Sandaling namayani ang katahimikan sa loob ng bahay. Tila ba nagsalita ng kakaibang linggwahe si Rain na hindi naintindihan ng mga kausap niya, dahil nanatili lang ang mga ito na nakatingin sa kanya.
"Nababaliw na ang lalaking iyun" ang sabi ni Siony na unang bumasag ng katahimikan. Simula nang sabihin ni Rain ang napag usapan nila ni Deven sa coffee shop.
Hindi sumagot si Rain at umiwas siya ng tingin, at napansin iyun ni Bryan na kanina pa siya tinititigan.
"Anong sinagot mo?" ang tanong ni Bryan sa kanya, habang pinagmamasdan siyang mabuti.
"Pag-iisipan ko" ang sagot ni Rain, na hindi makatingin kay Bryan.
"Mahabaging Diyos" sambit ni Siony.
Bryan gave her an astonished look , para bang hindi nito naintindihan ang lumabas sa kanyang bibig.
"What did you say?" ang di makapaniwalang tanong ni Bryan sa kanya.
Rain stood up straight, habang karga si Caleb, na tawa lang ng tawa, at di alintana na may namumuo nang tensyon sa loob ng bahay, at siya ang dahilan. Tanging nakatuon ang atensyon nito sa kanilang mga salita, na akala ay siya ang kinakausap.
"Ang sabi ko PAG-IISIPAN ko" ang mariing sagot ni Rain kay Bryan.
"Pinag lololoko mo ba ako?" ang galit na tanong ni Bryan sa kanya at napahilamos pa ang mga kamay nito sa mukha.
"Seryoso ako Bryan" ang sagot ni Rain, alam niyang unfair ito para kay Bryan, pero si Caleb ang priority niya. Si Caleb na ang naging buhay niya, mula ng ibigay ito sa kanya, mula ng inilahad ito sa kanyang mga braso, may halos apat na buwan na ang nakalilipas, at mula ng mga sandali na iyun, alam niya na ang buhay niya ay si Caleb.
"Ano bang pinagsasasabi mo Rain! Magpapakasal ka sa lalaking iyun?" ang galit na tanong sa kanya ng kanyang mama, na hindi makapaniwala sa narinig nitong sagot mula sa kanya.
"Ang sabi ko PAG-IISIPAN ko" ang mariing sagot ni Rain.
"Which is, may possibility na pumayag ka" ang galit na sagot ni Bryan.
"Ayokong mawala sa akin si Caleb, sinabi na ng abugado ko, na maliit ang chance ko na makuha ang custody kay Deven" ang paliwanag ni Rain kay Bryan.
"So ano ang problema dun Rain? Mawawala lang sa iyo si Caleb, dito sa bahay, pero pwede kang humingi ng visitation rights kay Deven, para madalaw mo si Caleb" ang sabi ni Bryan, "madalaw natin" ang dugtong pa nito.
Nanlaki ang mga mata ni Rain habang nakatingin kay Bryan, anong problema? Tinatanong siya ni Bryan kung anong problema kung mawala sa kanya si Caleb?
"Narinig mo ba ang sinabi mo Bryan? Tinatanong mo ako kung anong problema kung mawala sa akin si Caleb?" ang di makapaniwalang sabi ni Rain.
"Rain, it's not what I meant" Bryan sighed, he knew Rain's attitude, na kapag nagalit si Rain, ay mas nagiging determinado ito.
"Then what?" ang galit na tanong ni Rain kay Bryan, "anong ibig mong sabihin?"
"Ang ibig kong sabihin, ay hindi naman talaga mawawala sa iyo si Caleb, mapapahiwalay lang naman siya sa iyo, kausapin natin si Deven, na bigyan ka ng pagkakataon na dalawin si Caleb, ilang oras, araw-araw" ang giit ni Bryan.
Rain shook her head, hindi niya maisip na hindi na sila magkakasama pa ni Caleb. Lahat ng ginagawa niya ay para kay Caleb. Ang kaligayahan niya ay dahil kay Caleb, ngayon ang kalungkutan at luha niya ay dahil pa rin kay Caleb.
"Kapag naikasal na tayo, magkakaroon na tayo ng sarili nating anak, yun na ang pagtuunan at pagbuhusan mo ng iyong atensyon at pagmamahal, makakalimutan mo na si Caleb" ang giit ni Bryan.
Naningkit ang mga mata ni Rain kay Bryan, dahil sa sinabi nito, "so gusto mo kalimutan ko na lang si Caleb, kasi magkakaanak din naman ako sa iyo, ganun ba?" ang galit na tanong niya kay Bryan, pero di ito sumagot.
"Parang gusto mong sabihin sa akin na, iwan ko na lang ang isang bagay, kasi kaya mo naman itong palitan?" ang sarkastikong sabi ni Rain.
"Hindi sa ganun"-
"Hindi bagay si Caleb, ANAK ko siya" ang mariing sagot ni Rain, "nang dumating siya sa buhay ko, siya na ang naging mundo ko, hindi ko kakayanin kapag nawala si Caleb sa akin"
"Pero paano ako? Hindi ba't napaka selfish mo naman kung tanging kaligayahan mo lang ang iniisip mo?" ang galit na sagot ni Caleb.
"Hindi lang kaligayahan ko ang nakasalalay dito, buong KATINUAN ko, buong BUHAY ko" ang mariing sagot ni Rain, "kaya, kaya kong magsakripisyo magkasama lang kami ni Caleb".
Bryan shook his head, hindi siya makapaniwala sa narinig, "pero paano ang mga sakripisyo ko, Rain?" ang pagsumamo ni Bryan.
Hindi sumagot si Rain at napatungo na lang.
"Balewala na lang ba ang mga sakripisyo ko sa inyo? Yung oras ko? Ang pagpapakasal ko sa iyo ng dahil kay Caleb?" ang biglang lumabas na katotohanan sa bibig ni Bryan.
Rain's head snapped up at kumunot ang noo niya, anong sabi niya? ang tanong ni Rain sa sarili. Sakripisyo ang gagawin nitong pagpapakasal sa kanya.
Natigilan din si Siony nang marinig ang sinabi ni Bryan, at ultimong si Bryan, ay natameme dahil sa lumabas sa kanyang bibig.
"Rain, akin na muna si Caleb, mag-usap na muna kayong dalawa" ang malumanay na sabi ng kanyang mama sa kanya.
Tumangu – tango lang si Rain, at iniabot sa kanyang mama si Caleb. Hinintay muna ni Rain, na makapasok ng kwarto ang kanyang mama at si Caleb, bago siya nagsalita.
"I'm sorry kung isang sakripisyo ang pagpapakasal mo sa akin, alam ko namang ayaw sa akin ng mga kaibigan mo dahil, I don't hang out with them. Hindi kasi ako mahilig uminom at magparty every Friday night, mas gusto ko pa kasing magmukmok na lang sa bahay" ang sarkastikong sabi ni Rain.
"Rain"-
"At alam kong, ayaw ng pamilya mo sa naging desisyon ko, with regards to Caleb, they thought, na baka hindi na ako mag-anak pa, dahil sa attachment ko kay Caleb"
"Rain"-
"Kahit si Deven, diretsahang sinabi sa akin na ayaw niya rin akong pakasalan, kung di lang dahil kay Caleb, isang sakripisyo rin ang kanyang gagawin, dahil ito lang ang paraan para di ako mapahiwalay kay Caleb, at least I know from the start, that we hated each other"
"Pero hindi ko naisip kailanman na ang pagpapakasal mo sa akin ay isang sakripisyo, dahil ako ang girlfriend mo. I'm sorry kung ganun ang naramdaman mo" ang dugtong pa ni Rain.
"Rain please"-
"Hindi ako galit sa iyo Bryan, kahit kailan ay di ko magagawang magalit sa pagiging honest mo, at least alam kong, hindi ka mahihirapan sa magiging decision ko" ang sagot ni Rain na buo na ang desisyon sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...