Chapter 41

13.9K 357 14
                                    

Morning came, at maagang nag prepare ng breakfast si Rain, pinakain na rin niya si Caleb nang maaga para pagbaba ni Deven, ay ito na lamang ang mag-aalmusal.
     Inililigpit na niya ang pinagkainan nila ni Caleb nang dumating si Deven. Nakabihis na ito papuntang opisina. He greeted a good morning to her, and she only nodded an answer.
     Aalis na sana sila ni Caleb para magpunta sa sala nang magsalita si Deven.
     "Rain, please, can we talk?" ang tanong nito.
     Rain stopped on what she was doing, and she again didn't speak but only nodded.
     Deven bit his lip, "about last night, I didn't mean to yell at you" ang sabi nito.
    "It's alright" ang matipid niyang sagot dito.
     Deven sighed, he could tell, that Rain was having reservations towards him. Pero hindi ba't mas maganda a ang ganito, he asked himself.
     Mas mabuti na, hindi siya masyadong maging malapit kay Rain at magkagusto rito. Hindi ba't ang huli niyang mamahalin ay si Emily lang? Ang sabi niya sa sarili.
     He fished out something inside his jean pocket, and he placed the set of keys on top of the dining table.
     Rain looked down, on the table, at nakita nga niya ang set of keys sa ibabaw ng lamesa.
     "I don't need a set of keys Deven, ang tanging kailangan ko lang, ay ang susi sa main door ng bahay at ang code ng security" ang sabi niya rito.
     Deven knew na hindi pa okey ang lahat between the two of them. But he didn't pushed the topic. He removed two keys from the ring and he placed it on the table.
     "The round one was for the narrow gate sa labas and the flat key ay para sa main door and the code was 05082016" ang sabi ni Deven.
     Rain only nodded on him without even looking up to his face. She tried to deny everything since last night na hindi siya dapat masaktan pero, iba ang nararamdaman niya. She was hurt last night and she still is until that moment.
     "Ahm, aalis na ako, do you.. Need anything? If you're going out I mean" ang tanong ni Deven, he meant money, pero di niya ito maitanong ng diretso.
     "Kung ang ibig sabihin mo, ay kung kailangan ko ng pera HINDI" ang mariin niyang sagot.
     Deven sighed, she was so proud, he thought, "OK bye" ang pamamaalam nito bago humalik sa pisngi ni Caleb.


      "Ma, kamusta na?" ang bati niya sa kanyang mama sa kabilang linya.
     "Oh Rain, mabuti naman, kayo ni Caleb?" ang balik tanong nito sa kanya.
     Naalala niya ang insidente kagabi, "mabuti kami ni Caleb mama, kayo naman anong pinagkakaabalahan ninyo ni tiya?"
     "Eh, eto, yung tinayo naming karinderya dito sa harap ng bahay ng tiya mo ay, malakas naman kaya, abala talaga kami" ang sagot ng kanyang mama.
     Dinig nga ni Rain ang maingay na paligid mula sa kabilang linya. Mukhang successful ang karinderya ni mama, at bakit naman hindi, magaling magluto ang kanyang mama, ang proud na sabi ni Rain sa sarili.
     "Natutuwa akong marinig yan mama" ang masayang sabi niya.
     "E kayo kailan nyo ba kami dadalawin ni Caleb, miss na miss ko na ang apo ko" ang sabi nito.
     "Kapag may free time po kami ni Caleb, pupunta po kami diyan" ang sagot niya, gustong gusto na rin kasi niyang makita ang mama niya.
     "Hindi ba kayo pinagbabawalan ni Deven?" ang tanong nito.
     Hindi, ipinagbabawal lang niya na pumasok sa isang kwarto sa bahay, ang kwarto ng asawa nito. Hindi late wife, kundi asawa pa rin ang turing ni Deven kay Emily, kaya siya nasaktan kagabi.
     "Hindi po ma, sige po, tatawag po ako ulit, mamaya siguro, kapag hindi na kayo masyadong abala, Ikamusta nyo po ako kay tiya mama, sige po" ang pamamaalam niya sa kanyang ina.
     Rain got inspired sa success ng negosyo ng kanyang mama, mukhang napabuti ang ibinigay na pera ni Deven kay mama.
     Marunong siyang magbake, simulan niya kaya sa online na order ng sweets. Lulutuin niya lang kung kailan may orders.
     Oo, tutal wala naman siyang masyadong ginagawa sa bahay, bukas na bukas, tutal Sabado, mamimili siya at magpapataste test sa mga dati niyang kasama sa trabaho.
     Ayaw niyang manghingi ng pera kay Deven, kaya, gusto niyang may sarili siyang income.
     Dahil sa isang magandang plano, muling gumaan ang pakiramdam ni Rain, agad siyang gumawa muna sa bahay. Na kahit pa, wala naman na talaga siyang gagawin ay naghanap pa rin siya ng pagkakaabalahan.
     Pagkatapos ay dinala niya si Caleb sa may garden, at naupo sila sa may rattan chairs, nilagyan lang niya ng maraming unan si Caleb para di ito tumumba.
     Pagkatapos ay binuksan niya ang dala niyang notebook, at isinulat niya ang nga una niyang ibibake na sweets.
     Siguro brownies muna, or chocolate crinkles, or cupcakes! Ang excited na sabi niya sa sarili. Hindi niya tuloy alam kung anong uunahin, dahil sa excitement niya.
     Pagkatapos niyang makapili ng dalawang goodies na ibibake, gumawa na siyang listahan ng mga bibilhin bukas sa supermarket. Saka na niya ilalagay sa box, free taste pa lang ang gagawin niya.
     When she was satisfied with her list and plans, she felt elated. Mukhang nawala na rin ang bigat na nasa kanyang dibdib, dahil sa nangyari kagabi. Of course, she's going to tell Deven, hindi naman pwedeng lumabas labas siya ng bahay na dala si Caleb ng di nito alam ang pinaggagagawa nilang mag-ina.
     "Excited ka na rin ba Caleb sa panibagong adventure natin?" ang masayang tanong niya kay Caleb who only made gargling sound bilang sagot sa kanya. Natawa naman si Rain. Then she saw the flowers in the garden.
     Mga white roses at peonies ang mga nakatanim sa maganda at well maintained na garden. Hmm, mukhang maganda ito mamaya na center piece sa dining table, ang sabi ni Rain sa sarili.
     She looked at her watch, at nakita niyang four na pala ng hapon. Inalis na niya sa ref ang lapu-lapu na isda at nalagyanna rin niya ng pampalasa. Balak niyang gawin sweet and sour fish ito.
     "Halika na Caleb, let's get busy in the kitchen hmm baby?" ang malambing niyang sabi rito, bago binitbit si Caleb papasok ng bahay.

    
     "Yes?" ang sagot ni Deven sa lalaking kausap niya sa kabilang linya.
     "Hey Deven, Friday! Let's go out!" ang yaya sa kanya ng kaibigan na isa ring notorious bachelor.
     Deven smiled to himself, nakagawian na kasi nilang magkaibigan na lumabas tuwing Friday ng gabi. But now, he thought of Caleb and Rain, waiting for him sa bahay.
     Well, he didn't know kung naghihintay nga para sa kanya si Rain, dahil sa nangyari kagabi, but still, he looked forward to seeing them both.
     "Sorry Ace, I have to decline, my family's waiting for me sa bahay" ang sagot niya rito.
     He heard him chuckle on the other line, "yan tayo eh, porke gabi-gabi nagpapagulong gulong ka sa kama, busog na busog ka lagi, without the need of a condom? sarrrap nun pre!" ang pambubuska nito sa kanya.
     Deven couldn't help not to laugh sa biro ng kaibigan, pero sumagi sa isip niya ang sinabi nito, huh, kung alam lang nito, ang sabi niya sa sarili. Oo, busog na busog siya, sa pagkain, pero hindi sa iba pang ibig sabihin nito. Dahil sa tingin niya, mananatili siyang gutom para kay Rain.
     "Sorry talaga, Ace" ang sagot niya sa kaibigan.
     He heard him sighed, "okey, but if you changed your mind, sunod ka lang, sa usual place" ang sagot nito bago nagpaalam.
     Deven shook his head then he looked at his watch, it's already six, masyadong puno ang sched niya kanina kaya Di niya namalayang six na pala ng hapon. He stood up and got his vest, then he left the office.
     On his way home, may nadaanan siyang flower shop, and he decided to give some flowers to Rain, peace offering? Somehow, he wanted to make things right between the two of them.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon