Chapter 37

13.5K 351 11
                                    

Maaga pa lang ay umalis na si Deven, mukhang naghahabol ito ng mga panahon na hindi ito pumasok sa kanyang opisina.
     Without anything else to do ay sinimulan ni Rain ang paglilinis ng bahay, kahit pa sa tingin niya ay hindi na kailangan iyun ng bahay.
     But still sinimulan niyang linisin ang bawat kwarto sa itaas ng bahay. Una ay ang kwarto nila ni Caleb, kumuha siya ng hamper at inilagay lahat ng nakakalat na laruan ni Caleb, at mga damit nitong madumi. Mamaya na siya magba vacuum kapag gising na si Caleb.
     Sunod ay ang kwarto ni Deven, humanga siya ng husto ng makita niya na nakaayos ang madudumi nitong damit sa isang hamper, wala kang makikita ni isang damit o panyo man lang na nakakalat sa loob. Pati ang mga gamit na towel ay maayos na nakasabit sa hooks sa loob ng bathroom.
     Inayos niyang muli ang pagkakatupi ng sheets at comforter. And she plumped his pillows a couple of times hanggang sa bumalik sa dating hugis nito. Then she sprayed an air sanitizer.
     Sinilip niyang muli si Caleb, tulog pa rin ito, kinuha niya ang isang baby audio monitor para marinig niya kung magising na ito.
     Hinyaan niyang nakabukas ang pinto, at papasok na sana siya sa katapat na kwarto ng kay Deven, pero pagpihit niya ay nakalock ito.
     Hmm, nakalock, ang sabi niya sa sarili, dun naman siya sa susunod na kwarto at pinihit niya ang doorknob at bumukas iyun.
     Nilinis din niya ang kwarto na iyun, at pagkalabas niya ay muling nabaling ang kanyang mga mata sa katabing kwarto na nakalock. Bakit kaya nakalock ito? Ang tanong niya sa sarili, baka diyan niya itinatago ang mga kayamanan niya, ang pabirong sabi niya sa sarili.
     Bababa na sana siya nang marinig niya ang iyak ni Caleb, itinabi niya ang hawak na basahan at nagmadali siyang pumunta sa kwarto nila ni Caleb.

      Hapon na at nakapaglaba na si Rain at linis ng bahay, bukas ay itutupi na lang niya ang mga bagong labang damit.
     Kasalukuyan siyang nagluluto ng ulam para sa kanilang hapunan ng mag ring ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ni Deven sa screen. In an instant she felt giddy, ano ba Rain! Umayos ka tawag lang yan! Ang saway niya sa sarili.
     "Rain" ang bati nito agad sa kanya, "ang tagal mong sumagot?"
     Kumunot ang noo niya dahil sa tono ng tanong nito, "secretary mo ba ako?" ang sarkastikong sagot niya rito.
     Narinig niyang napabuntong-hininga si Deven sa kabilang linya, halatang naasar na naman ito sa kanya.
     "How's Caleb?" ang tanong niya kay Rain, kahit pa gusto rin niyang kamustahin ito. He doesn't want her to know na laman ito ng isipan niya, kahit nasa opisina pa siya.
     "OK naman si Caleb, pauwi ka na ba?" ang tanong sa kanya ni Rain, that made him smile.
     "Maya-maya" ang sagot ni Deven sabay tingin sa suot niyang relo. Ilang minuto na lang at five na ng hapon, may meeting pa siya with one of a future investor, "why did you ask?" ang balik tanong niya.
     "Hmm, nagluto kasi ako for dinner, yun ay kung may balak ka lang kumain dito sa bahay" ang nahihiyang sabi ni Rain kay Deven, ayaw niyang isipin na masyado niyang ginagampanan ang pagiging asawa nito.
     Hindi naman nito napigilan ang ngumiti nang marinig ang sinabi ni Rain.
     "I'll try to be home not later than nine, makapaghihintay paba iyang niluto mo?" ang tanong nito.
     "I'll try" ang sagot ni Rain, kahit pa gusto niyang sabihin na hihintayin ko pagdating mo saka na rin ako kakain.
     Natawa naman si Deven sa sagot niya, "siguraduhin mo lang na edible yang niluto mo, at ayokong masayang ang pagtanggi ko sa isang dinner, tapos gugutumin din lang pala ako sa bahay" ang pang aasar nito.
     "Eh kung ayaw mo eh di mag kape ka na lang" ang inis na sagot ni Rain sabay patay sa kanyang telepono.
*** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** ***
     Pero mukhang si Rain ang uminom ng kape. Nang maraming kape.
    Ang sinabi kasi ni Deven na not later than nine ay naging later than one a.m.
     She even put the pot into the oven for several times para manatili itong mainit, pero walang Deven na dumating.
     "Ten more minutes" ang bulong niya sa sarili, kinuha niya ang baby audio monitor at inilapit sa kanyang tabi, while she browse the Internet using her phone.
     Hanggang sa mapunta siya sa news site, and what she saw hurt her. Sa late news para sa lifestyle, at nakaindicate ang oras kung kailan nakunan ang video, na kaninang ten ng gabi. Na may caption na: He was still the country's playboy.
     Ang kuha ng video ay nasa isang bar, at makikita si Deven na may katabing babae, at nang mapalingon ang babae ay agad niya itong nakilala. It was Kelly. At sa video ay magkalapit pa ang kanilang mga ulo.
     Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib. She expelled her breath, at tumayo na siya. Pinatay na niya ang oven at hinayaan na lang ang iniinit na ulam sa loob nito.
     Hinugasan niya ang mug na ginamit niyang pag-inuman ng maraming kape. Tinuyo niya iyun at ibinalik ng maayos sa lalagyan. Ayaw niyang, may maiwang marka sa bahay na siya ay naghintay para rito.
     Umakyat na siya sa itaas at nagtungo sa kwarto nila ni Caleb.
  
    It was almost two in the morning nang dumating si Deven. He was worried na naghintay si Rain sa kanya. He knew he should have called her, pero dahil sa maingay sa loob ng bar, ay di niya nagawa.
     Gusto na sana niyang umalis kaso, mukhang nag – enjoy ang kausap niyang Japanese investor, lalo na nang makita nito si Kelly, na aksidente namang nagkita sila sa bar.
     He introduced her to his Japanese friend at mukhang na lovestruck ito kay Kelly at hindi na nagawa pang umalis.
     He entered the house, and he immediately pushed the buttons for the security password. Tahimik na sa loob, mukhang tulog na rin ang mga ito, ang sabi ni Deven sa sarili.
     Pero nagbakasakali siyang gising pa si Rain at hinihintay siya kaya nagpunta siya sa kusina. Pero malinis na kusina ang dinatnan niya. Wala ring pagkain na naiwan sa ibabaw ng stove. Malinis at maayos ang lahat, walang indikasyon na may naghintay para sa kanya.
     Hindi niya alam kung matutuwa ba siya at hindi na siya hinintay ni Rain at di niya ito naabala, o masasaktan ba siya dahil hindi siya nito hinintay at di man lang nagpakita ng kaunting pagpapahalaga sa kanya?
     Pero dapat bang gawin sa kanya iyun ni Rain? He asked himself.
     "No feelings involved Deven, no feelings involved" ang bulong niya sa sarili.
   
     Pag-akyat niya sa itaas, at pagpasok sa kanyang kwarto, dahan-dahan siyang naglakad para sumilip sa kwarto nina Rain at Caleb.
     Sinilip niya si Caleb sa crib nito and he turned and looked at Rain. Nakatagilid ito, habang nakaunan ang pisngi nito sa dalawang nitong kamay.
     He wanted to ran his hands through her hair that was spilled on her pillow. But he controlled the impulse. He quickly turned around and leave the room.
     And on that moment, did only Rain expelled the breath that she was holding back, since she heard Deven entered her room.




The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon