Chapter 7

16.7K 389 3
                                    

Naglalakad na pabalik ng kanilang bahay si Rain, bitbit si Caleb at ang isang diaper bag. Malapit na siya sa kanilang bahay, ng matigilan siya sa kanyang nakita.
     Nakatayo sa labas ng bahay nila si Deven, nakasandal ito sa pinto ng driver’s door ng mamahalin nitong sasakyan. Nakatungo ito at nakatingin sa cellphone nito, tila ba nagbabasa.
     Aatras sana si Rain para di sila makita ni Deven, pero tila ba may magnet na humila sa mga mata nito patungo sa kanila. Saktong pag-atras kasi ng isang paa niya, ay bigla itong lumingon. Nakita niyang nagliwanag ang mga mata nito nang makita sila ni Caleb.
     Nagliwanag man ang mukha nito, ay panandalian lamang, dahil biglang kumunot ang noo nito sa kanya.
     Wala nang nagawa si Rain kundi ang maglakad papalapit sa kanilang bahay. At harapin ang lalaking ito.
     “Anong ginagawa mo rito?” ang galit na tanong ni Rain, kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Bakit ba siya kinakabahan? Ang tanong niya sa sarili. Kinakabahan ba siya, dahil sa nerbiyos o takot? O dahil sa kakaibang dating ng lalaking ito sa kanya?
     “I came here for my SON ” ang mariing sagot ni Deven sa kanya, and he gave her a stern face.
     “I told you before, Caleb is not your son” ang galit na sagot ni Rain, at niyakap niya ng mahigpit si Caleb.
     “You know he’s my son, your sister, knew he’s MINE”, ang mariing sagot ni Deven sa kanya at bahagyang inilapit pa nito ang mukha sa kanya, kaya kitang-kita niya ang kulay abo na mga mata nito na may gold specks.
     “So, nasaan ang sinasabi mong abugado? Nakahanda ako sa kaso para sa child custody” ang mayabang at naghahamon na sagot ni Rain, and she saw na nagregister ang galit sa mukha nito and the side of his jaw twitched.
     “May nauna ng nakakuha sa abugadang gusto ko” ang makahulugan na sagot ni Deven sa kanya.
     Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Rain sa kanya, tila ba pang – aasar kay Deven. Ngunit nawala ang ngiti niya ng makita ang reaksyon sa mukha nito.

     Dapat maasar si Deven, sa isang matamis na ngiti na ibinigay sa kanya ni Rain, dahil alam niya na inaasar siya nito, pero iba ang nadama niya nang makita na naging maamo ang galit na mukha nito.
     Deven caught his breath and he sucked in hard, na parang may sumuntok sa kanya. And instantly his eyes locked on her lips.
     But then, naalala niya ang ginawa nito, kaya muling nakaramadam ng inis si Deven.
     “Nakuha mo man ang abugadang gusto ko, but it won’t guarantee you’ve won. Gusto ko ng DNA testing” ang giit ni Deven at nakita niya na nagulat at kinabahan ito.

     Rain wet her lips nervously, at napansin niyang pinagtitinginan na sila sa labas, alam niyang di pa niya ito mapapaalis, kaya minabuti na lang niyang imbitahan ito sa loob ng bahay.
     “Can we talk inside?” ang tanong ni Rain.
     “I don’t know, I’m afraid I could cause a heart attack on your mom” ang sagot ni Deven, and he gave her a boyish grin.
     Di napigilan ni Rain na di mapangiti sa sagot ni Deven, “ano ba kasi ang pakilala mo sa kanya?” ang tanong ni Rain.
     “Hinahanap ko ang mommy ni Caleb, kasi ako ang daddy niya” ang sagot ni Deven na nakangiti pa rin.
     Mommy? Was he referring to Faith or her? Ang tanong niya sa sarili. Of course siya, patay na si Faith she argued to herself then bakit bigla siyang kinilig nang marinig na siya ang mommy at si Deven ang daddy?
     “Don’t worry, I’ll explain things to her, once we’re inside, but please, wag mo munang iinsist ang tungkol sa custody? Ako na ang magsasabi sa kanya” ang hiling ni Rain, natakot din siya na baka atakihin ang ina.
     Deven, sighed and he nodded for an agreement, makapaghihintay pa siya, at least, madadalaw niya ngayon ang anak.
     Naglakad papalapit sa pinto ng kanilang bahay si Rain, kasunod niya sa kanyang likuran si Deven. He was standing close, behind her. TOO CLOSE . She could smell his cologne. And she felt conscious, alam niyang gulo-gulo na ang kanyang buhok at gusot ang t-shirt.
     He didn’t intend to stand too close behind her, but he wanted to see his child. But instead, his eyes roamed at her nape. He liked, how the way her hair tied up into a high ponytail, pero medyo magulo na ito, and strands of hair have come loose sa pagkakatali ng buhok nito. And he could see some hair curled at her nape. He had an impulse to touch those soft curls.
     Binuksan ni Rain ang pinto, naabutan nilang nakaupo ang kanyang mama sa sofa,hawak nito ang kanyang cellphone at tila na nagtitext.
     Napatingin ito sa kanya ng makita siya nito, at napabuntong-hininga ito nang makita siya. Pero bigla itong napatayo nang makita nitong nakasunod sa kanyang likuran si Deven.
     “Kanina pa kita tinatawagan Rain, hindi ka sumasagot” ang galit na sabi sa kanya ng kanyang mama.
     “Ma sorry po, hindi ko po marinig, naka silent po kasi ang phone ko nang nagpunta ako sa abu”-
     Natigilan si Rain, muntik na niyang masabi sa ina na nagpunta siya sa abugado, ayaw niya munang kausapin ang ina tungkol sa kinakaharap niyang problema.
     Napatingin rin siya kay Deven, na nakamasid sa kanya, tila ba hinihintay nito ang susunod niyang sasabihin.
     “May pinuntahan lang po ako at nakasilent ang phone ko, pasensiya na po” ang tanging nasagot na lamang ni Rain.
     “Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?” ang galit na tanong ng mama niya.
     “Ma, ahm, mag-uusap lang po kami” ang sagot ni Rain.
     “Bakit sinasabi niyang siya raw ang tatay ni Caleb? Totoo ba yun?!” ang galit na tanong sa kanya ng kanyang mama.
     Rain sighed, she was so tired, wala siya sa mood para sa komprontasyon, lalo na sa ina, na halos maghysterical kapag galit.
     “Ma, hindi pa natin sigurado yun, kaya nga nandito siya para makipag-usap” ang sagot ni Rain na halos di bumubuka ang bibig.
     “Pero bakit”-
     “Pasensiya na po kayo Mrs Pluma, kung nabigla ko po kayo kanina, tulad po ng sinabi ng anak ninyo, nandito po ako para makipag – usap” ang putol ni Deven.
     Napansin niya ang pagod sa mukha ng babaeng kaharap, at nakaramdam siya ng, ano nga ba? Tanong niya sa sarili, pero, nang mga sandaling iyun ay gusto niyang tulungan ito, mula sa galit ng ina.
     Natigilan ang mama ni Rain sa pagsasalita, at tiningnan lang si Deven. Tumayo ito, “dun lang ako sa loob ng aking kwarto Rain, tawagin mo na lang ako kapag wala na ang lalaking iyan” ang sabi nito, sabay lakad paalis, para magtungo sa silid nito.
     Napasalampak si Rain sa sofa, karga pa rin niya si Caleb, na sa mga sandaling iyun ay gising na at dinidede ang kamay nito.
     “Mukhang gutom na siya”, ang natatawang sabi ni Deven, sabay turo kay Caleb, na halos buong kamay na nito ang gustong isubo.
     Tiningnan ni Rain si Caleb at natawa rin siya sa hitsura nito, inalis na niya ito sa kanyang carrier, at inihiga sa sofa.
     Rain sighed, napakabigat na pala ni Caleb, nakaramdam na siya ng pananakit ng kanyang balikat.
     “Igagawa ko lang siya ng gatas sandali” ang sabi ni Rain, naalala niyang ubos na pala ang gatas na baon nila kanina, kailangan niyang magpunta sa kusina.
     Inisip niya kung kakargahin ba niyang muli si Caleb, pero masakit na ang balikat niya. Pero gagawin niya ito, wag lang mapalayo si Caleb sa kanya.
     “Ipagtimpla mo na siya ng gatas, hindi ko siya kukunin” ang biglang sabi sa kanya ni Deven.
     Napansin kasi nito na nag-alangan siyang tumayo at umalis, at iwan si Caleb para magtimpla ng gatas.
     “I mean kukunin ko siya, bilang anak ko, pero hindi ko siya nanakawin” ang paliwanag ni Deven.
     Sandali pang tiningnan muna ni Rain si Caleb at Deven, at sumagi sa isip niya na kung itatakas man ni Deven si Caleb, ay imposibleng di niya ito maabutan papalabas ng bahay. At kung kunin man ito ni Deven, pwede niya itong sampahan ng kidnapping at masisira ang pagkatao nito, at mapapasakanya na ang custody ni Caleb.
     Tumayo na si Rain at nagtungo na siya sa kusina, kahit pa sinigurado ni Deven na di nito nanakawin si Caleb, ay nagmadali pa rin sa pagtitimpla si Rain.
     Pagbalik niya ay nabigla at natigilan siya sa nakita.

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon