Chapter 54

14.4K 382 17
                                    

"Pasensiya ka na Bryan ha, naabala pa kita" ang sabi ni Rain pagpasok nila sa condo unit nito. Pagkahatid niya sa idineliver niyang boxes ng brownies ay saka lang niya napagtanto na naiwan niya pala ang isinulat niyang address sa papel na nasa ibabaw ng kitchen island.
At dahil sa nakapagsabi na siya kay Bryan na pupunta sila ay tinawagan na lang niya ito para hingin ulit ang address. Pero nang malaman ni Bryan ay agad silang sinundo nito.
"Wala iyun, dapat nga sinundo na kita sa bahay ninyo" ang sagot ni Bryan.
"Wow Bryan, ang ganda ng unit mo, ikaw ba ang nag design dito sa loob?" ang tanong ni Rain. Habang paikot na pinagmasdan ang loob ng unit ni Bryan.
"Thanks, sa totoo lang mahal ang kumuha ng interior designer kaya, nagtingin ako sa magazine tapos, ginaya ko na lang" ang nakangiting sagot ni Bryan, habang nakatingin ito sa kanya.
"Galing ha, impress talaga ako" ang sagot ni Rain.
"Thank you, maupo ka, kukuha lang ako ng makakain natin, pwede na ba sa iyo ang pizza?" ang natatawang tanong ni Bryan.
"Birthday mo tapos pizza?" ang natatawang sagot ni Rain.
"Pizza and beer" ang sagot ni Bryan.
"Kahit ano.. nga pala, regako ko sa'yo" ang sabi ni Rain kay Bryan, nang bumalik ito sa may dining dala ang malaking box ng pizza na ni reheat sa oven at beer.
"Wow, nag-abala ka pang magbake" ang sabi ni Bryan.
"Hindi ah, may sobra akong ginawa, iniregalo ko na lang sa iyo" ang natatawang sagot ni Rain, "sa susunod may bayad na iyan".
"Oo naman, basta ba free delivery at ikaw ang magdedeliver" ang sagot ni Bryan.
Nagsimula na silang kumain at uminom, habang hawak ni Rain si Caleb.
Bryan studied her, habang umiinom ng beer sa bote.
"Bakit ba ganyan ka makatingin?" ang natatawang tanong ni Rain. At tinaasan pa niya ng kilay si Bryan.
Napabuntong-hininga ito, at nagkibit balikat, "wala lang, naalala ko lang yung dati, noong tayo pa" ang malungkot na sagot nito sa kanya.
"Wala na ba talaga tayong pag-asa Rain" ang biglang tanong ni Bryan.
Natigilan si Rain sa tanong ni Bryan, isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
"Kasal na ako Bryan" ang sagot ni Rain.
Napabuntong-hininga si Bryan, "nagsisisi ako kung bakit hindi kita ipinaglaban, sana, gumawa pa rin ako ng paraan para mabago ko ang isipan mo noon" ang malungkot na sabi ni Bryan.
Hindi na sumagot pa si Rain, iyun na nga ang problema. Gusto niyang baguhin ang kanyang pasya at ibigay na lang si Caleb kay Deven, at alam naman nito, na si Caleb ang buhay niya.
Naputol ang sandali ng may kumatok sa pinto.
"Hmm, wala naman akong inaasahang bisita" ang takang tanong ni Bryan, sabay tayo nito at lumapit sa pinto para buksan.
Isang galit na Deven ang sumalubong sa kanya, hinawakan siya nito sa kwelyo at itunulak papasok sa loob.
"Nasaan ang asawa ko? Nasaan si Rain?!" ang galit na tanong ni Deven habang kinukwelyuhan si Bryan.
Biglang napatayo si Rain nag marinig ang malakas at galit na boses ni Deven. Naglakad siya papunta sa living area at nagulat at natakot siya sa nakita.
"Deven" ang sabi niya, "Deven bitawan mo siya" ang pakiusap ni Rain.
"Wala ka bang makuhang babae at ang asawa ko ang ginugulo mo?" ang galit na tanong muli ni Deven.
"Deven, inimbitahan lang kami ni Bryan at birthday niya" ang paliwanag ni Rain at lumapit na ito sa kanya.
Hinawakan ni Rain ang braso ni Deven, "please Deven" ang pakiusap ni Rain. Itunulak ni Deven si Bryan nang bitawan niya ito.
"Stay away from my wife" ang banta ni Deven.
Kinuha ni Rain ang diaper bag na dala niya at nilapitan niya si Bryan.
"Bryan, I'm so sorry" ang paghingi ni Rain ng paumanhin sa dating nobyo.
Inayos ni Bryan ang suot na t-shirt, "Okey lang Rain" ang sagot nito.
Nahihiya at naaawa si Rain, habang papalabas siya ng unit ni Bryan, hinihintay siya si Deven sa may pintuan. Saka ito sumunod sa kanya ng makalabas na siya ng unit.
Galit at tahimik si Rain habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Deven. Pagunlock ni Deven sa AUV ay agad niyang inilagay si Caleb sa baby car seat nito na hindi na inaalis ni Deven sa backseat. Nang masecure na niya si Caleb ay naupo na siya sa passenger side habang naghihintay sa kanya ang galit na galit na si Deven.
Tahimik lang silang dalawa habang nasa biyahe pauwi, ayaw makipagtalo ni Rain lalo pa at nagmamaneho si Deven.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay sinundan siya ni Deven sa itaas habang karga niya ang tulog na si Caleb.
Kapwa sila nagtitimpi ng galit pero hindi nila mailabas dahil sa iniiwasan nilang magising ang natutulog na si Caleb.
Marahang ibinaba ni Rain si Caleb sa crib at nang hindi ito nagising ay pumunta siya sa kwarto ni Deven, saka isinara ang adjacent door para hindi magising si Caleb at alam niyang, magbabangayan sila ni Deven.
"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!" ang galit na tanong ni Rain.
Humarap sa kanya si Deven, "hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan? Anong ginagawa mo sa bahay ni Bryan?"
"Inimbitahan lang kami ni Bryan at birthday niya" ang sagot ni Rain.
Deven snorted, "so birthday niya kaya kayong dalawa lang ang dapat na magcelebrate ganun ba?" ang galit na tanong ni Deven.
"Walang masama dun Deven, kaibigan ko si Bryan" ang sagot ni Rain.
"You were more than friends before Rain" ang paalala ni Deven.
"So? You said so yourself, BEFORE" ang mariing sagot ni Rain, "wala kaming ginawang masama ni Bryan Deven, alam ko ang limitasyon ko dahil alam kong may asawa na ako, sino ba sa atin ang laging laman ng news na iba't ibang babae ang kasama? May asawa ka na, pero ano? Nalikipag body shot ka pa sa ibang babae!" ang galit na sagot ni Rain.
Itunulak siya ni Deven sa may dingding, ikinulong siya ng katawan nito at inilagay ang isang kamay sa batok niya, habang ang isang kamay ay nakalapat sa dingding.
Nagtama ang kanilang mga paningin na kapwa nag-aalab dahil sa matinding emosyon.
"I told you, to stop acting like my ex wife Rain" ang mahinang sabi ni Deven sa kanya, habang tinititigan siya nito sa mga mata.
Rain shook her head, "but I am your wife, and I expected you to be my husband" ang naluluhang sabi ni Rain, "I wanted you to only want me".
Inilapit ni Deven ang kanyang mukha kay Rain, "I've been wanting you, no woman can satiate the hunger that's gnawing inside me, only you! Since you came into my life Rain, but I think you're someone I could never possess" he said with pain in his voice.
"You're not trying hard enough" ang mahinang sagot ni Rain, "saka niya hinawakan sa batok si Deven at kinabig papalapit ang mukha nito para siilin ng halik ang kanyang mga labi.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon