Ibang Deven na nga ang bumalik sa kanilang bahay, mula ng umuwi sila galing ng Bataan. Kakaiba na ang mga ngiti nito, ang mga tingin nito, at pawang nawala na ang bigat na tila karga nito sa kanyang mga balikat.
Naiba na rin ang relasyon nila sa bahay, naging malapit na silang dalawa at mas tinuturuan na rin ni Deven si Rain, sa pamamalakd ng negosyo nito. Minsan na rin niyang isinama si Rain sa opisina nito, at ipinakita ang pamamalakad niya sa negosyo, ipinakilala din ni Deven si Rain, bilang kanyang asawa sa buong employees ng kumpanya nito. Ginawa na siyang parte ni Deven ng buhay at negosyo nito.
Deven also valued Rain's opinion, before he made a final decision, when it comes to the business. Sa tuwing may mga doubt si Deven sa magiging desisyon niya sa negosyo, di ito nag-aatubili na kausapin at tanungin siya para makuha ang kanyang opinion. Taimtim itong nakikinig sa kanya. Kung sundin man o hindi ni Deven ang opinion niya at bale wala lang kay Rain. Ang importante ay nagpakita ito ng pagpapahalaga sa kanya bilang hindi lang asawa kundi kapareha. At sa tuwina naman ay ang opinion niya o suhestiyon niya ang sinusunod ni Deven.At hindi nagsisimula at natatapos ang araw nila na hindi nangungusap ang kanilang katawan. At pansin ni Rain na hindi na rin ito nananaginip sa tuwing natutulog silang magkatabi. Ibig sabihin ba nito na nakalaya na siya kay Emily? Ang umaasang tanong niya sa sarili.
Pero itong mga nakalipas na araw ay nakaramdam na naman ng pangamba si Rain, dahil mukhang hindi pa rin sila tatantanan ni Emily, dahil napansin ni Rain, na mas napapadalas ang pagdalaw ni Deven sa loob ng silid ni Emily. Although patago pa rin ang pagpasok doon ni Deven, ay sinusundan siya ni Rain.
Kumikirot ang kanyang puso sa tuwing makikita niya si Deven na papasok sa loob ng kwarto na iyun, at mag stay ng matagal.
Masakit para kay Rain na sa kabila ng kanilang magandang pagsasama ay tila si Emily ay isang malaking pader sa kanilang dalawa.
Gusto na sanang kausapin ni Rain si Deven tungkol kay Emily, kaya lang natatakot pa rin siya sa magiging reaksyon nito. Tila naglalakad pa rin siya sa manipis na yelo, at kapag tumapak siya at hindi siya nag-ingat ay mahuhulog siya sa napakalamig na tubig.
Mahal na niya si Deven, pero, kaya ba niyang tanggapin ang isang one sided na relasyon? Kaya ba niyang tanggapin ang sakit? Hanggang kailan niya kayang makita nang ganun si Deven na patuloy sa pagmamahal sa namayapang asawa na tila buhay pa ito?
Ang lahat ng agam-agam na ito ay gumugulo sa kanyang isip, pero lahat ng mga iyun ay iniisantabi niya sa tuwing maiisip si Caleb. Ang pangangailangan nito ng ina at ama. At si Deven na sa tuwing magkaniig sila ay nabuburang lahat ng mga isipin niya.
Pero nananatili pa rin ang tanong kay Rain, hanggang kailan? Hindi ba't isang kilalang playboy si Deven, na kung magpalit ng babae ay parang damit lang? Paano kung magsawa na rin ito sa kanya? Matatanggap niya ba iyun? Ang tanging pinanghahawakn niya ay ang pangako nito na hindi siya nito lolokohin, tulad ng hindi nito panloloko kay Emily noong nagsasama at buhay pa ito. Pero di pa rin niya maiwasan ang mag-isip at kumakabog ang kanyang dibdib sa tuwing sasagi iyun sa kanyang isipan.
Ngunit tila ba malapit nang dumating kay Rain ang kinatatakutan niya.Iminulat ni Deven ang kanyang mga mata, tiningnan niya ang digital clock sa katabing lamesa. Five na ng umaga, at tulad ng magsimula silang magtabi ni Rain sa pagtulog, hindi na siya dinalaw ni Emily sa kanyang panaginip. Sa loob ng limang taon, ngayon lang niya ulit nadama ang pakiramdam ng pagiging malaya at masaya, at dahil iyun sa babaeng natutulog sa tabi niya.
Ito na ang araw, ang sabi ni Deven sa sarili, ang araw na pinakahihintay niya. Dahan-dahang bumangon si Deven para di niya magising ang natutulog na si Rain, naupo siya sa gilid ng kama at dinampot ang boxers na nasa sahig, nag suot din siya ng t-shirt at gartered shorts, saka siya lumabas ng kwarto.
May lukso ang bawat niyang hakbang habang papunta siya sa hardin. Nakita niya ang mga bulaklak na peonies. Lumapit siya sa mga ito at pinagpipipitas ang lahat ng bulaklak. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina para ilagay sa isang bote ang mga bulaklak saka niya nilagyan ng tubig.
Muli siyang umakyat at sinilip niyang muli si Rain na nakahiga pa rin sa kanilang kama.
Isang ngiti na naman ang gumuhit sa kanyang pisngi, dahil sa mukhang napagod niya ng husto si Rain at late na silang nakatulog.
How many times did they made love? Ang nakangiting sabi ni Deven sa sarili. Tingin niya na malapit nang masundan si Caleb. At hindi na siya makapaghintay na dumating ang sandaling iyun.
Tiningnan ni Deven ang nakasarang pinto ng silid ni Emily, at saka niya pinihit ang pinto at pumasok siya sa loob dala ang mga bulaklak.Nagising si Rain nang mapansin na wala na ang mainit na katawan ni Deven sa kanyang tabi. Iminulat niya ang mga mata, at nakita niyang wala na si Deven.
"Deven?" ang pag tawag niya rito. Nang walang sumagot ay bumangon siya at nagsuot ng robe, agad niyang tiningnan si Caleb sa crib nito at na pangiti siya nang makitang himbing na himbing ito sa pagtulog at nakanganga pa ang bibig.
Naglakad siya papalabas ng silid, at pagtayo niya sa labas ng pintuan ay may narinig siyang impit na mga salita. Pinakinggan niyang maigi kung saan iyun nanggagaling at nang mapagtanto niya na sa dating kwarto iyun ni Emily, ay bigla siyang nakadama ng kaba. Tila ba gustong lumabas ng kanyang puso sa lakas ng kabog ng kanyang puso sa kanyang dibdib.
Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at marahang idinikit niya ang kanyang tenga sa pinto ng kwarto. At di na niya napigilan ang maluha dahil sa kanyang mga narinig.
"I love you Emily, you will always be in my heart"-
Tinakpan ni Rain ang kanyang bibig, at pinigilan niya na humagulhol. Mabilis siyang pumasok muli sa loob ng kanilang kwarto, padapa siyang nahiga sa kama, at di na niya napigilan ang lumuha.
At dahil sa umalis agad si Rain, hindi na niya narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni Deven, para kay Emily.Pumasok si Deven, sa dating silid na inokupahan ni Emily. Simula ng mamatay ito ay wala siyang binago sa silid nito, ang mga litrato nito ay nakasabit pa rin sa loob ng silid.
Inilagay ni Deven ang mga bulaklak sa ibabaw ng isang makipot na lamesa kung saan sa itaas nito ay nakasabit ang malaking portrait ni Emily.
Naupo si Deven sa isang upuan na nasa harap ng lamesa, naalala niya ang mga panahon na ginugugol niya noon dito, noong sariwa pa ang kamatayan ni Emily, na halos hindi siya natutulog at na kaharap lang sa portrait nito at nakatingin o nakatulala.
Pero ngayon, kaya na niyang magsimula na muli at bitawan ang mga ala-alang iyun.
"Emily, ilang taon na simula ng mawala ka, naalala ko pa nung una kitang nakita, naalala ko pa kung paano kita minahal at pinagsilbihan, naalala ko pa, kung paano, halos hubarin ko ang pagkatao ko, at nawalan ako ng pagkatao, para lang sa iyo, dahil, labis kitang minahal" ang sabi ni Deven sa litrato ni Emily, na tila nakatingin sa kanya at nakikinig.
"I love you Emily, you will always be in my heart, please forgive me for what I have done to you, as I forgive you and myself" ang sabi ni Deven.
"Now, I can moved on with my life, with the woman that I learned to love, not more than my life, but as my equal"
"I love her as my wife, as a mother to my child and to my future children, and as my partner"
"This will be my last chance and time that I will speak to you, to myself about you, because starting today, I am letting you go and all the things inside this room" ang sabi ni Deven.
Tumayo na siya at hinaplos ang portrait ni Emily, at lumapit siya sa isang closet. Binuksan niya iyun at inilabas niya ang mga nakatagong gamit ni Emily, mga litrato, mga souvenirs nila, para sa tingnan ang mga ito sa huling pagkakataon.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Roman d'amour(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...