Chapter 59

15.5K 324 17
                                    

Naabutan ni Deven si Rain sa banyo, naghihilamos ito. Mula sa likuran ay niyakap niya si Rain at hinalikan sa leeg.

"Hmm ang bango naman ng asawa ko" ang bulong ni Deven sa tenga ni Rain.

Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Rain, pilit niyang pinasaya ang sarili.

"Hmm, good morning" ang sagot ni Rain at lumingon siya kay Deven.

Napansin ni Deven ang mga mata ni Rain na tila ba kagagaling lang sa iyak.

"Hey, have you been crying?" ang alalang tanong nito sa kanya.

Rain shook her head, "hindi ano, bakit naman ako iiyak? baka dahil sa kulang na ako sa tulog at late na ako laging nakakatulog, dati si Caleb lang ang pumupuyat sa akin, ngayon dalawa na kayo"

Niyakap siyang muli ni Deven, at bumulong sa kanyang tenga "well I didn't hear you complaining, as I recall, you were whimpering and moaning" ang bulong ni Deven habang marahang kinagat kagat ang tenga ni Rain, na di maiwasan ang di makiliti.

"Deven, gising na si Caleb" ang tanggi ni Rain, pero ang totong dahilan ng kanyang pagtanggi ay hindi si Caleb ang dahilan, kundi ang mga narinig niya kanina sa kwarto ni Emily.

Deven groaned, "Hmm okey, okey, well be having the whole day naman, just the two of us" ang bulong ni Deven.

Kumunot naman ang noo ni Rain, "bakit? Wala ka bang engagements ngayon?" ang tanong niya.

"Wala, and I made my schedule free for today para magkasama tayo" ang sagot ni Deven sa kanya na di pa rin inaalis ang pagkakayakap nito sa kanya.

"At bakit tayong dalawa lang? Sinong magbabantay kay Caleb?" ang muling tanong niya.

"I called manang Lory again, para bantayan si Caleb, mag hapon tayong mawawala, we'll spend the day with each other, at hindi dito sa bahay sa ibang lugar" ang sagot ni Deven.

May kinikimkim man na sama ng loob ay nakaramdam pa rin ng tuwa si Rain, dahil sa ipinapakitang effort ni Deven na makasama siya.

"You go and prep yourself, hintayin ko lang si manang Lory sa ibaba then, magbibihis na rin ako" ang sabi ni Deven sabay halik sa pisngi ni Rain at bago ito naglakad papalabas ng kwarto.

"Saan ba tayo pupunta? I hope nothing fancy" ang sabi niya.

"Just wear something casual, kung saan ka kumportable" ang sabi sa kanya ni Deven bago siya lumabas ng kwarto.

Hindi pa rin napigilan ni Rain ang hindi ngumiti, kahit papaano ay gumagawa ng paraan si Deven na magkasama silang dalawa.

Pagkakita pa lang sa kanila ng supervisor ay agad itong lumapit sa kanila at magiliw silang binati.

"Mister O' Shea! It's great to finally see you here, how long has it been? Five years?" ang tanong sa kay Deven ng excited na manager.

"Yeah, oh, meet my wife, Rain O' Shea" ang nakangiting pagpapakilala ni Deven kay Rain, na pilit na ngumiti.

"Hello" ang matipid na bati ni Rain, pilit niyang ngumiti, dahil bigla siyang napaisip sa sinabi ng manager. Five years na hindi nagpunta rito si Deven, simula ng mamatay si Emily?

"The usual place?" ang sabi sa kanila ng manager at sumunod sila rito, hanggang sa marating nila ang medyo private na pwesto, a table for two kung saan tanaw ang magandang over looking view ng metro.

"Wow Deven I love it here" ang sabi ni Rain ng makita ang magandang view ng metro. Bigla niyang nalimutan ang mga narinig niya kanina.

Dama ang malamig na hangin kung saan sila naroroon. At ang magandang tanawin na mata pa lang ay mabubusog ka na. Kaya pala nagustuhan at naging patron pa si Deven dito.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon