Chapter 61

19.5K 412 16
                                    

Tila ba sinampal si Deven sa mukha nang marinig niya ang mga sinabi ni Rain. Bigla siyang natigilan at ilang beses pang napakurap ang kanyang mga mata, na tila ba namamalikmata lang siya at hindi niya nakikita ngayon si Rain na lumuluha habang nakatayo sa harapan niya.
Kumunot ang noo ni Deven, "why?" ang tangi niyang naitanong.
Rain shook her head, habang patuloy na dumadaloy ang mga sariwang luha sa kanyang mga mata.
"Tell me dammit! I need to know, anong dahilan mo para iwan ako?" ang galit na tanong ni Deven. Nawala na nga ang una niyang asawa, ngayong nakabangon na siya ay iiwan naman niya ng babaeng pinakamamahal niya? Baka tuluyan na siyang mabaliw!
"I can't compete with her!" ang pasigaw na sagot ni Rain, at nabasa niya ang pagtataka sa mukha ni Deven.
"I can't compete with Emily Deven, I can't compete with her for your love, I love you, pero di ko kayang hindi mo rin ako mahalin, kaya, tulad ng sinabi mo noon sa akin, na mayron akong choice, at ngayon ay pinili kong di masaktan"
"Mahal na mahal kita Deven, pero ayokong araw - araw ay unti - unti mong dudurugin ang puso ko" ang sabi ni Rain.
Binitiwan ni Deven ang bitbit na bulaklak at tsokolate, at sa ilang hakbang ay pumaloob siya sa mga bisig ni Deven.
"Oh Rain, Rain, my wife" ang sambit ni Deven habang yakap ng mahigpit si Rain, at paulit - ulit na hinagkan ang ibabaw ng ulo nito.
"Huwag mo akong iwan Rain, mahal na mahal kita, hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin" ang sagot ni Deven.
Tumingala si Rain para tingnan sa mga mata si Deven, nagtatanong ang kanyang mga mata rito.
"Mahal mo ako?" ang gulat na tanong ni Rain. Sinalubong niya ang mga labi ni Deven na unti-unting bumaba sa kanyang mga labi.
Nagsanib ang kanilang mga labi, nangusap ang mga iyun na tila ba nagpapalitan ng damdamin at pagmamahal.
"Pero ang akala ko, mahal mo si Emily, narinig kita sa kwarto nito, at pumasok ako sa loob ng kwarto niya" ang sabi ni Rain, at naghihintay siya ng bayolenteng reaksyon mula kay Deven, pero hindi galit ang nakita niya sa mga mata nito kundi panandaliang kalungkutan at biglang napalitan ng mga ngiting tila ba ay nagtagumapay siya sa isang unos.
Dinampot ni Deven ang anak na nasa walker at binuhat niya ito, habang nag hawak kamay sila ni Rain. Niyaya niya itong sumunod sa kanya paakyat sa itaas ng bahay, patungo sa kwarto ni Emily.
Pagpasok sa loob ay naupo sila sa kama, kasama ng mga nakakalat na mga litrato at gamit ni Emily sa ibabaw nito.
Deven looked at Emily's portrait, habang si Rain ay tahimik at naghihintay kay Deven na magsalita.
"Sa loob ng limang taon, ngayon lang ako pumasok sa loob ng silid ni Emily na hindi nakaramdam ng matinding pag-uusig ng aking konsyensiya" ang panimula ni Deven.
"I met Emily when I was still an apprentice sa negosyo ng aking ama, anak siya ng isang negosyante na kumuha ng prangkisa sa amin. I fell in love with her the moment I laid my eyes on her, tila ba isa siyang prinsesa na galing sa story book"
"Niligawan ko siya at ilang buwan lang ay ikinasal na kami, tila ba isa ngang fairytale ang aming pagsasama" tumigil sandali si Deven para hagkan ang ulo ng anak na naglalaro sa ibabaw ng kama, hawak nito ang mga nakakalat na gamit.
"Pero tulad ng fairytale, hindi ito makukumpleto kung walang wicked witch, at sa pagkakataong iyun, ang prinsesa ay siya ring kontrabida sa kwento"
"Ang simula ng aming pagsasama ay naging maayos, maganda, masaya. Hanggang sa kailanganin ko ng mag take over sa kumpanya dahil gustong magretiro ni daddy, at bumalik sa Ireland, dun na nag simula na mag bago si Emily"
"Sa lahat ng lakad ko lalo na kapag out of town, ay laging nagdududa si Emily, hindi ko naman siya maisama, dahil maselan ang kalusugan ni Emily, hindi siya pwedeng mapagod o mastress dahil madali siyang magkasakit, kaya naiiwan siya lagi rito sa bahay"
"At sa tuwing aalis ako, hindi pwedeng hindi niya muna ako sigawan, singhalan, at pagdudahan, na kunwari lang ang lakad ko na business trip, at mambababae lang ako, o di kaya ay kasama ko ang babae ko sa trip ko na iyun"
"Para matigil na ang mga pagdududa niya ay hindi na ako umaalis ng bahay, dito na ako nagtatrabaho, may representative na ako which was Ace na aking business partner, sa tuwing may out of town trip, to close some deals"
"Tila ba nakulong ako rito sa loob ng bahay, lahat ng lakad ko kung lalabas man ako to run some errands ay dapat alam niya ang lahat ng lakad ko, at hindi rin dapat ako magtagal, kapag lumagpas ako ng ilang minuto, tinatawagan na niya ako and she would start to nagged at me. Pati mga kaibigan ko ay hindi ko na kinakausap dahil ayaw niyang lumalabas ako with friends. Pero okey lang, kasi para naman iyun kay Emily, pero akala ko ay okey na ang lahat. I was trying to get her pregnant you know, gustong gusto ko na ang magka anak, sa loob ng dalawang taon a pagsasama namin ay hindi siya mabuntis"
"Akala ko na may diperensiya ako, so I asked her na magpakonsulta kami sa doctor pero mabilis siyang tumanggi"
"Then one day she was at the shower, I was looking for something, hindi ko sinasadya na matabig ko ang handbag niya at tumapon ang laman niyon, dinampot ko isa isa nag laman para ibalik sa bag ng mahawakan ko ang isang pill bottle. Hindi ko alam kung para saan iyun, ni wala naman sinasabi sa akin si Emily na may sakit siya"
"Tinandaan ko ang name ng pill then, nagpaalam ako sandali na bibili ng pagkain namin, I immediately went to a pharmacy para itanong at nang malaman ko na birth control pills pala iyun I was shocked, then I was so engulfed with anger"
"Lahat ginawa ko para sa kanya, at ang tanging pangarap ko na magkaanak ay ipinagdadamot niya sa akin" ang galit na sabi ni Deven, habang taimtim na nakikinig sa kanya si Rain, na dama ang sakit na nadarama ni Deven.
"Bumalik ako sa bahay, na galit na galit, I confronted her, we had a fight, sa sobrang galit ko kinuha ko ang bag niya at itinapon ang laman ng pills sa toilet"
"She got hysterical nang makita niya ang ginawa ko, then I took her, halos itapon ko siya sa kama, I took her, while I hold her hand para pigilan ang pag suntok niya sa akin, I rammed into her violently, as a punishment for what she had done to me".
"Simula noon ay lumipat na siya ng kwarto, we barely talk to each other, then one day, may ipinadeliver siya sa bahay, mula sa isang pharmacy, nag-alala ako sa kanya dahil baka nagkasakit siya, kaya pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto, naabutan ko siya na kagagaling lang niya sa bathroom at pagkakita niya sa akin ay galit ang nasa mga mata niya then she shouted "what have you done? What have you done to me?"
"I was so confused then I saw that she was holding something, it was a pregnancy kit, and it was positive, agad ko siyang niyakap, naalis bigla ang galit ko sa kanya at napalitan ng labis na tuwa"
"Sa loob ng isang buwan na nakaranas siya ng morning sickness ay inasikaso ko siya, then one day lumabas ako para bumili ng prutas para sa kanya, I even bought a bouquet of peonies na favorite niya, pagpasok ko sa bahay ay agad akong dumiretso ng dito sa kanyang kwarto, but what I saw made me scream" sandaling tumigil si Deven sa pagkukwento. Tila ba nanumbalik na naman ang imahe na kanyang naabutan sa kwartong iyun.
"Nagkalat ang dugo sa sahig, katabi ng kanyang katawan, I thought she was murdered, pero nakita ko na ang dugo ay galing sa kanyang pulso, she took her life, she took her life, maybe because she didn't wanted to have a child and I forced her, I was so consumed with grief and my conscience was killing me, gnawing at me na kasalanan ko ang pagkamatay ni Emily, kung hindi ko siya pinilit sa gusto ko baka buhay pa siya ngayon, maybe we have separated pero, at least she's alive"
"Pagkalibing niya hindi ako lumabas ng bahay, ni hindi ako nakikipag usap sa kahit kanino, my parents live here with me for a couple of months, sobrang nag-alala sa akin si mommy dahil wala na akong ginawa kundi ang makulong dito sa kwarto"
"I even consulted a psychiatrist, na pumupunta dito sa bahay, para hindi ako mabaliw. I took meds for my depression, but I stopped, wala rin namang naitulong sa akin. To help me forget, ginawa ko ang lahat ng mga ayaw ni Emily, lagi akong nasa labas, I drank and womanized, kaya nakilala ako bilang playboy"
"Not until you came into my life Rain, you healed me, your love healed me Rain" ang sabi ni Deven sa kanya sabay abot sa kamay niyang nakalapat sa ibabaw ng kama.
"Emily had a choice, but she chose the easy way, but you? You made a choice na kahit pa magdusa ka na mamuhay kasama ako magkasama lang kayo ni Caleb, and I admired and loved you for that"
"You didn't nagged at me to get what you want, but you fought with me, to earn your rights, and I loved you for that"
"With Emily I lost my identity, I don't even know what I am, my goals in life, but I found it with you Rain, I found my identity, and that is, being a good father to Caleb and good husband - lover to you Rain"
"I love you Rain Pluma O' Shea, please huwag mo akong iwan? Baka ikamatay ko na iyun" ang pagsusumamo ni Deven.
Tumayo si Rain at lumapit kay Deven, para yakapin niya ito ng mahigpit. Now, she understand, naintindihan na niya si Deven.
"I loved Emily Rain, as a part of my past, YOU, I love you Rain, as my present and my future"
"I love you Deven, I'm sorry if I doubted you" ang sagot ni Rain.
"Please be patient with me Rain, I'm still healing, let you and Caleb heal me Rain" ang hiling ni Deven, "I can't promise you that everything will be perfect, but I promise to be a better man for you and our children".
Then he tilted her chin, to look straight into her teary eyes, full of longing and love, and their mouths melted to seal their promise to heal and love one another.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon