Chapter 12

14.7K 353 6
                                    

Nagulat si Rain ng pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanila ang galit na mukha ni Bryan. Nawala rin kasi sa isip niya kanina, na pwedeng pumunta si Bryan sa bahay nila, anumang oras. Pero, wala naman siyang ginawang masama? Sumama lang naman siya kay Deven na mamili ng mga kailangan ni Caleb. Pero, bakit kung tingnan siya ni Bryan, ng mga sandali na iyun ay nahuli na siya nito na gumagawa ng masama?
Isang malapad na ngiti ang iginuhit niya sa kanyang pisngi at humakbang si Rain papalapit kay Bryan, na nananatili na nakasimangot at magkasalubong ang mga kilay, habang nakatayo ito at nakapamewang sa kanila. Lumapit siya at humawak ang kanan niyang kamay sa balikat nito at isang mabilis na halik sa labi ang ibinati niya sa galit na si Bryan.
     Nakakunot ang noo nito, nakapamewang, at nakatuon ang tingin kay Deven, na mukhang hindi rin patatalo o padadaig sa mga titig at masamang tingin ni Bryan.

     Pero ang totoo, sumimangot ang mukha ni Deven, hindi dahil kay Bryan. Dahil hindi si Bryan, ang tinitingnan ni Deven ng pumasok sila sa loob ng bahay, ang mga mata niya ay na kay Rain, na sinundan niya ng tingin ng humalik ito sa mga labi ng nobyo nito na si Bryan.

So, ito pala ang Bryan na sinasabi kanina ni Rain na fiance nito at ang magiging tatay daw ni Caleb? Huh, malabong mangyari ang sinasabi ni Rain. Dahil, hindi siya papayag, na hindi niya makuha ang child custody ng kanyang anak. Kahit pa magpakasal ang dalawa, walang tulong ito na maibibigay kay Rain, para makuha nito si Caleb. And, how can she even say, na fiancé na nito ang Bryan na ito? He didn't see any engagement ring on her left ring finger, ang giit pa ni Deven. At tulad nga ng sinabi niya, he doubts, kung matuloy ang kasal ng dalawa.

     "Ah, Bryan, namili lang kami ni Deven, nga pala Deven, boyfriend ko si Bryan" ang pagpapakilala ni Rain.
     "Fiance" ang mariin na pagtatama ni Bryan sa sinabi ni Rain, "bakit kailangan nyo pang mamili? Tinawagan mo na lang sana ako Rain kanina, para dumaan na ako ng grocery at ako na ang namili ng mga kailangan ni Caleb" ang sabi ni Bryan sa kanya, halata sa boses nito ang pagka inis.
     "I insisted" ang sabat ni Deven,  "saka walang masama sa ginawa ko, anak ko naman si Caleb, so walang problema kung ipamili ko si Caleb ng mga kailangan nito" ang sagot ni Deven, who looked squarely at Bryan, na tila ba nagsusukatan ang dalawa habang nakatayo ang mga ito na magkaharap.
He too was checking his temper, hindi niya dapat pagalitan si Rain, nang dahil sa kanya, he thought.
     "Hindi pa tayo sigurado doon kung anak mo nga siya" ang sagot naman ni Bryan sa kanya, "and besides, magiging anak ko na si Caleb, kapag naikasal na kami ni Rain" ang mariin na sagot ni Bryan.
     Deven snorted, and again his beautiful mouth, twisted into an amused smile, and he shook his head with amusement in his gray eyes. Kaya tumikom ang mga labi ni Bryan ng makita ang nakakainis na reaksyon ng mukha ni Deven.
     "It's very obvious na ANAK ko si Caleb" ang sagot ni Deven, and he lifted an eyebrow at Bryan.
     "Let's wait for the DNA testing, bago mo sabihin yan" ang sagot ni Bryan.
"At hindi na rin ako makapaghintay na mangyari iyan" ang sagot naman ni Deven, na di patitinag.

     "Ahm, Deven, ilapag mo na lang diyan sa sahig ang mga pinamili mo, ako na ang magdadala sa kwarto namin ni Caleb, salamat" ang sabat ni Rain ng mapansin na nagkakainitan na ang dalawa. She could feel the tension building around them, and she intervened, bago pa mauwi sa away ang dalawa.
     Deven looked at Rain, he could tell she's exhausted. She didn't need to be a referee, between two arguing man, he thought. So, kahit pa gusto niyang, siya na ang magdala sa kwarto ng mga pinamili niya para kay Caleb, at tulungan si Rain na ayusin ang mga ito, at kahit pa gusto pa niyang mamalagi pa ng ilang oras para makasama ang anak, ay pinagbigyan niya ang gusto ni Rain, para lang hindi na magdulot pa ng di pagkakaunawaan sa loob ng bahay nina Rain, ng mga sandali na iyun.
     Deven nodded, at inilapag niya sa sahig, sa tabi ng sofa ang bags ng mga pinamili nila.
     "I won't be able to visit Caleb tomorrow Rain, may engagements ako, and speaking of DNA test, sa Sunday na ang scheduled test namin ni Caleb" ang sabi ni Deven.
     Rain looked at him quickly, and she felt her heart beating wildly inside her chest. Sa Linggo na pala iyun? Bakit ang bilis? Ang kinakabahan niyang sabi sa sarili, at para na siyang magpapanic.
   
  Deven saw the nervousness of Rain, pero kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang MAKUHA si Caleb. Hindi na siya papayag na mapalayo ito sa kanya. At hindi na siya papayag sa ganun na arrangements, na siya ang dadalaw para sa anak. Gusto na niya itong makasama, sa kanyang bahay.
     "Susunduin ko kayo ni Caleb"-
     "Don't bother, ihahatid ko sina Rain at Caleb, sasamahan ko sila" ang mabilis at mariin na sagot ni Bryan.
     Deven gnawed the inside of his cheek, he's been controlling his Irish temper, pero mukhang sinusubukan siya ng lalaking ito.
     "Sabihin mo na lang kung saan" ang dugtong pa ni Bryan na utos sa kanya.
     "I'll just call Rain, and give her the location" ang sagot ni Deven, mukhang pinagseselosan siya ng lalaking ito, he thought, "Rain may I have your number?"
      "Ah"-
      "Just tell us, kung saang clinic at saang lugar, mahahanap na namin yun" ang inis na sabi ni Bryan.
     Deven tried to suppressed his laughter, but he had that amused smile on his face again.
     "Rain I still need to get your number" ang sabi niya kay Rain at di pinansin ang nanggagalaiting si Bryan, na mukhang sasabog na anumang oras.
     "Okey" ang naisagot na lang ni Rain, kinuha niya ang cellphone ni Deven, na inabot nito sa kanya. She saved her number on his contacts, at ibinalik na niya ang phone rito.
     Deven looked at his phone, at tiningnan kung naisave ni Rain ang number, at nang makita niya ang pangalan nito, ibinalik niya ang phone sa kanyang jean pocket.
     "I better be going" ang sabi ni Deven kay Rain, nilapitan niya ito para himasin ang ulo ni Caleb. Isang malapad na ngiti ang iginanti ni Caleb sa kanya.
     Then he slightly bend his knees, para maging ka level niya si Caleb a karga pa rin ni Rain, "goodbye son" ang sabi niya rito.
     "Rain" ang pamamaalam niya kay Rain, and he nodded to Bryan, who was still scowling on him. Saka siya mabilis na naglakad, papalabas ng pinto.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon