Chapter 9

15K 367 10
                                    

Dalawang magkasunod na araw, na regular na dumadalaw si Deven kina Rain. Sa tuwing darating siya mula sa trabaho ay, naaabutan niya si Deven na, nasa labas ng kanilang bahay, nakasandal ito sa kanyang sasakyan, habang matiyaga na hinihintay siya. At kahit pa, ayaw niyang maramdaman ay humanga siya sa ipinapakitang pagtitiyaga ni Deven, makasama lang nito si Caleb.
At alam na rin niya, na nagiging tampulan na rin sila ng tsismis ng mga kapitbahay, dahil na rin sa presensiya ni Deven sa harapan ng bahay nila.
Dama ni Rain ang mga mapanuri at mga nagtatanong na mga paningin na ibinibigay sa kanila ni Deven sa tuwing madadatnan niya ito sa labas ng bahay, pagdating niya.
     Deven always spent almost an hour sa bahay nila. At nakikipaglaro ito kay  Caleb at paminsan na tumulong ito sa pagpapadede kay Caleb. At sa mga sandali na naroon sa loob ng bahay nila si Deven ay ang nanay naman niya ay pumapasok sa loob ng kwarto nito, para magkulong, at lalabas na lang ito, kapag nalaman na, wala na si Deven sa bahay. Laking pasalamat na rin ni Rain na, maikling oras lang ang itinatagal ni Deven sa bahay nila, hindi kasi niya matagalan ang pakiramdam na hatid nito sa kanya sa tuwing kasama niya ito.
     At sa mga nagdaraang araw, ay halos di na siya makatulog at makakain, dahil sa palapit kasi ng palapit ang araw, para sa DNA testing ni Caleb at Deven.
    
***

     Pagbaba ni Rain ng jeep, she anticipated to see Deven standing in front of their house, while leaning his back against the driver’s side of his expensive car.
     Pero laking gulat niya nang makita ang harap ng bahay nila na walang kotse at walang Deven na nakatayo. She looked around, para masigurado nga niyang wala ito, then she sighed with relief, nang masigurado niyang wala si Deven O’ Shea.
     Nagmamadali siyang pumasok ng bahay, at last bumalik sa normal ang kanilang buhay. Sana nga ay tuluyan nang hindi magpakita ang lalaking iyun ang masaya at umaasa na sabi ni Rain sa sarili.
     Tuwang – tuwa si Rain, para bang biglang lumiwanag muli ang buhay niya dahil nawala na ang makapal at madilim na ulap sa buhay nila, sa katauhan ni Deven. Agad niyang sinilip si Caleb sa crib nito. Mahimbing pa rin itong natutulog, isang matamis na ngiti ang gumuhit sa pisngi ni Rain, at marahan niyang hinimas ang malambot na pisngi nito.
     Mabilis siyang nagpalit ng damit na pambahay, at ipinusod niya ang kanyang buhok. Lumabas siya ng kwarto para batiin ang kanyang mama, na nasa kusina,at naghuhugas na ito ng bigas na nasa kaldero para isaing.
     “Ma, kamusta po ang maghapon ninyo?” ang masayang tanong ni Rain sa ina, at lumapit siya sa ref para kumuha ng malamig na tubig.
     “Oh Rain, dumating ka na pala, hindi ko namalayang dumating ka, mabuti naman ang araw ko, lalo na at di sumulpot ang damuhong na iyun” ang sagot ng mama niya.
     Di napigilan ni Rain ang tumawa, sa sinabi ng kanyang mama. Siya rin ay masaya at di dumating si Deven. Lumapit siya sa kitchen counter para kumuha ng baso sa plastic na dish drainer. Nagsalin siya ng malamig na tubig at saka niya iniangat ang baso sa bibig para inumin ang malamig na tubig.
     “Nga, pala, ubos na ang gatas ni Caleb at saka diaper, wala na siyang gagamitin mamaya” ang sabi ng mama ni Rain.
     Tumangu-tango si Rain, pilit niyang itinago sa kanyang ngiti ang isipin niya, at iyun ay ang lumalaki niyang expenses.
     “Sige po ma, mamaya po ay lalabas ako para bumili, sandali lang po at, isasama ko na rin si Caleb palabas, kapag nagising na siya” ang sagot ni Rain.
     “Oo nga ng makalabas naman ang bulinggit na iyun” ang sagot ng mama niya.
     “May ulam na ba tayo mama?” ang tanong ni Rain.
     “Eh, lutong ulam lang ang binili ko kanina, may natitira pang ulam sa ref” ang sagot ng mama niya.
     “Sige po, bukas wala naman pasok, mamamalengke muna ako, tapos ipapasyal namin ni Bryan si Caleb, mag-grocery na rin kami” ang sagot ni Rain, “sige mama, punta lang ako sa kwarto”.
     Pagpasok ni Rain sa loob ng kwarto ay sinilip niya si Caleb sa kanyang crib. At napangiti si Rain nang makitang gising na si Caleb, at isinusubo ang kamay nito.
     Natawa si Rain, “gutom ka na ba Caleb?” ang malambing na tanong ni Rain, ngumuso naman at nanlaki ang mga mata ni Caleb sa kanya, at humalakhak ito.
     Napakabait na baby ni Caleb, hindi ito iyakin, umiiyak lang ito, kapag gutom o puno ng ihi o may poo poo na ang diaper nito. O kaya naman kapag nagulat ito habang tulog.
     Binuhat ni Rain si Caleb na bumibigat na, para ilabas mula sa crib. Inihiga niya ito sa kanyang kama, para palitan ng damit at diaper.
    Nag-iisa na lang ang diaper nito sa cabinet, napabuntong – hininga si Rain. Kinukulang na ang sahod niya, para sa gastusin sa bahay, bayad sa upa, water and electricity bills, pagkain, sa mga kailangan ni Caleb, bukod pa ang allowance niya para pamasahe at pagkain araw-araw sa trabaho.
     Hindi na nga siya nakakapaghulog sa ipon nila ni Bryan, para sa kasal nila next year. At Mukhang mababawasan niya pa ito bukas, dahil kailangan niyang mamili ng mga kailangan ni Caleb.
     Kinuha ni Rain ang kanyang wallet, at sinilip ang laman nito. Kasya lang pambili ng maliit na box ng gatas at dalawang diaper ang pera niya.
     Mamaya ay kakausapin niya si Bryan na kailangan niya ng pera. Kinarga na niya si Caleb at inilagay sa carrier nito.
     Isinuot niya ang carrier, at lumabas na sila ng bahay, para magpunta sa malapit na palengke.
   

     Naglalakad na sila pabalik ng bahay, di na siya sumakay ng tricycle at kulang na ang pera niya. Bitbit ang pinamiling gatas at diaper, saka kaunting ulam, ay naglakad si Rain, habang nakamasid naman si Caleb sa paligid niya.
     Di na alintana ni Rain na gulo-gulo na ang buhok niya, at ang pagod na nadarama dahil na rin sa bigat ni Caleb.
     At nang marating na nila ang bahay, at saktong binubuksan niya ang pinto, nang may magsalita mula sa kanyang likuran.
     “I’m sorry I’m late” ang sabi ni Deven mula sa likuran ni Rain.
  

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon