Deven arrived later than yesterday, he entered the house, wala sina Rain at Caleb.
Lumabas kaya ang mga ito? Naalala niya na nanghingi nga pala ng extra keys si Rain. Baka nga lumabas ang dalawa.
Deven sighed, he felt disappointed, somehow, hinahanap – hanap niya ang masayang mukha ng mga ito, na sumasalubong sa kanya.
He decided to put the bouquet of flowers sa ibabaw ng kama ni Rain, sana kahit papaano ay mabawasan ang sama ng loob nito sa kanya, he thought.
Feeling low, he walked up the stairs patungo sa kanyang kwarto. Then instantly his heart beat faster, nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Rain.
Mabilis siyang sumilip sa adjacent door at nakita nga niya si Rain na nakaupo sa sahig habang hawak sa magkabilang kili-kili si Caleb at pinatatayo niya ito.
He smiled widely at them, then he immediately removed his shoes at pumasok siya sa loob bitbit ang dalang bulaklak.
"Hi" ang bati nito kay Rain.
"Oh, hi, kanina ka pa ba diyan?" ang tanong ni Rain, and she felt conscious, dahil sa hindi na niya nagawang mag-aayos pa ng sarili.
Gulo-gulo pa ang buhok niya, na lumuwag na ang pagkakapusod, dahil sa paghiga nila ni Caleb sa carpet.
"No, kararating ko lang, ah, akala ko nga na umalis kayo ni Caleb" ang sagot ni Deven, at naupo na rin siya sa sahig sa harapan ni Rain.
"No, bukas kami aalis ni Caleb" ang sagot niya.
"Oh, I forgot, here" ang sabi ni Deven, sabay abot sa kanya ng mga bulaklak.
"Thanks" ang nahihiya at pabulong na sabi ni Rain.
"So you were saying, saan kayo pupunta ni Caleb bukas?" ang interisadong tanong nito sa kanya.
"Ahm, sa supermarket lang, plano ko kasing magnegosyo, para may income ako"-
"Rain" ang putol ni Deven sa pagsasalita niya, he looked at her and he bit his lips before he started talking, "Rain, hindi mo kailangan ang magtrabaho, if you needed the money, I would give you an allowance" ang sabi sa kanya ni Deven, but she kept on shaking her head.
"I'm sorry, but I don't think I can do that, sanay na akong magtrabaho para kumita ng pera, and, gusto ko talaga na may sarili akong income" ang sagot ni Rain.
"And what are you going to do with Caleb?" ang tanong nito sa kanya.
"Online naman ang plano kong business, pre order, I'll bake sweets like, yung mga bars and cupcakes, kung may orders lang saka ako gagawa, kaya hindi ko naman mapapabayaan si Caleb" ang paliwanag ni Rain.
Kumunot sandali ang mga noo ni Deven pagkatapos ay tumangu-tango na ito nang maintindihan ang paliwanag ni Rain.
"So parang part time lang?" ang tanong nito sa kanya a tila ba nabunutan ng tinik.
Nagkibit-balikat si Rain, "parang ganun na nga" ang sagot niya.
"Okey, walang problema, but, I'm still going to give you an allowance, siguro I'll give you a debit card para may magagamit ka, or kayo ni Caleb" ang sabi ni Deven.
"Deven I can't"-
"Please Rain, I insist" ang giit nito.
Rain sighed and nodded her head, kahit naman bigyan siya nito ay di niya iyun gagamitin. Siguro for emergency purposes na lang nila.
"Good, now, anong ginagawa naman ninyo ng aking gwapong anak?" ang tanong nito sabay marahan na pinisil ang mga pisngi ni Caleb.
"Nag-aaral kaming tumayo" ang nakangiting sagot ni Rain.
"Really? You think he's ready?" ang tanong nito at kita ang excitement sa mga abo nitong mata.
Nagkibit balikat si Rain, "I don't know" ang natatawa niyang sagot.
"Wala bang gamit ang baby para matuto silang tumayo?" ang interisadong tanong nito.
"Meron, walker ang tawag, matututo na rin silang maglakad gamit iyun, and sa tingin ko, sa tibay ng mga binti ni Caleb, mabilis lang itong matututo" ang sagot niya.
"Then we better get one, soon, tomorrow maybe" ang mabilis na sagot nito.
Tanging ngiti lang ang naisagot ni Rain, bakit ba sa tuwina na lang ay kumakabog ang dibdib niya, hindi lang sa tuwing malapit ito sa kanya, kahit pa isipin lang niya si Deven ay ganun pa rin ang nararamdaman niya.
Isa na rin ba siya sa mga babaeng nahulog sa karisma nito? Ang tanong niya sa sarili, isa rin ba siya sa mga babaeng luluha dahil sa pagkabigo sa pag-ibig kay Deven? Ayaw niya iyung mangyari. Ayaw niyang masaktan, katulad ng kanyang kapatid, dahil sa pagmamahal kay Deven.
"Rain?" ang mahinang tanong ni Deven, nang mapansin niyang nawala ang mga ngiti sa labi ni Rain, at nanatiling nakatingin lang sa kanya.
Mababakas sa mga mata nito ang pagkalito, tulad din ba siya ni Rain? Magkatulad ba sila ng nadarama? Atraksyon lang ito hindi ba? They were both healthy people at natural lang ang maattract sila sa isa't isa.
No, walang pag-ibig na namumuo sa pagitan nila, dahil hindi iyun pupwede. Hindi na siya papayag pang umibig muli, maliban kay Emily.
"Rain?" ang muling tanong nito sa kanya, at naramdaman niya ang daliri ni Deven na hinawakan ang hibla ng kanyang buhok na kumawala mula sa pagkakapusod nito.
He rubbed the soft strands of her hair in his fingers, and he was mesmerised by its softness. Saka niya ito, dahan-dahang inipit sa likod ng tenga ni Rain.
And he brushed his fingertips on her soft cheeks at nakita niyang napapikit si Rain sa kanyang ginawa.
He ran his fingers on her cheeks, to her jaw, saka niya marahang hinawakan sa baba si Rain, at natuon ang kanyang mga mata sa mala rosas na labi nito.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang labi sa mga labi ni Rain, papalapit ng papalapit, halos gahibla na lamang, nang umiyak si Caleb at halos napatalon silang pareho sa pagkakaupo.
Rain opened her eyes, and cleared her throat, she swallowed hard para makontrol ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.
She nervously wet her lips with her tongue, and smiled weakly at him.
"Gu-gutom na si Caleb" ang tanging sinabi ni Rain, bago ito tumayo at binuhat si Caleb.
Deven nodded saka siya tumayo para sumunod sa kanila, patungo sa dining room.
He studied Rains profile habang naglalakad ito. Napansin niya na, ang katawan ni Rain ay hindi katulad ng mga babaeng nakadate niya na sexy on the skinny side.
Ang katawan ni Rain ay well proportioned, medyo malaman kumpara sa ibang babae niya. But she's definitely sexy, ang sabi ni Deven sa sarili.
She really looks good from the back, lalo na siguro kapag -
"Shit" ang bulong niya sa sarili, hindi siya makapaniwalang pinagpapantasyahan na naman niya si Rain.
But suddenly, he stopped on his track. He stood there, tila ba isang estatwa, his eyes wide open.
Those flowers, those peonies, naalala niya ang mga bulaklak na iyun!
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...