Chapter 4

17.3K 391 9
                                    

"WHERE IS MY SON?" ang mariing tanong ni Deven sa babaeng, nagbukas ng pinto, at mukhang natulala nang makita siya.


"Wha -what son?", ang nauutal na tanong ni Rain sa lalaking kaharap. Nagulat siya sa kanyang nakita pagbukas niya ng pinto. Tila ba si Caleb ang kaharap niya. And what's worst, kilala ang lalaking ito bilang isang millionaire and a notorious playboy, na si Deven O' Shea.


At kinabahan si Rain sa tanong nito, tila ba ito na ang katapusan ng mundo niya.


Deven smirked at her, "you know what I'm talking about", ang sagot niya, sabay pasok sa loob ng bahay kahit hindi pa siya inimbitahan nito na pumasok.


"Hey!" ang pasigaw na sabi ni Rain, at pinigilan pa niya itong makapasok sa loob, by standing infront of him, pero di niya kaya ang lakas nito at itinulak lang siya.


"Pwede kitang kasuhan ng trespassing sa ginawa mong iyan!" Ang pagbabanta ni Rain.


Nagpamewang lang si Deven at humarap sa galit na babae, "SUE ME, pero ilabas mo ang anak ko, or else ikaw ang kakasuhan ko" ang pagbabanta rin ni Deven.


Kinabahan si Rain, hindi dahil sa kaso na pwede nitong kaharapin, pero dahil sa persistent, ng lalaking ito na makita ang anak niya, and she couldn't be wrong na si Caleb iyun, dahil sa parang duplicate ang lalaking ito ng kanyang si baby Caleb.


Kinakabahan man ay pilit na nilabanan ito ni Rain, "sino bang anak ang pinagsasasabi mo?" ang galit na tanong ni Rain.


Deven looked at her as if she's talking a different language. Nagkamali Ba siya ng pinuntahang bahay? He asked himself. But no, he was sure, credible ang source niya na dito nga nakatira si Faith Pluma.


Granted! Hindi na niya matandaan ang mga nakakasama niya sa kama, dahil wala naman siyang interest na kilalanin ang mga ito. Naalala lang niya ang pangalan nito, nang magpunta ang babaeng iyun sa kanyang opisina at sinabing ipinagbubuntis nito ang anak niyang lalaki.


"Faith Pluma, nasaan siya?" ang tanong ni Deven.


"Wala siya rito" ang biglang naisagot ni Rain, which she regretted, hindi niya maidedeny sa lalaking ito ang identity ng kapatid at ni Caleb, "bakit mo siya hinahanap?"


"Nagpunta siya sa akin, about three months ago, and obviously she's pregnant and she told me, that I'm the father of her child" ang sagot ni Deven.


"Wala na si Faith, patay na siya, naaksidente siya" ang sagot ni Rain.


Natigilan si Deven sa narinig, no? This can't be true, he thought to himself, how about his baby?


"Ang baby? Nasaan ang BABY KO?" ang mariing tanong ni Deven. He was hoping na nakaligtas ang bata, ang kanyang anak na lalaki.


Naisip ni Rain, na magsinungaling, tulog naman si Caleb sa kanilang kwarto. Pero hindi niya kayang sabihing patay na si Caleb. Kaya napapikit siya at pinilit niyang magsinungaling, alang -alang sa kanila ni Caleb.


"Pa-patay na rin ang baby" ang sagot ni Rain na pilit pumikit at di siya makatingin sa lalaking kaharap.


Hindi makapaniwala si Deven sa narinig, patay ang anak niya? Though hindi pa siya sigurado na anak nga niya ang dinadala ng babaeng iyun, just the thought of having a son, made him hopeful na anak nga niya ang batang dinadala ng babaeng iyun.


At nang marinig niyang namatay rin ang bata ay para siyang sinuntok sa tiyan, pero sandali, Deven thought, there something wrong with her.


Ang tinutukoy ni Deven ay si Rain na hindi makatingin ng diretso sa kanya, at tila ba kinakabahan. She's hiding something, Deven thought angrily.


In two long strides, nilapitan niya ang babaeng kaharap at hinawakan ang magkabilang balikat nito, and he shook her non too gently.


"Sabihin mo sa akin, patay na ba ang anak ko?" ang mariing tanong ni Deven.


Rain swallowed hard, and she bit her lip dahil pinigilan niya ang lumuha dahil sa labis na kaba at takot na malaman ng lalaking ito ang tungkol kat Caleb.


"Wa-wala na ang baby" ang tanging isinagot ni Rain.


"Tell it to me straight in my eyes, sabihin mong patay na ang anak ko, ang baby na ipinagbubuntis ni Faith" ang hamon ni Deven, "tumingin ka sa mga mata ko".


Rain tried her very best, and with all her might to look at him straight in his eyes, kailangan niyang gawin at pangatawanan ang pagsisinungaling alang -alang sa kanila ni Caleb.


Tiningnan ni Rain ang mga kulay abong mata ng kaharap na lalaki, "PATAY na ang ipinagbubuntis ni Faith, pareho silang nawala noong araw na naaksidente siya".


Hindi pa rin makapaniwala si Deven, "saang hospital siya dinala?" ang tanong ni Deven, at napansin niyang namutla ang babae.


"Bakit ba tinatanong mo pa?! Pwede ba umalis ka na wala ka ng dahilan para magtagal dito!" Ang galit at pasigaw na sagot ni Rain, na malaking pagkakamali niya, dahil nagising si Caleb at umiyak ito.


Parang pumalakpak ang mga tenga ni Deven, nang marinig ang iyak ng isang sanggol, he listened intently, until he was sure na iyak nga ng isang baby ang narinig niya sa loob ng bahay. He looked angrily at the woman in front of him.


Nanatiling nakatayo si Rain para bang tumigil ang kanyang paghinga. Caleb, bakit ngayon pa? Ang sigaw ng isipan ni Rain.


"Nasaan ang baby?" ang tanong muli ni Deven.


"Anak ko ang umiiyak, pwede ba umalis ka na, kung hindi tatawag na ako ng pulis" ang galit na sagot ni Rain.


Pero tiningnan lang siya ni Deven, at pinakinggan kung saan nanggagaling ang iyak, nang matunton niya ang pinanggagalingan ng iyak, mabilis na naglakad ai Deven patungo sa isa sa dalawang kwarto sa ibaba.


Hindi makapaniwala si Rain, ni hindi natinag ang lalaking ito, at mabilis na nagtungo sa kwarto nila ni Caleb.


"No!" Ang sigaw ni Rain, at hinabol niya ang lalaking papasok sa kanilang kwarto.


The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon