bawas bawasan mo nga ang hangin mo sa katawan, Deven O 'Shea" ang mapang-insultong sagot ni Rain.
Pero sa halip na mainsulto ay ngumiti pa ng malapad si Deven kay Rain.
"So we hate each other, and that's good, maganda ang magiging pagsasama natin, no feelings involved" ang sagot ni Deven at muli nitong isinandal ang likod sa backrest ng silya.
Sumeryoso ang mukha ni Rain at kumunot ang kanyang noo, saka siya umiling.
"I – I don't know" ang naguguluhang sagot ni Rain. Oo, gagawin niya ang lahat, para mapasakanya si Caleb. Hindi niya kakayanin, ang mawala ito, sa buhay niya ng tuluyan.
Paano kung maisipan ni Deven na dalhin si Caleb sa ibang bansa? Mapapalayo na ito ng tuluyan sa kanya at wala siyang habol.
Maisip lang niya ang tungkol dito, ay naninikip na ang kanyang dibdib, tiyak na ikamamatay niya ito.
Pero hindi rin naman niya magawang iwan na lang si Bryan, ng ganun na lang. Ang tagal na ng pinagsamahan nila, at nalalapit na rin ang kasal nilang dalawa.
Hindi ba plinano nilang magpakasal, ng dahil din kay Caleb? Ang tanong ni Rain sa sarili.
At heto naman ngayon si Deven, ang tunay na ama ni Caleb, ay nag – aalok din ng kasal, ng dahil din kay Caleb.
Si Caleb, si Caleb dapat ang priority niya, at hindi ang sarili.
"Pag-iisipan ko muna" ang sagot ni Rain.
"I'll give you two days to think" ang sabi sa kanya ni Deven, na nakangiti, ang mga kulay abo nitong mga mata ay kumikislap, na tila ba nanalo na ito sa laban.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...