Chapter 19

13.3K 342 7
                                    

Kahit pa tinanggihan na ni Rain ang alok ni Deven na ihatid siya nito ay wala na siyang nagawa pa dahil hindi nagpatinag si Deven. Mukhang sanay talaga ito na makuha at masunod ang gusto kapag ginusto nito. Kaya sa halip na malagasan siya ng buhok sa sa ulo sa pakikipagtalo kay Deven at nakakakuha na rin sila ng atensyon kaya, sumuko na siya at, hinayaan na nga niyang ihatid siya ni Deven sa kanilang bahay. She just wished, na wala si Bryan sa bahay pagkarating niya, dahil siguradong mag-aaway na naman sila, kapag nakita ni Bryan na inihatid siya ni Deven.
At tulad ng nakagawian nito, sa tuwing dadalaw ito sa kanila ay ilang minuto rin itong nagtagal para bisitahin si Caleb.
     Nanlalambot at naguguluhan man ay itinago ni Rain ang kanyang nadarama sa kanyang mama, pagkarating nila, at nakita na naman niya na sumimangot na naman ito at nakita na naman nito si Deven. Kaya mabilis itong pumasok sa loob ng kwarto nito at padabog na isinara ang pinto. Napabuntong-hininga si Rain, mamaya na lang niya sasabihin sa kanyang mama ang tungkol sa napag -usapan nila ni Deven, kapag nakaalis na ito, ayaw niyang maghysterical ang kanyang mama habang narito si Deven sa kanilang bahay.
     At di rin naman masyadong nagtagal si Deven sa kanilang bahay, mukhang hindi naman ito ganun kamanhid at batid nito, na kailangan niyang bigyan ng privacy si Rain, para makausap ang mama nito.
    
Alam ni Deven, na mahirap para kay Rain ang magiging desisyon nito, pero, ito lang ang kayang ibigay ni Deven. Alam niyang, malaki ang utang na loob niya kay Rain, dahil sa pag-aaruga nito kay Caleb ng ilang buwan. He knew that Rain invested her life and love to his son. Kaya, alam niyang magiging mahirap para rito ang mapahiwalay kay Caleb.
     Pero, hindi rin naman siya papayag, na magkarun lang ng visitation rights, kay Caleb. Siya ang legal na dapat makasama ni Caleb. Gusto niyang magsama sila nito sa iisang bahay, at masubaybayan ang milestone nito, gusto niyang masaksihan ang bawat sandali ng paglaki ng anak. Isang anak na matagal na niyang hinangad at ngayon ay ipinagkaloob sa kanya.
     At muli na naman niyang naalala si Emily. Ang namatay niyang asawa. Deven gave Rain an option, and Rain had to make a choice, ang sabi ni Deven sa sarili. Even Emily had a choice then, ang malungkot niyang sabi sa sarili.
     Ayaw ni Deven, na makasal pang muli sa kahit kaninong babae. Pero, dahil sa tingin niya, ay ito lang ang paraan para magkasama si Rain at si Caleb. Handa naman siyang magpaubaya, para sa anak. At sa palagay niya, ay, ganuon din si Rain.

     "O kumain ka na, Rain, mabuti naman at di nagtagal ang lalaking iyun, siya ba ang kasama mo kaya ka ginabi?" ang may pagdududang tanong ng kanyang mama sa kanya.
     Mabigat ang pakiramdam ni Rain, para bang pasan niya ang mundo ng mga sandaling iyun. Napakabigat ng suliranin niya, dahil kailangan niyang mamili sa dalawang mahal niya sa buhay, kahit pa alam niya na, madali lang naman talaga sa kanya kung sino ang pipiliin niya, ang mahirap lang para sa kanya ay may masasaktan siya.
     "Nay hindi po ako gutom" ang sagot ni Rain, naupo siya sa sofa habang karga si Caleb, niyakap niya ito ng mahigpit, hinagkan niya ang malambot nitong pisngi, at huminga siya ng malalim para samyuin ang matamis na amoy nito. At ang bigat sa kanyang dibdib ay tuluyan ng bumigay at di na niya napigilang tumulo ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
     "Rain, napapano ka?" ang alalang tanong ng kanyang mama at naglakad ito papalapit sa kanya, at naupo ito sa kanyang tabi.
     "Ma, anak niya si Caleb, kukunin na niya si Caleb, sa akin" ang sagot ni Rain, habang umaagos ang mga luha nito sa mata.
     "Diyos ko" sambit ng kanyang mama na napahawak ang mga kamay sa dibdib nito.
"Diyos ko, kinuha na nga niya si Faith, pati ba naman si Caleb? Ano bang klaseng lalaking iyan? Demonyo yata iyan!" ang galit na sabi ng kanyang mama, na naiyak na rin.
     "Kahit ilaban ko ang kaso, walang kasiguraduhan na mapupunta sa akin si Caleb, yun ang sinabi sa akin ng abugado ko" ang pag-amin ni Rain sa kanyang mama, na lumuluha na rin.
     "Magmula talaga nang tumapak iyang lalaki na iyan dito, ay puro pasakit na ang dala niya sa pamilya natin!" Ang malakas at galit na sabi ng kanyang mama.
     Magsasalita sana si Rain, nang may kumatok sa pinto. Nanlalambot man, ay tumayo si Rain habang karga si Caleb, at binuksan niya ang pinto.
     Nawala ang ngiti ni Bryan sa mukha, nang makita ang mukha ni Rain, na mugto ang mga mata, namumula ang ilong, at ang patuloy na pagdaloy ng luha sa mga mata nito.
     "Anong nangyari?" ang nag – aalalang tanong ni Bryan, habang naglalakad papasok sa loob ng bahay.
     "Naku Bryan, hayup talaga yang Deven na iyan!" ang galit na sagot ni Siony.
     Ang nag-aalalang mukha ni Bryan, ay napalitan ng galit, nilapitan nito si Rain, at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
     "Anong nangyari, anong ginawa sa iyo ng tarantadong lalaking iyun?" ang galit na tanong ni Bryan sa kanya, "did he take advantage of you?".
     Rain shook her head, "siya ang ama ni Caleb, lumabas na ang DNA results" ang sagot ni Rain.
     "Shit" sambit ni Bryan na napahilamos ang palad sa mukha nito, "kailan niya sinabi?"
     "Kanina lang" ang sagot ni Rain, "kukunin na niya sa akin si Caleb".
     Niyakap siya ni Bryan, "ssh don't say that, we would not let him have Caleb. Pwede ka pang mag file ng case, for custody".
     Rain shook her head, "sinabi na sa akin ni Atty Ponceta, na maliit ang chance na makuha ko si Caleb, dahil si Deven ang surviving parent ni Caleb, at kapag nakita ng husgado ang DNA result, mabilis na makukuha ni Deven si Caleb".
"Then, we'll asks for visitation rights" ang giit ni Bryan.
Visitation rights? Ilang oras lang niya na makakasama si Caleb? Hindi na siya ang magpupuyat para padedehin ito? Hindi na siya ang magpupunas ng mga luha nito? Hindi na siya ang makaririnig ng mga tawa nito na bumabati sa kanya tuwing umaga? Para na rin siyang pinutulan ng hininga. Umiling siya sa sinabi ni Bryan.
      "Hindi ko kakayanin mawala si Caleb sa akin, kahit isang araw lang" ang lumuluhang sabi ni Rain.
      "Wala na bang ibang paraan para manatili sa atin si Caleb?" ang umaasang tanong ng kanyang mama.
      Natigilan si Rain, pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata, at tiningnan ang dalawang taong, nasa harapan niya.
     "Meron" ang sagot ni Rain.
     "Ano?" tanong ni Bryan.
     "Magpapakasal ako kay Deven O' Shea"
    

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon