Chapter 6

17.5K 417 13
                                    

Laking pasalamat ni Rain, dahil kahit last minute ay tinanggap ni Atty. Ponceta – Ferrera ang kanyang appointment.
     Alam niyang mahal ang bayad sa isang pamosang abugado na katulad ni Atty. Ponceta, pero halos lahat ng kasong hinawakan nito ay naipanalo niya. Kaya kahit ipangutang pa niya ang pambayad, maasure lang na hindi makukuha ng LALAKING iyun ang anak niya.
     Hindi na niya nagawang pumasok pa sa opisina, inilihim niya rin muna sa kanyang mama ang nangyari kahapon, hindi niya na rin muna nagawang tawagan si Bryan. Pero pagkatapos niyang makipag – usap sa abugada ay kakausapin niya rin si Bryan, para tulungan siyang makapag-isip at makapag-desisyon.
     Karga si Caleb sa isang baby carrier, ay nagtungo sila sa opisina ni Atty. Ponceta. Nasa top most floor ng building ang opisina nito, at alas kwatro na rin ng hapon kaya wala na ring tao sa loob pagdating niya.
     Agad niyang nilapitan ang secretary, at isang ngiti ang ibinati sa kanya nito.
     “I have an appointment with Atty Ponceta” ang sabi ni Rain.
     Expected na ng secretary ang pagdating niya, agad itong tumayo sa kinauupuan nito, at sinamahan siya hanggang sa pinto ng private office. Kumatok muna ito ng tatlong beses, bago binuksan ang mabigat na narrang pintuan.
     Bumungad kay Rain si Atty Ponceta, ang asawa nito ang ang anak nitong lalaki, na sa  tingin ni Rain ay nasa tatlong taon na. Masayang naglalaro ang mga ito sa loob ng opisina ni Atty. Ponceta. Nakaramdam ng inggit si Rain, dahil sa masayang image na naabutan niya.
     Natigilan ang mga ito sa masayang paglalaro nang makita siya ng mga ito.
     “Rain Pluma?” ang tanong ng magandang abugada sa kanya.
     “Ahm, opo” ang nahihiyang sagot niya sa kilalang abugada.
     “Halika maupo ka” ang sagot nito sa kanya at itinuro nito ang upuan sa harap ng malaking lamesa na narra, “pasensiya ka na ha, kung medyo magulo rito sa loob”.
     “Naku, okey lang po, salamat nga po at pinagbigyan nyo ang hiling ko na makonsulta kayo kahit last minute na” ang nahihiyang sagot ni Rain, habang hawak si baby Caleb na nakasakay sa baby carrier nito at ang isang maliit na diaper bag.
     “It’s alright, nang marinig ko kasi ang situation mo about child custody, I couldn’t say no, just the thought of having my child na mapapahiwalay sa akin ay hindi ko lubos na maisip. Is that him?” ang tanong sa kanya ng abugada.
     Nangilid ang luha ni Rain, “yes, he’s my life” ang halos naluluhang sagot ni Rain.
     Lumapit sa kanya ang anak na lalaki ni Atty Ponceta, at tiningnan si baby Caleb.
     “Hello” ang bati ni Rain sa gwapong bata.
     “Can I play with him?” ang tanong nito sa kanya, “I always wanted a baby brother, but mommy’s got a baby girl in her tummy” ang bibong sabi nito sa kanya.
     “Don’t worry son, next time you’ll have a baby brother, mommy and I are going to work on it” ang sagot ng asawa ni Atty. Ponceta na si Dawson.
     Namula naman ang mga pisngi ng abugada sa sinabi ng kanyang asawa.
     “Pwede ba namin siyang alagaan muna si Caleb para sa iyo? Para makapag-usap kayo ng maayos ni Alexandria” ang tanong sa kanya ng asawa nito at inabot ng mga kamay nito si Caleb.
     On impulse iniiwas ni Rain si Caleb, tila ba proteksyon at ayaw niyang nakuha ito sa kanya. Napansin niyang nagkatinginan ang mag-asawa. At napabuntong-hininga si Rain.
     “I’m sorry I didn’t mean to be rude, pero kasi simula kahapon ay para na akong paranoid na kukunin sa akin si Caleb at pwede siyang mawala sa akin anumang oras” ang emosyonal na sabi ni Rain.
     “It’s okey, naintindihan ka namin, but we’re here to help you, don’t worry, he’ll be safe with us” ang sagot sa kanya ng asawa ni Atty Ponceta.
     Rain looked at him warily, and a weak smile formed in her face ang she handed Caleb to him. The two woman watched their kids for a while, before Atty Alexandria spoke.
     “Kids, I agree with you, they are, our world, our life” ang sabi sa kanya ng abugada, “so tell me everything”.
     Rain narrated her situation, at ang encounter nila ng ama ni Caleb. Atty Ponceta listened to her intently, while she narrated, her voice were shaking with emotions.
     Atty Ponceta nodded first before she spoke, the moment Rain stopped speaking, “let me explain this first, when a parent died, in your case your sister, and there was no father to claimed the child, you are a possible candidate as a guardian, and because you are very much willing”.
     Nagliwanag ang mukha ni Rain sa narinig, pero ang mga sumunod na sinabi ng abugada ay ang nagpakaba at nag bigay ng takot sa kanya.
     “The father of Caleb must first establish paternity, once paternity was established, he gained his father’s rights, like child visitation or CUSTODY RIGHTS, at ang and I’m referring to a situation where the mother was living. IF  the mother was deceased, and the father established paternity, madali na niyang maipapanalo ang child custody case” ang paliwanag sa kanya ng abugada.
     Bumigat ang dibdib ni Rain, no, kung pinuntahan ni Faith si Deven O’ Shea, ibig sabihin sigurado ang kapatid na ito ang ama.
     “Ano sa tingin n’yo ang unang gagawin para malaman na siya ang ama?” ang tanong ni Rain, although may idea na siya kung ano iyun.
     “DNA testing” ang mabilis na sagot ni Atty. Ponceta.
     Nanlambot si Rain, alam niyang si Caleb ay anak ni Deven, napatingin siya kay Caleb, na tuwang – tuwa habang kalong ng asawa ni Atty Ponceta.
     “Tell me the truth, sa tingin mo ba ang lalaking nag claim na tatay ni Caleb ay ang ama nito?” ang tanong sa kanya ng abugada.
     Rain sighed and she slowly nodded her head,and she saw Atty. Ponceta, bit her lower lip.
     “Who’s the the claiming father?” ang tanong nito sa kanya.
     “Deven O’ Shea” ang matamlay niyang sagot.
     Atty. Ponceta nodded, “you know he called me, a few minutes after we spoke to each other” ang sabi nito sa kanya,”I didn’t know na ikaw pala ang makakalaban niya sa kaso, he made an appointment with me, tomorrow, and I guess I have to call him pagkatapos nating mag-usap, na hindi na ako ang tatayong legal adviser niya”.
     Nagulat si Rain sa narinig, mabuti na lang at nagawa niya agad na tumawag at magpa appointment. Pero base sa narinig niya sa abugada, mukhang tagilid pa rin ang case niya.
     “Ahm, Atty. Ano po sa tingin ninyo ang magiging chance ko na makuha ko ang custody ni Caleb?” ang kinakabahang tanong ni Rain.
     Atty Ponceta sighed, “to tell you honestly, kung sa tingin mo na si Deven O’Shea ang tatay ni Caleb, malaki ang tsansa na makuha niya ang custody. Dahil siya ang tunay na ama ni Caleb”.
     Isang tila suntok sa sikmura ang naramdaman ni Rain, at nanlambot ang buo niyang katawan. No, please no, ang bulong ng kanyang isipan.
     “The best chance that we can do, ay hanapan ng butas ang pagkatao ni Mr. O’Shea, that would make him unfit to care for the child, like drug addiction, mental illness, etc” ang paliwanag ni Atty Ponceta, “don’t worry Rain, I’ll do everything, EVERYTHING, to help you”

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon