Chapter 35

13.6K 373 11
                                    

Sa dalawang araw na ginawa ang kwarto nila ni Caleb, ay dalawang araw din na hindi nagpunta sa opisina nito si Deven.
     He wanted to make sure na mabantayan ang mga gumagawa para on time ito matapos at masunod din ang kanyang gusto.
    OK that's what he said, kahit pa halos ikulong niya sina Caleb at Rain sa loob ng opisina nito. At halos lahat ng galaw niya ay tinatanong nito kung saan siya pupunta kahit pa nasa loob lang sila ng bahay.
     After matapos gawin ang kwarto, may cleaning crew siyang inupahan, habang sila naman ay namili ng mga bagong gamit para sa kwarto nila ni Caleb, kasama ang isang interior designer.
     Although may kama na sa loob gusto pa rin iyun papalitan ni Deven, kaya sa halip na maubos ang oras at pasensiya niya sa pakikipagtalo kay Deven, ay hinayaan na lang niya ito na bumili ng bagong kama para sa kanya.
     Pagkadeliver ang interior designer at ang mga tauhan nito ang nag-ayos ng kanilang kwarto, nilagyan ng bagong wall paper ang room, ng bagong carpet ang sahig para pwedeng paglaruan ni Caleb. Mga bagong drawers at couches sa loob.
     Mabuti na lang at may nag-ayos na para sa kanila at hindi na sila napagod sa pagdedesign sa loob.

     Pagdating ng gabi ay nasa sariling kwarto na sila Rain at Caleb, naisip niyang bukas ay mag-aayos siyang muli sa loob ng bahay.
     Although humanga siya ng husto sa hitsura ng kanilang kwarto, parang yung mga nakikita niya sa magazine.
     Mabuti na rin at may solong kwarto na sila at nagkaroon na siya ng privacy, ang sabi ni Rain sa sarili.
     Tiningnan ni Rain ang bathroom, napa wow talaga si Rain, iba talaga kapag may expert na nag aayos ng isang kwarto. She checked the tub, at nakita niya ang isang eskaparate kung saan naka display ang iba't ibang mga bath soaps, bubble soaps at may mga scented oils pa.
     Rain had an impulse na gamitin nila ni Caleb ang bagong tub. Tutal nasa office pa naman sa ibaba ng bahay si Deven.
     Deven requested na huwag nilang ilock ang adjacent door para madali niyang makita at mapuntahan si Caleb.
     Hindi pa naman siguro iyun aakyat, ang sabi niya sa sarili. Agad niyang pinuno ng warm water ang free-standing tub at nilagyan ng bubble soap.
     Saka niya hinubad ang kanyang damit at nagsuot ng robe saka niya kinuha si Caleb sa loob ng crib nito.
     "Liligo tayo Caleb" ang malambing na sabi ni Rain, habang hinuhubad ang damit at diaper nito. Habang karga niya si Caleb, ay hinubad niya ang suot na robe, saka sila lumusong sa tub.
     Rain sighed nang maramdaman niya ang maligamgan na tubig sa buo niyang katawan. Unti – unting narelax ang buo niyang katawan.
     Habang si Caleb ay mukhang enjoy na enjoy sa pagbababad nila sa mga bubbles. Dinig na dinig ang halakhak nito. Kaya pati siya ay di mapigilan ang tumawa.
     Ilang minuto na rin silang nakababad, at nagpasya na siyang umahon na sa tub. Pero narealized niya na may problema.
     Nakalimutan niya ang towel, balak niya sana na maglatag ng towel para dun ibaba sandali si Caleb, bago siya umahon. Madulas kasi ang katawan nila, at natatakot siya na baka mabitawan niya si Caleb kapag binitbit niya.
     "Shit" ang sambit niya, paano sila tatayo, lumalamig na ang tubig at nawawala na rin ang bubbles.
     Ilang sandali pa ay narinig niya na nag bukas ang pinto ng kwarto ni Deven, at dahil sa hiling na rin ni Deven na huwag isara ang pinto, kaya dinig niya ito habang naglalakad sa kwarto.
     Then all of a sudden, Caleb squealed with delight, and Rain bit her lip and shut her eyes.
     "Ssh shh shh, quiet Caleb" ang pabulong na sabi niya kay Caleb, pero sa halip na tumahimik, mas lalo itong tumawa ng malakas.
     Kinabahan si Rain nang marinig niya ang yabag ng mga paa ni Deven papunta sa kwarto nila.

     After making some calls sa kanyang mga tauhan, sa iba't iabng branch ng kanyang gasoline station, he went to his mini bar for a while. He poured himself a scotch on a ball glass, and sat on a couch.
     He looked at his glass, it's been four days, since na nagkatabi sila ni Rain, at sa mga gabing iyun, ay hindi niya napanaginipan si Emily.
     Does this mean that he doesn't love her anymore? Or does it mean that he had moved on?
     Pero kahit ano pa man sa dalawa ay si Rain ang may gawa nito. Deven sighed, at least ngayong may sarili na itong kwarto, ay makakatulog na rin siya ng maayos.
     He looked at his watch, tulog na siguro ang dalawa, gusto niya sana na nandun siya habang pinapatulog si Caleb, katulad kanina, nang mga sandaling natuto itong umupo.
     Pero dahil sa dami ng phone calls na ginawa niya sa iba't ibang branch ng gasoline stations niya, nawalan na naman siya ng oras kay Caleb.
    He wanted a son so badly, then nang sinagot ng Diyos ang panalangin niya, hindi naman niya napagtutuunan ng oras ang anak, he sighed, kailangan niyang makabawi, he said to himself.
     He swallowed the remaining scotch in his glass, at umakyat na siya sa itaas ng bahay. Nang nasa pinto na siya ng kanyang kwarto, ay napatigil siya. Hindi niya muna pinihit ang knob ng pinto.
     He turned to his back, and he looked at the door, behind him. It's been a while since hindi niya napasok ang kwarto na iyun. But he shook the impulse na muli na namang pumasok sa loob ng silid na iyun. Ang silid ni Emily, bago ito pumanaw.
    
     He went inside his room, napansin niya agad ang slightly ajar ng adjacent door ng mga silid nila. He removed the buttons of his shirt, at kalahati na ng mga butones ay nabuksan niya, nang matigilan siya dahil narinig niya ang masayang hiyaw ni Caleb. He smiled widely to himself, then he heard another laugh.
     Hindi na niya napigilan ang sarili na hindi pumasok sa loob ng kwarto nila Caleb. Nakita niyang wala ang mga ito, at narinig niya ang tawa ni Caleb sa bathroom.
     Deven smiled to himself, pinapaliguan siguro ni Rain, si Caleb, ang sabi niya sa sarili nang marinig niya ang splash ng tubig mula sa loob.
     He walked inside, at natigilan siya nang makita sina Caleb at Rain na nakalublob sa tub.
     "Jesus Christ" he muttered to himself.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon