Chapter 33

13.3K 339 6
                                    

Rain's eyes slowly opened, her body was used to waking up early. She she turned to her side, para silipin si Deven sa kanyang tabi, at nagulat siya ng wala na ito sa kanyang tabi. She sat up and turned her head to looked at the time, sa digital clock na nasa side table.
     Hmm, five pa lang ng umaga, nauna na kayang nagising sa kanya si Deven? She thought. Well obviously, mukhang nauna na nga talaga ito gumising, baka papasok na sa opisina nito, she said to herself.
     Mabilis siyang bumangon at nakangiti niyang sinilip ang natutulog pang si Caleb na nasa crib. Mabilis niyang ginawa ang kanyang morning routine at paglabas niya ng banyo, freshly showered and dressed. Sinilip na niya si Caleb sa crib nito, inaasahan na niya na gising na si Caleb, agad niyang inalisan ito ng diaper at damit saka nilinisan sa banyo. She wished na mayroong sariling bathroom si Caleb, yung may tub na pwede nilang pagliguan na dalawa. Mahilig pa naman na magbabad sa tubig si Caleb, ang nangingiti niyang sabi sa sarili.
     Pagkalinis ay inihiga niya si Caleb sa kama para bihisan at lagyan ng fresh diaper bago sila bumaba sa first floor ng bahay, at dumiretso sila sa kusina.
     Hindi niya inaasahan ang kanyang dinatnan, Deven was in front of the kitchen counter busy making pancakes.
     "Good morning" ang bati niya.
     "Mornin" ang tanging sagot nito sa kanya.
     Mukhang di na naman maganda ang gising nito, ang sabi ni Rain sa sarili. Lumapit siya sa breakfast nook at iniupo si Caleb sa bago nitong highchair.
     Nang masecure na niya si Caleb, lumapit siya kay Deven.
     "Ako na ang gagawa niyan, why don't you prep up for work?" ang offer ni Rain.
     "Let me do this, why don't you take a seat and pakainin mo na rin si Caleb" ang sagot nito sa kanya.
     "Ok" ang sagot ni Rain, dinala niya sa lamesa ang freshly cooked pancakes, kinuha rin niya sa fridge ang butter at maple syrup.
     Maya-maya pa ay naupo na rin si Deven dala ang carafe ng freshly brewed coffee.
     "Nagluluto ka rin pala, akala ko kumakain ka na lang sa labas" ang sabi ni Rain.
     "Ako ang laging nagpeprepare ng breakfast, noong buhay pa si" then he trailed of. He was going to say Emily's name.
     "Si Emily" ang mahinang sabi ni Rain. "Why can't you even say her name?" ang mahinang sabi ni Rain.
     She saw Deven's face turned stern, and his jaw twitched. Hindi pa rin ba nakakamove-on si Deven sa asawa nito? Ang tanong ni Rain sa sarili. Then why, he can't even say her beloved wife's name? Hindi ba dapat, lagi nitong sinasabi ang pangalan ng babaeng pinakamamahal nito? She thought to herself.
     Deven cleared his throat, "mamaya pala may mga darating na contractor dito sa bahay, naisip ko kasi na pagawan ng sariling kwarto si Caleb, then pwede ka na rin doon matulog kasama niya" Deven said brusquely at her.
     Kumunot naman ang noo ni Rain, dahil sa pamamaraan ng pagsasalita nito, nabwisit siguro sa kanya, ang sabi ni Rain sa sarili. Gusto man ni Rain ang idea ni Deven, na magkaroon sila ng sariling kwarto ni Caleb, ay di niya naiwasan na magulat at magtaka siya, dahil sa biglaang pagbabago ng isip nito ngayon. Samantalang, noong una ay ito pa ang nakaisip ng idea na ilagay si Caleb sa kwarto nito at siya naman ay katabi nito sa pagtulog.
     "Akala ko ba na ayaw mong malayo sa iyo si Caleb?" ang interisadong tanong niya, "not that I'm against the idea, I REALLY liked it, pero, nakapagtataka lang ha" ang dugtong pa ni Rain.
     "Well hindi naman totally mapapahiwalay si Caleb sa akin, pabubutasan ko ang wall that divides the other room to the master's, para lagyan ng adjacent door" ang paliwanag ni Deven, "and to satisfy your curiosity, kaya nagbago ang isip ko ay dahil hindi ako makakilos ng maayos sa sarili kong kama, at malikot akong matulog, you didn't want me ending up with me on top of you, did you?" ang hamon na tanong ni Deven sa kanya.
     Nagmula at nag-init ang mukha ni Rain sa sinabi ni Deven, hindi pala ito masyadong nakatulog dahil sa kanya? Oh, no, not literally, sa kanya, dahil he desires her, dahil sa ayaw lang siya nitong maistorbo na matulog, and she appreciated it.
     She cleared her throat, "pwede ba akong humiling para kay Caleb?" ang tanong niya rito.
     "Fire away" ang sagot ni Deven while he sipped his coffee.
     "Now that you said that he's or we're going to have our own room, gusto ko sanang magkarun ng sariling toilet and bath si Caleb, yung may tub, para hindi na siya gagamit ng basin" ang hiling ni Rain.
     "Lahat ng kwarto rito sa bahay may toilet and shower, palalagyan na lang natin ng tub ang bathroom ni Caleb" ang sagot ni Deven.
     "Thank you" ang nakangiting sabi ni Rain.
     Deven looked at her smiling lips, he cleared his throat and answered, "you're welcome, I better prepare myself for work, pwede ko na ba muna kayong iwan ni Caleb?" he asked.
     "Yeah sure, don't worry about us, Caleb and I will be fine, ako na ang magliligpit dito, sige na baka malate ka pa" ang sagot ni Rain.
     Deven again gave her that amused smile, that never failed to make her stomach queasy.
     "Oh, nakalimutan ko, ikaw nga pala ang boss, OK lang kahit malate ka" ang sabi ni Rain kay Deven.
     Deven shook his head, "no, ayoko ng late, as much as possible, hindi ako pumapasok ng late, para fair sa mga employees ko" ang sagot ni Deven, na lubos na nagpahanga kay Rain.
     "Ako muna ang bahala kay Caleb, dun muna kami maglalaro sa sala, di ba Caleb?" ang sabi ni Deven sa anak, na sumagot ng blabbering sounds, at isang tawa ang lumabas sa bibig ni Deven.
     Napangiti naman si Rain sa pinakitang paglalambing ni Deven sa anak. Napaisip tuloy siya kung bakit, ganun na lang kasabik ito magkaanak, eh sa dami ng girlfriend nito, bakit noon pa ay di na nito ginawang magkaanak sa mga ito?
     O bakit kay Emily, bakit hindi sila nagka anak ni Emily, mukhang mahal na mahal naman niya ang asawang pumanaw. May diperensya kaya si Emily kaya hindi mabuntis? O maaga itong kinuha sa kanya kaya di sila nabiyayaan ng anak? Ang mga tanong sa isipan ni Rain, habang sinusundan niya ng tingin ang mag-ama na patungo ng living area.


The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon