Chapter 13

14.6K 347 12
                                    

Isinara ni Rain ang pinto at pagpihit ng kanyang katawan ay parang leon na Bryan ang nakaharap niya.
"Ayoko ng maulit iyun Rain" ang mariin na sabi ni Bryan sa kanya, habang nakatayo pa rin ito at nakaharap sa kanya.
Napabuntong-hininga si Rain, pagod na siya at ang huli na gusto niyang mangyari ay ang makipagtalo. Dinampot niya ang mga bags na pinamili nila ni Deven kanina, para kay Caleb, at humakbang siya papasok ng kwarto. Nakasunod naman sa kanya si Bryan, na nakabusangot pa rin ang mukha.
"Rain, I said, ayoko ng maulit pa ito" ang muling giit nito sa kanya.
Inilapag niya ang mga bags sa sahig sa tabi ng crib mamaya na niya iyun aayusin, ang sabi niya sa sarili. Humarap siya kay Bryan.
"Kung iyun ang gusto mo Bryan, hindi na mauulit" ang sagot niya rito, para lang hindi na humaba pa ang usapan at mauwi pa sa pagtatalo.
     Hindi na muna pinauwi ni Rain si Bryan, at niyaya niya itong maghapunan na sa kanilang bahay. At pagkatapos nilang kumain ay naupo sila sa salas, kasama ng kanyang mama, para manuod ng palabas sa telebisyon.
    Pero mukhang, sinusubukan ni Bryan ang pasensiya niya, dahil sa akala niya ay tapos na sa kwarto ang issue tungkol kay Deven, pero habang kumakain kanina at ngayon na habang nakaupo na sila sa sofa para manuod, ay patuloy pa rin sa paglitanya at pagsermon sa kanya si Bryan. At mas lumala pa dahil pati mama niya ay nakisali pa. Pinigilan na lang niya ang sarili, para di na humaba pa o magkarun ng isa pang konprontasyon sa bahay, kahit pa para na siyang bulkan na sasabog anumang oras, dahil sa pagtitimpi niya na huwag sumagot sa mga sinasabi nito sa kanya, patungkol sa pagiging malapit niya kay Deven. Na kung tutuusin, ay ngayon pa lang naman, na nangyari na nagkasama sila sa labas ni Deven. Pero, sa mga litanya ng mga ito, ay tila ba, nagiging malapit na sila, ng lalaking, gumigiit na tatay ni Caleb.
     Masyado na siyang pagod para makipagtalo, ang sabi ni Rain sa sarili. Pero mukhang di pa tapos si Bryan.
    
"Hindi ba sinabi ko na ngang, nagmagandang loob lang si Deven na bilhan si Caleb ng mga kailangan nito" ang paulit – ulit na paliwanag ni Rain at hinawakan na niya ang kanyang kanan na sentido, mukhang sasakit na yata ang ulo niya.
     "Oo nga, pero pinakita mo lang, na kailangan mo siya, na kailangan mo ng pera niya, at hindi mo kayang mag provide para kay Caleb" ang galit pa ring sagot ni Bryan sa kanya.
     Naalala ni Rain ang mga sinabi ni Deven sa kanya habang nasa supermarket sila kanina, hindi nito inisip na di niya kayang mag provide para kay Caleb. Kahit pa napahiya siya kanina, dahil sa mumurahin lang na diaper ang kaya niyang bilhin kay Caleb, ay hindi niya naringgan ng pangmamaliit na mga salita si Deven.
     Pero sa halip na sagutin si Bryan, ay niyakap na lang niya ito. Ayaw na niyang magpaliwanag at makipagtalo.
    "Please Bryan, wag na natin siyang pag-usapan" ang malambing na sabi ni Rain sa nobyo habang yakap niya ito. At isinandal niya ang kanyang pisngi sa dibdib ni Bryan. She wanted to feel something. Tulad ng tila kuryente na nadama niya kanina, when his hands held her back, alam niya na unfair iyun para kay Bryan, pero, nabigla kasi siya na kung bakit, kay Deven ay nakadama siya ng ganun, samantalang kay Bryan na kanyang nobyo, ay hindi.
     Bryan sighed, and his body relaxed, inilagay nito ang kanan na braso sa kanyang balikat, at isinandal niya ang kanyang kaliwang pisngi sa dibdib nito.
     Tahimik na silang nanuod ng balita, nang sa isang di inaasahang pagkakataon ay lumabas si Deven sa showbiz segment ng balita.
     "Hiwalay na naman po ang hunk oil tycoon na si Deven O' Shea, kinumpirma iyan nitong araw lang, nang model girlfriend nitong si Bea Schumer" ang sabi ng TV host.
     Rain became tensed, kabibreak lang nito sa kanyang girlfriend? Kaya siguro na late ng dating kanina, ang sabi ni Rain sa sarili.
     "Tingnan mo yang lalaking iyan, papalit-palit ng babae, pagnapagsawaan na, iiwan na niya" ang galit na sabi ni Bryan.
     "Huh, ewan ko ba  kung bakit, naloko si Faith sa lalaking iyan, kung di dahil sa kanya, baka buhay pa ang anak ko!" ang galit na sabi ng mama ni Rain.
     Gusto sanang sabihin ni Rain, na may kasalanan din si Faith. Kilalang tao si Deven, at alam ni Rain na alam ni Faith kung anong image mayroon si Deven, pero pumatol pa rin ang kapatid niya rito.
     Biglang kinabahan si Rain ng nagpatuloy ang balita, bigla siyang napaupo ng diretso ng makita ang mukha nilang tatlo. Kuha ito sa supermarket kanina, karga ni Deven si Caleb, habang nakasunod siya sa dalawa.
     Kuha iyun, nang pumasok sila sa loob ng supermarket. At di makapaniwala si Rain sa mga sumunod, na sinabi ng host.
     "Sila kaya ang dahilan kung bakit nag break sina Bea at Deven? Sila kaya ang pamilya na matagal ng itinago ni Deven at ngayon lang niya inilabas sa publiko? Hanggang ngayon ay kinukuha pa rin namin ang panig ni Mr. Deven O' Shea" ang huling sabi ng host.
     "You saw that?!" ang galit na tanong ni Bryan sa kanya,"Yan na nga ba ang sinasabi ko Rain" ang galit na sabi ni Bryan.
     "Bryan, alam naman natin ang totoo, tsismis lang ang nasa balita" ang sagot ni Rain.
     "Kahit na, mapapabilang ka na rin sa mga babae niyang Deven na iyan!" ang sabat naman ng mama niya.
     Rain sighed, "mama naman, alam naman natin ang totoo, wag na po nating patulan pa iyan" ang sagot ni Rain.
     "Huh, wala ng ginawa ang lalaking iyan kundi ang guluhin ang buhay natin" ang sabi ng kanyang mama, bago nito pinatay ang TV, at tumayo na para magpunta sa kwarto nito.
     "Matutulog na ako Bryan, mag – ingat ka mamaya sa pag-uwi mo" ang sabi ng kanyang mama kay Bryan.
     "Opo mama, goodnight po" ang sagot ni Bryan. Hinintay pa muna nila itong makapasok ng silid nito, bago muling nagsalita si Bryan.
     "Ano na lang ang sasabihin nila mama at papa, kapag napanuod nila ang balita na iyan?" ang galit na tanong ni Bryan.
     "Then tell them, na, hindi totoo ang balita, which was hindi talaga" ang galit na sagot ni Rain. She was so exhausted, she didn't need another argument.
     "Siguradong magiging katatawanan ako ng mga kabarkada ko kapag nakita nila ang balita" ang mahina, ngunit mariing sabi ni Bryan.
     Hindi na sumagot pa si Rain, ayaw na niyang pahabain at palakihin ang nangyari.
     Maya-maya ay tumayo na si Bryan, "sige na, uuwi na ako" ang galit na sabi nito.
     Pero ayaw ni Rain na mag-away sila, ayaw niyang, maghiwalay sila na may tampuhan. Kaya kahit pagod na siya, ay pinilit niya ang sarili.
     Hinawakan niya sa braso si Bryan, niyakap niya ito, and she kissed him on his lips.
     "Tulog na si mama at Caleb" she whispered on his ears, and she smiled seductively on him.
     Bryan grabbed her butt and he grind his erection on her crotch.
     She held Bryan's hand and she pulled him as they walked inside her room. And she gently closed the door.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon