Chapter 26

13.1K 339 16
                                    

Natigilan si Deven sa kanyang sinabi, she saw his face turned stern, his wide smile turned into tight pursed lips and his gray eyes loss its twinkle, and now it was filled with anger that's directed at her.
     "How did you know about my wife?" ang galit pero mahina na tanong ni Deven. Kung ang ibang babae ay tumitiklop kapag lumabas na ang Irish temper nito, ay iba si Rain, she looked at him, squarely.
     "Nagpunta ang" she sighed, "current or ex girlfriend mo na si Kelly sa bahay, para kausapin ako" ang galit na sagot ni Rain.
     She noticed his jaw twitched, he's probably trying to contain his anger, she thought, galit kanino? Sa kanya o sa girlfriend na hindi niya alam kung ex na nito.
     "Gusto niyang huwag ko ituloy ang pagpapakasal ko sa iyo" ang dugtong pa ni Rain.
     "What did you tell her?" ang tanong ni Deven, na mas malumanay.
     "Na hindi ko magagawa, dahil you made me an offer, I couldn't resist" ang sagot ni Rain, which is the truth, she thought, "sana bago ka nakipagbreak sa girlfriend mo, ay ipinaliwanag mo muna sa kanya kung anong dahilan, di yung susugurin ako sa bahay, na parang ako ang other woman at relationship breaker, at ako pa ang sasagot sa mga tanong nito" ang galit na sabi ni Rain, at tumikom lang ang mga labi ni Deven.
     "Now, what about your wife?" ang muling tanong ni Rain.
     "What did you know about her?" ang galit na balik tanong sa kanya ni Deven.
     "Nothing Kelly said"-
     "She doesn't know what she's talking about" Deven cut her off.
     "Well where's your wife? Paano tayo maikakasal kung may asawa ka na?" ang muling tanong ni Rain, pero tumikom lalo ang bibig ni Deven.
     Hindi susuko si Rain, kailangan makakuha siya ng sagot sa lalaking ito, kahit pa arrangements lang ang kasal nila, ay ayaw pa rin niyang maging KABIT.
     "Hindi ako magpapakasal sa iyo kung may asawa ka" ang mariing sabi ni Rain.
     Deven snorted "As if we're going to get married because we loved each other" he said sarcastically.
"As if I'm going to fall in love with an egotistical man like you" ang sagot na pang-iinsulto ni Rain, and she Deven, trying to control his temper. Pero, hindi siya natatakot, she's not going to get involved with a married man.
     "Where is she Deven? Where's your"-
     "She's dead!" ang pabulong pero emosyonal na sagot ni Deven.
     Rain was stunned with his answer, dead? Pero sabi ni Kelly, "I don't understand, kung patay na ang asawa mo, bakit sabi ni Kelly na hindi ako patatahimikin ng asawa mo?" ang naguguluhan na tanong ni Rain kay Deven.
     "You stay my wife out of this, wala siyang kinalaman sa pagpapakasal natin , kaya wag mo ng babanggitin ang asawa ko sa usapan" ang mariing sagot sa kanya ni Deven.
     "As if naman gusto kong magpakasal sa iyo" ang sagot ni Rain.
     "Kung ibinigay mo lang sana sa akin si Caleb I don't have to marry you" he spat at her.
     "Kung di mo isinisiksik yang sarili mo kay Caleb at lulubayan kami, hindi ako magpapakasal sa iyo!" ang galit na sagot ni Rain, sabay tayo niya bitbit si Caleb at diaper bag.
     Bigla ring tumayo si Deven ng makita ang ginawa niya.
"Where are you going?" ang takang tanong ni Deven, pagtayo nito at hinawakan siya sa braso at marahan siyang hinila para pigilan siyang umalis.
     She shook her arm to let go of his grip.
"Aalis na ako, walang mangyayaring kasal" ang galit na sabi ni Rain, wala siyang pakialam kahit pa may mga tumitingin na sa kanila.
     "Oh no you won't, you STAY here, dahil sa ayaw mo o gusto mo ay ikakasal tayo" ang mariing sabi sa kanya ni Deven, before he pulled her down to take her seat.
     She looked incredulously at him, eh mas magulo pa pala ang utak nito kaysa sa nasisiraan ng ulo.
     "I thought you don't want to be married to me, now gusto mong matuloy ang kasal, ano ba talaga, MAKE UP YOUR MIND " ang galit pero pabulong na sabi niya kay Deven, at itinutok pa niya ang hintuturo sa kanyang sentido.
     "Caleb needed a mother, at ikaw yun, as much as possible ayaw kong kumuha ng ibang mag-aalaga kay Caleb, and you're very suitable to be his mom" ang sagot ni Deven.
     "Of course I'm SUITABLE, mommy niya ako" ang giit ni Rain.
     "That's exactly my point, kaya nga dapat maikasal tayo so Caleb would have you to be her mom, didn't I told you, na hindi matutuloy ang kasal mo kay Bryan" he reminded her.
     Rain looked at him, she was dumbfounded. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at bahagya siyang napanganga, ng marinig ang mga salitang lumabas sa bibig ni Deven. Hindi makapaniwala si Rain, nang mapagtanto niya ang sinabi nito noon sa kanya sa loob ng kotse.
     "You planned all this" she seethed, her eyes squinted at him.
     "Of course, I won't be a successful oil tycoon kung hindi ko pinag-aaralang mabuti ang mga hakbang ko", then Deven  gave her a smile and she fought the impulse to slap that smug face of his.
     "Tapos na bang dumede si Caleb?" ang tanong ni Deven, then he looked down at his son, na nakakandong kay Rain at nginangatngat ang tsupon ng bote nito.
     "Three days bago ang release ng cenomar, kung tapos na si Caleb"-
     "Uuwi na kami" ang sagot ni Rain, ayaw na niyang makasama ito ng matagal ngayon araw.
     Diyos ko, kung sa loob ng ilang oras ay wala na silang ginawa kundi ang magsinghalan, paano pa kaya kung kasama niya ito sa bahay? Ang tanong ni Rain sa sarili.
     "I think we better start planning the wedding, buy some clothes, and a ring" ang sabi ni Deven.
     Gusto niya sanang sabihin na sa ibang araw na lang, pero dahil sa nasa labas na rin sila, at para isang lakaran na lang at para pagkatapos nito, ay di niya muna ito makita sa mga susunod na nalalabing araw ng buhay niya na sila lang dalawa ni Caleb, bago ang kasal. Kaya pumayag na siya sa suhestiyon ni Deven.
Tumango siya, "okey, nang matapos na ito, at hindi na muna kita makita" ang bwisit na sabi ni Rain at isang nakakainis na tawa lang ang isinagot ni Deven.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon