Dumating na ang araw ng kanilang kasal, at tulad ng kanyang inaasahan, ay hindi pumunta ang ina ni Rain. Tanging mga kasamahan niya lang sa trabaho ang naging bisita niya. Sinabi na lang niya na, may sakit ang ina at di na makabiyahe.
Masakit man sa kanyang dibdib, ay pilit na itinago ni Rain ang hinanakit na nadarama niya. Ang kasal pa naman niya, ay isa sa mga pinangarap ng kanyang mama, na masaksihan. Naalala niya, na, excited ito noong malaman nito na ikakasal na sila ni Bryan. Pero ngayon, ay natiis siya nitong, hindi makita. Pero, hindi naman niya masisi ang ina. Dahil sa hinanakit nito, sa lalaking pakakasalan niya. Hindi niya pwedeng ipilit sa kanyang mama na gustuhin si Deven, dahil kung siya mismo, ay napilitan din lang naman.
Pinigilan ni Rain, ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata. Habang nakaupo siya sa backseat ng bridal car. She swallowed her emotions na nagpapasakit sa kanyang lalamunan at dibdib. Huminga siya ng malalim bago niya pinakawalan ito, maya – maya pa ay kinatok na siya ng wedding planner na kanilang kinuha na mag manage ng kanilang kasal.
Binuksan nito ang pinto ng backseat para sa kanya, nginitian siya nito, at inalalayan siya palabas ng kotse. Isang matipid na ngiti naman ang kanyang isinagot, habang dahan-dahan siyang lumabas ng kotse.
"Everything's ready inside, miss Rain, your groom awaits you" ang sabi nito sa kanya, habang inalalayan siya palabas.
Tumango siya, "Thank you Loren" ang nakangiting sagot niya sa wedding planner.
It only took one week para maiplano at maisagawa ang kasal. At thankful si Rain, dahil sa puro close friends, business partners, at relatives lang ang inimbitahan ni Deven.
At syempre, hindi nawala ang mga magulang ni Deven na nagmula pa sa Ireland, at tuwang - tuwa ng makita siya, at mas lalo pa ng makita ng mga ito, si Caleb. Na mukhang nagpapasikat at gustong-gusto ang atensyon na nakukuha nito ngayon sa dalawang matanda.
Ang mga ito nga ang may karga sa kanilang apo, habang ginaganap ang wedding ceremony.
Ipinakilala na rin ni Deven, si Caleb bilang anak nila ni Rain, para wala na raw masyado pa na eksplenasyon ang, sabi ni Deven sa kanya.
At ang mga bisita naman niya, ay ang mga kasamahan niya sa trabaho.
Nagtaka man ang mga magulang ni Deven kung bakit hindi nakapunta ang kanyang mama sa kanilang kasal, ay tinanggap na lang nito ang kanilang eksplinasyon, na may sakit ito at hindi kakayanin na bumiyahe.
And on cue, mula sa kanilang wedding planner, nag simula na ang wedding march, at dahan-dahan na siyang naglakad sa aisle, habang naghihintay sa kanya si Deven sa unahan.
She tried to look calm kahit pa parang lagabog ng mga paa ng kabayo ang tibok ng kanyang puso. She began to, breath through her lips, habang nakatuon ang kanyang mga mata sa may harapan, she tried, not to look at Deven, dahil sa, hindi naman sila totoong ikakasal, oo, para sa papel lang ang lahat, pero hindi dahil sa mahal nila ang isa't isa.
Pero parang may magnetismo ang mga mata ni Deven, dahil sa kahit pa iiwas niya ang kanyang mga mata, there was a force that, drew her to him, at unti-unting, natuon ang kanyang mga mata kay Deven, na titig na titig sa kanya.
Deven reached for her hand, the moment she reached the front of the makeshift altar na itinayo sa malawak na garden sa isang hotel and restaurant sa Tagaytay.
He gently put his hand on the small of her back, and gently nudged her forward, palapit sa harapan ng nakatayong pari, sa ilalim ng arc na punong-puno ng mga carnations na bulaklak, na iba't ibang kulay at laki.
"You look beautiful" ang bulong sa kanya ni Deven, nang bahagyang inilapit niyo ang mga labi sa kanyang tenga. And his voice never failed, to gave her whole body goosebumps.
"Thanks" ang pabulong niyang sagot, at sinubukan niyang ngumiti, kahit pa nanginginig ang kanyang mga labi.
Nagsimula na ang ceremony, taimtim ang lahat habang nakikinig at nanunuod sa seremonya ng kasal.
At nang kailangan na nilang magpalitan ng wedding vows, ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Rain.
Ito na ang pangako, ang pangako na kailangan nilang suportahan ang isa't isa at pangako na habambuhay silang magsasama. At para kay Rain, ay mga salitang walang laman ang mga lumabas sa kanyang mga labi.
At nang dumating na kailangan na nilang, ikintal ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng halik, ay mas lalong kinabahan si Rain.
At dahil sa wala siyang suot na belo, ay diretsong inilapat ni Deven ang mga palad nito sa kanyang magkabilang pisngi, at ang kiss nila ni Deven, was a gentle peck on the lips. Kaya naman kinantiyawan sila ng mga bisita nila sa kasal dahil sa napakabilis at tila nahihiyang halik nilang dalawa.
Although it was a quick kiss, Rain was surprised by the impact of that kiss to her. Para bang nanginig ang buo niyang katawan. At hindi lang siya ang nakaramdam niyun.Deven was scared when he felt his heart stopped a beat. It was just a quick kiss, but still, he caught his breath. He just concealed his reaction, by smiling widely to their guests na kinantiyawan sila sa bilis ng kanilang kiss.
No, he can't feel that way, kay Emily lang niya dapat iyun maramdaman. Ang sabi ni Deven sa sarili. Hindi na niya dapat ito maramdaman pang ulit sa ibang babae, hindi na dapat pa siya makaramdam ng ganoon muli.
Naupo na sila sa kanilang table, kasama ang mga magulang ni Deven na ayaw pa ring ibigay sa kanila si Caleb, na mukhang tuwang-tuwa sa atensyong ibinibigay ng dalawang matanda.
"So, saan ang honeymoon?" ang tanong ng kanyang mommy sa kanila.
"Ah, we didn't planned anything for our honeymoon mom, ayaw po muna naming iwan muna si Caleb" ang malumanay na sagot ni Deven, ang pagsisinungaling.
"None sense! Anong ginagawa namin? we're very much obliged to look after our grandson, while you two lovebirds, go on a honeymoon, and get busy giving us another grandson or granddaughter" ang sagot naman ng daddy ni Deven.
"Daddy maliit pa po si Caleb, para sundan namin agad ni Rain" ang sagot ni Deven, and he took a glimpse on Rain, and he gave her an amused smile dahil sa naging reaksyon nito. He knew she was uncomfortable, with the topic, dahil sa namumula na mukha nito.
"Malakas pa kami at kaya pang makipag-habulan sa mga apo namin, o kung gusto ninyo kumuha kayo ng mag-aalaga, kahit tig-isa pa ang mga iyan, importante, marami kaming apo" ang sagot ng daddy ni Deven.
"And the sooner, the better, Deven was our only child, dahil nagkasakit na ako sa matres at di na ako manganganak pa, but I think you're very healthy, kaya damihan nyo ang paggawa ng mga apo namin, lalo na at maganda ang lahing naiproduce ninyo" ang sabi ng mommy ni Deven na nakatingin kay Rain.
Tanging ngiti lang ang naisagot ni Rain, na napatingin sa kanya, and by her red cheeks, he can tell that her cheeks were burning that moment.
"It's a good thing that you've ended being the playboy of the country Deven, for three years, you've finally settled down, which was a good sign, that you've moved on from Emily"-
"Ma, please, wag natin isama si Emily dito, for godsake she's already in peace" ang galit na sabi ni Deven sa kanyang mommy kaya di na nito naituloy pa ang sasabihin.
"I was just trying to tell Rain"-
"Yes, I know what you wanted to say, but please not now" ang mariin na pakiusap ni Deven.
Tumikom lang ang bibig ng mommy ni Deven, at tila ba napahiya sa inakto ni Deven, tumahimik rin ang daddy nito, mas lalo na si Rain, na di alam kung paano babasagin ang awkward moment sa kanilang lamesa.
Mabuti na lang at nandun si Caleb, bigla kasi itong umutot at naramdaman iyun ng mommy ni Deven. Nanlaki ang mga mata nito, at biglang natawa.
"Oh, you're such a naughty boy, come, I'll changed your diaper" ang sabi nito kay Caleb.
"Ako na po ang magpapalit" ang sabi ni Rain.
"Oh nonsense, at madumihan ang damit mo? And I missed doing this, please let me, nasaan ang diaper bag niya?" ang sagot ng mommy ni Deven.
Iniabot ni Rain ang diaper bag, at sinundan na lang ng tingin ang mag lola na kinakausap si Caleb habang naglalakad papunta ng comfort room.
"Pagpasensiyahan mo sana ang mommy mo Deven, she meant no harm" ang sabi ng daddy ni Deven.
Deven sighed, "I know dad, I'm sorry, I shouldn't have reacted like that" ang sagot ni Deven sa ama, and he will apologise to his mom, pagkabalik nito.
"You know, how much she has been worried about you, when you lost Emily, and now she's very happy that you have found someone to love again" ang muling sabi ng ama niya.
Nanatili na tikom ang mga labi ni Deven, at hindi na niya sinagot pa ang sinabi ng ama.
Habang sumagi naman sa isipan ni Rain, ang salitang sinabi nito, ang love. Kung alam lang ng mga ito ang tunay dahilan ng kanilang kasal, ay napakalayo sa pagmamahalan nila sa isa't isa ni Deven, ang malungkot na sabi ni Rain sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Storie d'amore(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...