Chapter 23

12.7K 321 8
                                    

Sandaling natameme si Rain sa ganda ng babae na nakatayo sa labas ng kanilang pintuan, para kasing may nakatayo na manekin sa kanyang harapan.
"I'm sorry do I know you?" ang takang tanong ni Rain, sa babaeng, tila ba nanggaling sa isang Vogue magazine.
     Ang suot nito na deep burgundy sleeveless turtle neck at black wideleg pants na tinernuhan ng nude strappy sandals, ay lalong nag bigay rito ng model na karisma. At mas lalo na ang kakaibang kulay ng mga mata nito.
     "No you don't, but I will introduce myself, pwede ba akong pumasok? O gusto mong mag-usap tayo sa ibang lugar?" ang tanong nito sa kanya, with that accented voice of hers, na humahagod sa lalamunan. Pati ba naman boses nito, maganda rin? Ang sabi ni Rain sa sarili.
     Gusto siyang kausapin, sa ibang lugar? No, kung anuman ang misyon ng babaeng ito, dito sila mag-uusap sa bahay niya.
     Rain opened the door widely for her, and motioned for her to come in. Agad namang pumasok sa loob ang babae na kailangan pang tumingala ni Rain, para kausapin ito.
     "Maupo ka" ang malumanay na sabi ni Rain rito.
     Her eyes looked around their house, then she looked at their old sofe and shook her head.
"No thank you, I'd rather stand, hindi rin naman ako magtatagal" ang sagot nito sa kanya.
     Tumango si Rain at nanatili rin siyang nakatayo, ayaw niyang magmukhang mas maliit pa rito at kung anuman ang pakay nito, she wanted to stand her ground, "ano bang kailangan mo?" ang malumanay at takang tanong niya.
     "I'm Kelly Simon, GIRLFRIEND ni Deven O' Shea" ang mariin na sagot nito sa kanya, while lifting an eyebrow.
     Rain looked at her, and she tried to control her emotions, bakit parang may kumurot sa puso niya? Oo, ikakasal sila, pero, hindi ba ang sabi nito ay legal ARRANGEMENTS lang ito para sa kanila? Ang sabi niya sa sarili, hindi ibig sabihin nito, ay magiging faithful si Deven sa kanya. And she's going to be stupid if she's going to believe in that! Ang giit niya sa sarili.
     "What do you want?" ang tanong ni Rain, kahit pa may kutob na siya sa pakay ng babae, dahil na rin sa pagpapakilala nito.
     "I WANT  you to stop this MADNESS , I want you to backout, in MARRYING Deven" ang mariing utos sa kanya ni Kelly, ang mga mata nito ay lalong naging matalim ang pagtingin sa kanya.
     "I CAN'T" she looked up to her, and looked straight in her eyes, ang mariin ding sagot ni Rain.
     "Why?" ang di makapaniwalang tanong nito sa kanya, at nagpamewang ito.
     Nagtaka naman si Rain, hindi ba nito alam ang dahilan kung bakit sila magpapakasal ni Deven? Hindi ba nito sinabi, sa girlfriend nito? Nag-init ang ulo ni Rain, the last thing she needed, was a confrontation, from a broken hearted girlfriend.
     "Ano bang sinabi sa iyo ni Deven?" ang tanong ni Rain.
     "Wala siyang sinabi, he just broke up with me, at sinabing ikakasal na siya, sa IYO" ang sagot nito.
     "Then I'm not in liberty to tell you anything, it's Deven's place to explain everything to you, not mine" ang matigas na sagot ni Rain.
     "Matagal na ba ang relasyon nyo?" tanong nito, her eyes squinting at her.
     "Look", she sighed, "tulad ng sinabi ko, wala ako sa lugar para magpaliwanag sa iyo" ang sagot muli ni Rain.
     "Do you love him?" ang muling tanong nito kay Rain.
     Diyos ko, napakakulit ng babaeng ito, ang sabi ni Rain sa sarili, pero naintindihan niya ito at naawa siya para rito. Nakipaghiwalay si Deven dito ng dahil sa kanya.
     Pero pareho lang sila ni Deven, na gumawa ng isang desisyon, para kay Caleb, kahit pa nakasakit sila ng damdamin ng iba.
     "Wala kang karapatang tanungin ako ng ganyan" ang sagot ni Rain, dahil hindi niya masagot ang tanong nito.
     "May karapatan ako dahil girlfriend ako ni Deven" ang sagot nito.
     "Then si Deven ang iterorize mo ng mga tanong, huwag ako" ang galit na sagot ni Rain, "its Deven you should talk to, not me".
     "Is it because of his child kaya ka niya pakakasalan? Did you baby trapped him?" ang galit na tanong nito kay Rain.
     "Oo, dahil kay Caleb magpapakasal kami, and NO, for God's sake, I didn't baby trapped him!" ang galit na sagot ni Rain, nauubos na ang pasensiya niya sa babaeng ito.
     Gusto niya sanang sabihin ang tunay na dahilan kung bakit sila magpapakasal, pero dahil sa hindi sinabi ni Deven, hindi rin siya magpapaliwanag sa babaeng ito. Si Deven dapat ang magpaliwanag  dito at di siya, ang galit na sabi ni Rain sa sarili.
     "Do you even love him?" ang muling tanong nito sa kanya.
     Rain sighed impatiently, "hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo na yan, pwede ba kung may dapat kang kulitin o pestehin, si Deven at hindi ako, siya ang nag – alok ng kasal" ang inis na sabi ni Rain.
     "Kung hindi mo siya mahal, bakit mo siya pakakasalan?" ang tanong pa rin nito.
     "Sinabi ko bang hindi ko siya mahal?" ang sagot ni Rain, she's losing her patience.
     "Then why, can't you answer my question?" ang sagot nito.
     "Because I don't need to explain myself to you" ang inis na sagot ni Rain.
     Sa sandaling iyon, ay lumabas na ng kwarto si Siony, nang marinig niya ang boses ng babae na nakikipagtalo kay Rain. Tiningnan siya ng mga ito.
     "Ma, pasensiya na po kung naistorbo kayo, pero PAALIS na rin po ang BABAENG iyan" ang mariing sabi ni Rain, at tiningnan ng matalim si Kelly.
     "Why can't you just reject his offer?" ang huling tanong nito sa kanya.
     "Because he made an offer, I COULDN'T resist" ang honest na sagot ni Rain.
     Kelly nodded on her, naglakad na ito hanggang sa pinto at binuksan iyon, pero hindi pa ito agad lumabas. Tumigil muna ito, at muling lumingon kay Rain.
     "Pagsisisihan mo ang pagpapakasal kay Deven , hindi ka patatahimikin ng ASAWA niya" ang huling sinabi ni Kelly sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng pinto.
      Naiwang nakatingin si Rain sa nakasarang pintuan, "asawa?" ang bulong niya.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon