Halos patakbong sumunod si Rain, sa lalaking mabilis na naglakad patungo sa kanilang kwarto ni Caleb.
Hihilahin niya sana ito, pero di niya ito inabutan, at dahil sa iniiwan niyang bukas lagi ang pinto ng kwarto, dire -diretsong nakapasok sa loob ng kwarto nila ni Caleb si Deven.
Naabutan ni Rain si Deven na nakatayo sa tabi ng crib, she could see the side profile of Deven. That aquiline nose, na hinahangaan niya kay Caleb, ay parehong pareho kay Deven. She admired Caleb's handsomeness, before she thought of his father, na isang good looking at nakuha iyun ni Caleb. Ngayon, parang hindi niya gusto na naging kamukha ni Caleb ang ama nito. Dahil mahirap ideny ang pagkakamukha nilang dalawa.
Nakatungo si Deven kay Caleb na nagpapalahaw na at umaangat na ang kamay at paa. Namumula na rin ang mukha nito.
Deven stood beside the crib, and he was mesmerized by the baby inside the crib. Hindi siya pwedeng magkamali, anak niya ang batang nasa crib.
Agad na lumapit si Rain at dinampot si Caleb, she checked his diaper, pero di pa naman puno ang diaper nito. Nagising ito marahil nagulat ito dahil sa sigaw niya.
Deven looked at his son and at the woman who's cradling him, "what's wrong with him, bakit siya umiiyak?" ang mahina at alalang tanong niya.
"Nagulat lang siya, ipaghehele ko lang siya maya-maya ay tulog na rin si Caleb" ang mahinang sagot rin ni Rain.
Deven just nodded, and he watched Rain lightly shook Caleb inside her arms.
"Caleb, I like that" ang mahinang sabi ni Deven, gusto niya ang pangalan nito, kahit siya, ay yun din ang ipapangalan sa baby niya.
Rain just looked at him, sandali mang tumigil ang pagtatalo nila, ay alam ni Rain na hindi pa sila tapos ng lalaking ito. Lalo na at nakita na nito si Caleb, hindi niya maipagkakaila na anak nito si Caleb. And to think na pinuntahan pa siya ni Faith para ipaalam ang anak nito sa kapatid.
Lumapit si Deven kay Rain, and he watched his son inside her arms, habang unti-unti itong nakatulog sa bisig ni Rain.
Nang makatulog na ulit si Caleb, ay ayaw pa rin itong bitawan ni Rain. Natatakot siya, na baka kapag inilapag niya si Caleb, ay mawawala ito sa kanya.
"ANAK ko si Caleb" ang sabi ni Deven, at hindi iyun tanong, sigurado siyang anak niya ito. Ramdam niyang anak niya ito.
"ANAK KO SI CALEB" mahina man, ay mariin ang pagkakasabi ni Rain.
"Magsisimula na naman ba tayo?" ang patanong at inis na sagot ni Deven. Kukunin niya ang anak niya, anuman ang mangyari.
"Kung anak mo man si Caleb, at sinabi sa iyo ng kapatid ko, bakit ngayon mo lang hinanap si Caleb?" ang galit na tanong ni Rain.
"Di ako agad naniwala, of course, isa lang sa mga dumaang babae ang kapatid mo" ang simpleng sagot ni Deven.
Nagpantig ang tenga ni Rain sa narinig, "so responsable ka pala sa pagkamatay ng kapatid ko, ikaw ang pinuntahan niya nung araw na nadisgrasya si Faith!" ang galit na sabi ni Rain.
"Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng kapatid mo" ang mariing sagot ni Deven.
"Dahil siguro sa pag deny mo sa kanya at di mo siya pinaniwalaan, sa sobrang sama ng loob niya nadisgrasya siya! Dahil sa hindi mo tinanggap ang ipinagbubuntis niya!" ang galit na sabi ni Rain, wala na siyang pakialam kung magising man si Caleb, mailabas lang ang galit niya sa lalaking kaharap, "tapos ngayon, pupunta ka rito at kukunin si Caleb ng ganun na lang?".
"Hindi ako basta basta naniniwala, she was after all, an easy lay" ang mapang insultong sagot ni Deven.
Isang mabilis na sampal sa mukha ang dumapo sa pisngi ni Deven, but he didn't flinched, he just looked straight on her, his gray eyes, turned into a steel.
"Lumayas ka sa pamamahay ko" ang galit na sabi ni Rain.
"I will, pero babalikan ko ang anak ko" ang banta ni Deven.
"Anak ko si Caleb" ang sagot at naluluhang sagot ni Rain, "HINDI ko siya ibibigay sa iyo" ang mariing sagot ni Rain.
"Then, maghanda ka ng abugado mo" ang sagot sa kanya ni Deven, bago ito lumabas ng kwarto. At nang marinig na ni Rain ang pagsara ng pinto sa kanilang salas, biglang nanlambot ang kanyang mga binti at napaupo siya sa sahig, habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya inakala kailanman na darating ang mga sandaling ito.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...