And as promised he did went home early, earlier than she had expected.
Wala pa kasing five ng hapon ay dumating na ito, at may bitbit na box ng cappuccino cake at basket of fruits.
"You're early" ang gulat na sabi niya rito nang pumasok ito sa pinto, habang nakaupo sila ni Caleb sa sofa at nanunuod sila ng nursery rhymes ni Caleb.
"Hindi ba sinabi kong maaga ako? Will you help me with these please?" ang tanong nito sa kanya.
Mabilis naman siyang tumayo at kinuha ang box ng cake mula sa kamay nito, habang si Deven ay pinipindot ang password sa security lock.
"That's cappuccino" ang sabi sa kanya ni Deven na ang tinutukoy ay ang cake na hawak niya.
Naalala ni Rain noong kasal nila at ang flavor ng cake nila ay cappuccino, nabanggit niya kay Deven na nagustuhan niya ang cake, she was touched and "kilig" dahil naalala nito ang pagkaing nagustuhan niya.
Nakuuuu Rain, ladies man at playboy ang asawa mo, sanay mang uto yan ng babae, hindi lang sayo niya ginawa iyan. Malamang mas higit pa sa unang asawa nito.
"Ah, hindi pa ako nakakapag prepare ng dinner, nagbabonding pa kami ni Caleb" ang sabi Rain.
"Don't worry, kami muna ang magbabonding ng anak ko" ang nakangiting sagot ni Deven sa kanya.
"I'll just change first" ang sabi nito kay Rain, sabay kuha ng cake box sa kanya at ito na ang nagbitbit patungo sa kitchen.
Ilang sandali pa ay bumaba na ito mula sa kwarto, freshly showered na rin ito at nakasando at shorts na lang, he also wore a flip-flops on his feet.
"OK, akin na ang anak kong, habang lumalaki lalong pumopogi" ang masayang sabi ni Deven.
Rain shook her head, mukhang maganda ang naging araw nito ngayon at masaya ang desposisyon nito, ang sabi ni Rain.
She gave Caleb to him, at naupo na ang mag-ama sa malaking couch na pwedeng magkasya ang tatlong tanong nakahiga sa lapad nito.
"Go now woman! And cook our dinner, right son? Say papa?" ang sabi nito sa anak.
Hindi napigilan ni Rain ang matawa, she rolled her eyes on him, saka siya nagpunta sa kitchen to make herself busy sa pagluluto ng hapunan.
Nang maluto na ang kanyang crispy pork liempo, nakita niyang, luto na rin ang kanin sa rice cooker, gumawa siya ng sawsawan at ensaladang mangga gamit ang dalang prutas ni Deven kanina.
Naghain na rin siya sa lamesa, and she checked everything kung may kulang pa sa lamesa. Nang sa tingin niya ay wala na siyang nakalimutan, ay tiningnan niya ang oras at nakita niyang sakto na para sa hapunan.
Then napansin niyang, hindi man lang umiiyak si Caleb, na impress siya sa pagbabantay ni Deven sa anak.
Nagpunta na siya sa salas para sabihin kay Deven na handa na ang dinner, nang magulat siya sa nakita.
Nanunuod ang dalawa sa malaking TV ni Deven, pero sa halip na cartoons o nursery rhymes, or something na pambata, isang action movie ang pinapanuod ni Deven at Caleb.
Nakasandal si Deven sa cushioned backrest ng sofa at nakataas ang mga binti nito sa center table, habang si Caleb ay nakaupo sa kanyang mga hita.
"What are you doing?" ang di makapaniwalang tanong ni Rain dito.
"Isn't it obvious? We're watching" ang sagot sa kanya ni Deven.
"Yeah I know, pero, bakit yan?" ang tanong niyang muli sabay turo sa TV.
"I can't watch cartoons" ang complain ni Deven, "besides, ngayon ko pa lang ito napanuod, I'm too busy sa trabaho, I didn't realized na ang tagal ko na palang hindi nakapanuod ng movie" ang sagot nito sa kanya.
"Pero hindi iyan pwede kay Caleb" ang sagot niya.
"He's enjoying it" ang sagot lang sa kanya ni Deven, na di man lang siya tiningnan at nakatuon ang mga mata nito sa malaking TV screen.
Rain looked at Caleb na nanlalaki ang mga mata at pa minsan minsang nagigitla kapag nagbabarilan na ang mga bida at kalaban.
"Deven luto na ang pagkain" ang sabi niya.
He only nodded but his eyes were still locked on the television screen.
Rain gritted her teeth, tumayo siya harapan ni Deven at nagpamewang. Humigpit ang suot niyang shirt sa kanyang dibdib, kaya bumakat ang kanyang mga dibdib at ang suot niyang lacy bra.
Deven looked first on her face, then it trailed down to her breasts. He could see the outline of lace underneath her shirt at ang slopes ng dibdib nito.
His mouth went dry in an instant and he had the impulse to reach out to her, and touched the soft curves of her breasts.
"Well, mas magandang panuorin yan, kaysa sa pinapanuod ko" ang sabi nito na medyo namalat ang boses.
Nang mapagtanto niya kung saan nakatuon ang mga mata ni Deven, agad niyang ibinaba ang kanyang mga braso sa tagiliran niya.
Sa inis niya ay dinampot niya ang remote at pinatay ang TV. Kita niya ang gulat sa mukha ni Deven, then his eyes squinted on her. Pero hindi siya nagpatinag, she glared at him.
"Hindi ako nagpakapagod na magluto para lang palamigin ko ang pagkain sa lamesa" ang mariin niyang sabi, "it's either tatayo ka diyan para kumain o kakain ka ng cup noodles?" ang banta niya rito.
Deven's mouth formed an "o" and he carried Caleb in his arms saka ito tumayo.
"Oh-oh, Cmon son, someone's turning into lioness right now" ang sabi nito sa anak.
"Yeah you better be scared" ang inis na sagot niya, pero may lihim na ngiti na gumuhit sa kanyang pisngi habang sumunod siya kay Deven na papunta na sa dining.
Kasalukuyan na nilang kinakain ang dalang cake ni Deven, Rain sliced a piece for each of them, including Caleb, na kahit pa ayaw niya, she just gave up, dahil sa pangungulit ni Deven, at baka hilahin na niya ang sariling buhok dahil sa kakulitan nito.
Sinusubuan ni Deven si Caleb ng cake at mukhang enjoy na enjoy ang anak nila. Pero mukhang ang mas tuwang – tuwa ay si Deven. Tinuturuan pa niya itong magsalita habang sinusubuan.
"Pa-pa" ang sabi nito sa anak, bago subuan ng maliit na sliver ng cake.
Rain eyed him, "you better give up, dahil ang unang natututunan ng baby ay ang mga salitang mama" ang giit ni Rain.
"No, not this time" ang tutol ni Deven.
"Tigilan mo na nga iyan!" ang galit na sabi ni Rain kay Deven ng subuan nitong muli si Caleb.
"Why? He loves it" ang giit ni Deven, his gray eyes smiling on her.
"Kapag sumakit ang tiyan ni Caleb, malalagot ka talaga sa akin Deven O' Shea" ang banta ni Rain.
Saka siya tumayo para linisin ang lamesa at sinimulan na niyang ilagay sa dishwasher ang nga plato, kahit pa kaya naman niyang imano-mano ang paghuhugas, ay ipinilit ni Deven na gamitin niya ang dishwasher.
"Ahm, Rain, thank you pala for laundering my clothes, you shouldn't have done that, mayroon naman akong tagalaba" ang nahihiyang sabi sa kanya ni Deven, habang abala siya sa pagliligpit.
"It's okey, and besides, hindi ba sinabi ko na sa iyo na hindi na natin kailangan ng hired help dito sa bahay at wala rin naman akong gagawin" ang sagot ni Rain.
"You've been busy all day?" ang interisadong tanong nito sa kanya.
"Hmm, oo, sa paglilinis ng bahay" ang sagot niya, habang pinupunasan ang lamesa ng malinis na basahan. She could feel Deven watching her every move.
"Oo nga pala, I hope you won't mind kung magkarun ako ng susi dito sa bahay, para kung kailangan ko ring lumabas kasama si Caleb" ang sabi niya rito.
"Sure, I'll give you a set of keys later" ang mabilis na sagot nito sa kanya.
"Good, para naman, malinisan ko na rin yung isang kwarto sa taas" ang sagot ni Rain.
Natigilan si Deven nang marinig ang sinabi ni Rain, at nanlamig ang buo niyang katawan. Tila ba binuhusan siya ng nagyeyelong tubig.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...