Chapter 60

15.9K 388 28
                                    

Halos di makahinga si Rain, ang isang kamay niya ay itinakip niya sa kanyang dibdib, para pigilan ang hinagpis sa kanyang bibig, habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kanyang dibdib.
     Tumambad sa kanya ang tila altar o museo na para kay Emily. Sa may dingding sa gitna ng kwarto kung saan may makipot na lamesa ay punong-puno ito mga peonies na bulaklak, at sa tingin ni Rain, na pinutol lahat ni Deven ang mga bulaklak na nasa hardin. Sa gitna ng dingding sa ibabaw ng lamesa ay nakasabit ang isang malaking portrait ni Emily.
     Lumapit si Rain sa nakasabit na litrato, tumingala siya at pinagmasdan ang half body portrait ni Emily. Nakalagay ang kulay brown nitong buhok, na naka pin ang mag kabilang side, tila talon ang kulot at brown na buhok nito na dumaloy sa mga balikat ni Emily.
     Mestisa ang babaeng nasa larawan, at ang nakakapanindig balahibo ay ang mga mata nitong kulay asul na tila ba tiningnan din siya.
     Sa portrait ang nakasuot si Emily ng kulay puting damit na tila ba isang traje de boda. Inalis ni Rain ang kanyang mga mata sa larawan at tiningnan niya ang paligid, puro gamit pambabae ang nasa loob at sa tingin ni Rain ay kay Emily itong lahat.
     Pero ang mas ikinasakit ng kanyang damdamin ay ang mga gamit ni Emily na nakalatag sa kama.
     Nakakalat doon ang mga litrato nito at nilang dalawa ni Deven. Dinampot niya ang mga larawan at isa-isa niyang tiningnan.
     Halo – halo ang mga litratong nakakalat sa kama, may mga kuha noong araw ng kanilang kasal, tiningnan iyun ni Rain, at tila ba kinukurot ang kanyang puso, habang isa – isa niya iyung tinitingnan.
     Ang saya-saya nila sa litrato, kitang-kita ni Rain ang labis na pagmamahal sa mukha ni Deven para sa asawa, na tila ba isang prinsesa sa litrato.
     May mga kuha sila sa iba't ibang lugar na pinuntahan nila, mga lokal at ibang bansa. At nakita din niya ang isang kuha, nila Deven at Emily sa isang pamilyar na lugar. Ang lugar na pinuntahan nila kanina.
     Halos hindi makalunok si Rain sa labis na emosyon na kanyang nadarama. Ito ba ang ginagawa rito ni Deven sa loob ng kwarto ni Emily, ang kwarto na tila ba buhay pa rin ang nagmamay-ari nito?
     Araw-araw bang binabalikan ni Deven ang mga ala-ala nila ni Emily? Si Emily nga ba ang gumagambala sa kanila? O si Deven ang gumagambala kay Emily? Ang naiiyak na tanong ni Rain.
     Hindi na niya kaya pa ang magtagal sa loob, para bang sinasakluban at iniipit siya ang apat na kanto ng silid na iyun. Kailangan na niyang lumabas ang sabi ni Rain sa sarili at nagmadali siyang lumabas ng kwarto.
    Paglabas niya ay naghahabol siya ng hininga, at kahit pa may aircon ay pinagpawisan siya, pawis ba iyun, o mga luha na niya ito na di na niya mapigilang dumaloy sa kanyang mga mata.
     Nang marinig niya ang iyak ni Caleb mula sa silid nito, agad na nagpunta si Rain sa kwarto ni Caleb, pinunasan niya ang kanyang mga mata, at dinampot niya si Caleb sa crib nito. Tiningnan niya ang oras. Oras na para pakainin niya ito sa ibaba.
     May dinaramdam man na mabigat sa dibdib, ay ipinagpatuloy ni Rain ang mga nakagawian na niyang gawin sa bahay.
     Habang pinapakain niya si Caleb, ay muli na namang dumaloy ang mga luha sa kanyang mata. Hanggang kailan niya tatanggapin ang ganitong kalagayan niya? Tila ba siya ang nanghimasok sa relasyon nina Deven at Emily. Tila ba katawan lang ang habol sa kanya ni Deven at kay Emily pa rin ang puso nito. Tila ba siya ang kabit at si Emily pa rin ang tunay na asawa nito, sa kabila ng pagiging patay nito.
     Hindi niya kaya ang ganitong sitwasyon, hindi, ang naluluhang sabi ni Rain sa sarili.
     At sa di inaasahang mga sandali, biglang lumabas sa mga labi ni Caleb ang salitang, dada.
     Natatawang naiiyak si Rain nang marinig niya iyun, kailangan ba niyang magstay at masaktan siya alang-alang kay Caleb. O magpapaubaya na siya kay Deven para kay Caleb, para isalba ang sarili niyang damdamin at pagkatao na unti-unting nadudurog. Baka kapag nagtagal pa siya, at durug-durog na ang puso at kaluluwa niya.
     Patuloy sa pag sambit si Caleb ng nga katagang "dada". Kinuha ni Rain ang kanyang phone at tinawagan niya si Deven, inilagay niya ang usapan sa speaker.
     Nang sagutin ni Deven ang tawag ay di siya nagsalita, bagkus ay itinapat ang phone kay Caleb, at nang marinig ni Deven ang mga salita ni Deven ay isang malakas na halakhak ang narinig ni Rain mula sa kabilang linya.
     "Oh my god! I'm so happy, I love you Caleb" ang sabi ni Deven sa phone, "Rain I'm on my way there, can't wait to see both of you" ang sinabi ni Deven bago nito pinatay ang phone.
     "I love you" ang bulong ni Rain. Masakit para sa kanya, na siya lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa. Si Emily na matagal ng patay ay tila buhay pa rin ito kung kausapin ni Deven at pagsabihan ng pagmamahal nito.
     Nakapag desisyun na siya, tulad ng sinabi ni Deven sa kanya noon, she has a choice.

     Excited nang umuwi si Deven sa bahay, sandali siyang tumigil sa isang flower shop para bumili ng mga bulaklak para kay Rain, at napansin din niya ang box ng mga chocolates sa isang eskaparate.
     Chocolates and roses, ni hindi niya naligawan noon si Rain, at ngayon, iyun ang gagawin niya, kasabay ng pag-amin niya ng pag-ibig rito.
    And he will open up to her, about his past that he had finally moved on.
     Tila ba may pakpak ang kanyang mga paa sa bawat hakbang niya habang papasok ng bahay. Naabutan niya siya si Rain na nakaupo sa sofa kasama si Caleb na nasa walker nito. Tumayo si Rain nang makita siya, habang si Caleb ay tila sabik nang makita si Deven kaya agad na lumapit ito sa ama.
     "Dada  Dada dada" ang paulit ulit na sambit ni Caleb, na nagdulot naman ng malapad na ngiti sa mga labi ni Deven. Hinagkan niya ang pisngi ng anak, at saka siya lumapit kay Rain.
     Nananatili itong nakatayo at nakatingin lang sa kanya, hindi katulad ng dati na sinasalubong siya agad nito ng halik sa mga labi.
     Naglakad siya papalapit kay Rain na may malapad na ngiti sa mga labi, para iabot ang isang dosenang pulang rosas at chocolates.
     Pero nabura ang ngiti niya sa mukha, nang makita niya ang maleta nito.
     Kumunot ang noo ni Deven at nagtaka, he gave a questioning look at Rain.
     "Saan ka pupunta?" ang takang tanong ni Deven. 
     "I want an annulment" ang sagot ni Rain.
   

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon