Chapter 24

13.8K 348 18
                                    

Tulad ng napagkasunduan, nagpasa na ng resignation paper si Rain, at nang tanungin siya ng kanyang coworkers, kung bakit biglaan ang pagreresign niya, ay naghiyawan ang mga ito sa kilig at tuwa nang sabihin niya na ikakasal na siya.
     Nagtaka man ang mga ito, dahil kay Deven O 'Shea siya ikakasal at hindi sa kanyang boyfriend na si Bryan. Tinanggap naman ng mga ito, ang maikli niyang explanation na, hindi sila nagkasundo ni Bryan, at whirlwind romance ang sa kanila ni Deven.
     Yun naman talaga ang totoo, when it came to Deven, WHIRLWIND talaga ang nangyari. Hindi man romance, ang nangyari, pero talaga namang parang ipu-ipo ang dating ni Deven sa buhay niya. Nawasak, nagulo, at walang kasiguraduhan na maaayos pa ang lahat sa buhay niya. Pero, lahat ng agam-agam ay handa siyang tanggapin, walang pader, na hindi niya kayang harapin, magkasama lang sila at maging ganap na ina ni Caleb.
    
    

     Last day na ni Rain sa bangko na kanyang pinagtatrabahuan. Nagpaalam si Rain sa kanyang mama, na gagabihin siya at magpapakain siya sa mga coworkers niya, bilang huling pagkakataon na magkakasama sila sa trabaho.
Papalabas na sana sila ng bangko, nang biglang dumating si Deven.
     Nagulat pa si Rain, nang makasalubong nila si Deven sa pinto ng bangko.
     "Anong ginagawa mo rito?" ang takang tanong ni Rain, wala kasing sinabi ito, na susunduin siya. Madalas naman kasi na nagsasabi muna ito, bago ito dumalaw.
     "I'm sorry kung di ako nagpasabi, nasa area lang ako, galing ako sa business meeting kaya, naisipan kong sunduin ka na" ang paliwanag nito, "saan ang punta ninyo?"ang dugtong na tanong ni Deven nang mapansin na palabas silang lahat, "pauwi na ba kayo?"
     "Ililibre kami ni Rain, last day na kasi niya rito sa amin, kasi KUKUNIN mo na siya" ang sagot ng isa niyang kasamahan, na hindi itinago ang kilig.
     "Ganun ba" ang sagot ni Deven, and he gave them, that amused smile of him, na hindi pumapalya, sa paghalukay ng tiyan ni Rain sa tuwing makikita niya ang mga iyun.
     "Pwede ba akong sumama? Ako na ang mag treat sa inyo, please" ang request ni Deven.
     Nag – alangan si Rain, kilala niya ang mga kasamahan niya, halos ilang taon siyang nagtrabaho kasama ang mga ito, at alam niyang, kapag napalagay na si Deven sa kanila, ay uulanin nila ito ng tanong. At alam niya ang magiging topic ng usapan nila, ay ang tungkol sa kanila ni Deven.
     "Oo naman! Di ba Rain?" ang sagot ng branch manager nila, na ngayon lang sasama sa lakad nila, kaya naman nahiya si Rain na tanggihan ito.
     "Sige" ang pilit na sagot ni Rain na may pilit na ngiti. Mukhang sasakit yata ang kanyang labi, dahil sa pwersahang pagbanat ng kanyang mga pisngi.
     "I know just the place" ang sagot ni Deven sa kanila, and he motioned for them to follow him.
     "Sige Mr. O' Shea, mauna ka susunod ako" ang sagot ng branch manager nila, na may sariling sasakyan, kaya nahati ang group nila.
     "Alright, and please just call me Deven, afterall, you're my future wife's friends" ang sabi nito. Hindi talaga, nawawala ang charm nito pagdating sa mga babae, dahil mukhang nakuha niya agad ang loob ng manager nila at ng mga kasamahan niya sa bangko, ang ngitngit na sabi ni Rain sa sarili.
     Hinalikan ni Deven ang pisngi ni Rain, na ikinagulat ni Rain, she looked at her coworkers, at napakagat labi ang mga ito sa kilig.
     "I'll carry that for you" ang malumanay na sabi ni Deven sa kanya, sabay kuha ng hawak niyang bag, na gustong ihampas ni Rain sa pagmumukha nito.
     Hinawakan siya nito sa kanyang bewang, para alalayan siya habang naglalakad sila papalapit sa sasakyan nito, she knew na palabas lang ang sweetness nito, para sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. He opened the passenger door for her, at inalalayan siyang makapasok sa loob ng kotse.
     At talaga namang ladies man si Deven, siya rin ang nagbukas ng pinto ng backseat para sa kanyang mga kasama. Bago ito mabilis na naglakad patungo sa driver's side, he opened the door and climbed inside.
"Everybody's settled in?" ang tanong ni Deven sa kanila while he closed the driver's door. At isang malakas na "yes" at "yeah" ang narinig sa loob ng sasakyan maliban kay Rain. Na nanatili na tahimik na nakaupo.
"Oh honey your seat belt" ang malambing na sabi ni Deven sa kanya, at nagulat siya ng ayusin ni Deven ang seat belt. His fingers brushed her breasts, nang ayusin nito ang strap sa kanyang dibdib. And he sucked in his breath the moment his fingers made contact with her breasts.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon