Kalong ni Deven si Caleb, at nakaharap ito sa kanya. Habang nilalaro nito si Caleb, by baby talking, kung hindi lang siguro kaaway ang tingin ni Rain kay Deven ng mga sandali na iyun ay, nakakatuwa na tingnan o pagmasdan ang dalawa, lalo pa at dinig na dinig ang muntik at sunud-sunod na halakhak ni Caleb.
Napuno ng emosyon ang dibdib ni Rain. It’s obvious na gustong-gusto ni Deven, si Caleb. At mukha namang, magiging mabuti itong tatay, lalo pa at isang mayaman na tao si Deven, he could very well provide for Caleb.
What the hell was she thinking?! Ang galit na sabi ni Rain sa sarili, nang matauhan at mapagtanto niya ang mga sumagi sa isipan niya. Hindi niya dapat iniisip ang mga ganung bagay, sa kanya si Caleb, KANYA . Kahit pa sa tingin niya na magiging mabuti itong ama, kahit pa kayang ibigay ni Deven ang langit kay Caleb dahil sa yaman nito, ay hindi niya pa rin isusuko si Caleb ng ganun na lang. Minahal na niya at inari na anak si Caleb at hindi niya alam ang mangyayari sa kanya kapag nawala si Caleb sa buhay niya, baka malagutan siya ng hininga. Dahil si Caleb ang kanyang buhay.
Humakbang na siya palapit sa dalawa nang makita siya ni Deven.“Oh look mommy’s here” ang nakangiting sabi ni Deven kay Caleb nang makita niya si Rain na humahakbang palapit sa kanila ni Caleb, at pareho silang natigilan ni Rain sa sinabi niya. Narealised niya ang naging dating sa kanilang dalawa ng mga salitang sinabi niya, na tila ba isa silang pamilya. Napansin niyang namula ang mga pisngi ni Rain.
Para silang isang pamilya, sa sinabi niyang iyun at kung titinggnan sila ng mga sandali na iyun.
Rain cleared her throat, “halika Caleb, dede na ikaw? Bago mo ubusin ang kamay mo” ang malambing na sabi ni Rain kay Caleb, habang kinukuha niya si Caleb sa mga mga kamay ni Deven.
At di maiwasang mahawakan ni Deven ang kamay ni Rain, and they both felt the electric shock na dumaloy sa buo nilang katawan.
Muntik na mabitiwan ni Rain si Caleb, nagulat siya sa naramdaman, she never felt that before, not even with Bryan. Stop this Rain, ang mariin na sabi niya sa sarili.
Halos hilahin niya si Caleb, sa grip ni Deven, at niyakap niya ito ng mahigpit. She kissed the top of his head, at naupo siya sa kabilang dulo ng upuan, malayo sa lalaking nagbibigay sa kanya ng kaba, at kakaibang pakiramdam.
But Rain felt conscious, she could feel the heated stare, he was giving her. Wag kang paranoid Rain, hindi ikaw ang tinitingnan niya, si Caleb, ang sabi ni Rain sa sarili.
Nang maubos na ni Caleb ang kanyang gatas, kinarga siya ni Rain para padighayin, at nang makadighay na ito, at muli niya itong inihiga sa sofa, at naupo na rin siya sa tabi nito.
“I’m sorry, but I still don’t know your name” ang sabi sa kanya ni Deven.
“Rain, Rain Pluma” ang sagot ni Rain.
Deven nodded, and he introduced himself, “I’m Deven O’ Shea” ang pagpapakilala ni Deven. And he extended his hand for a handshake.
Tiningnan muna ni Rain ang kamay nito, sabay sabi sa sarili na, kilala kita, ikaw ang notorious na playboy. Then she sighed, at kinamayan niya si Deven.
And it happened again, the electric current that flowed in their body, shocked Rain. Kaya agad niyang hinila ang kamay niya sa grip ni Deven.
“I’m here to exert my rights to visit my son, habang magpafile pa ako ng case for custody” ang sabi ni Deven.
Biglang bumalik ang galit sa dibdib ni Rain, “rights? Eh hindi mo pa nga napapatunayan na anak mo nga si Caleb” ang galit na sagot ni Rain.
“Sigurado akong anak ko si Caleb, dahil mismong kapatid mo ang nagsabi sa akin, yes it took a while for me to find her. Dahil hindi ko naman siya kilala, and the last time I saw her was, when she went to my office and introduced herself and said that she's pregnant”.
Hindi kumibo si Rain, ayaw niyang tanggapin, kung bakit ginawa pa iyun ng kapatid. My, God! Kung nalaman lang nila na, na si Deven O’ Shea ang nakabuntis sa kapatid, malamang na pinagbawalan na nila ito na huwag makikipagkita pa sa lalaking ito.
“Kaya I’m also here to ask for a DNA testing” ang sabi ni Deven, pero habang nagsasalita siya ay umiling na agad si Rain.
“Why?” ang galit na tanong ni Deven, “gusto mo bang may court order pa para lang sa DNA testing?”
Hindi pa rin sumagot si Rain, she was so scared, unti-unti na kasing nangyayari ang kinatatakutan niya.
“If you’re so sure na hindi ko anak si Caleb, papayag ka sa iminumungkahi ko” ang hamon ni Deven,”not unless takot kang malaman na tama nga ako”-
“Hindi ako takot” ang mabilis na sabi ni Rain, she gritted her teeth,then she sighed, wala rin naman siyang magagawa, dun din naman ang punta nila kapag nagfile na sila ng child custody case,ang sabi ni Rain sa sarili.
She nodded, “alright” sagot niya.
“Bukas” ang mabilis na sagot ni Deven.
Rain vigorously shook her head, “hindi pwede, may pasok ako, next week” ang sagot ni Rain, although alam niyang pwede siyang magleave dahil marami siyang vacation leave na di nagamit.
Deven tried to contain his Irish temper, talagang sinusubukan ng babaeng ito ang pasensiya niya.
“Alright, pero dadalawin ko si Caleb everyday, anong oras ka ba dumarating from your work?” ang tanong niya.She didn’t want, what’s happening right now, masyado nang nagiging involved ang lalaking ito sa buhay nila. Ni Caleb.
“Hindi ko masabi minsan matraffic” ang sagot ni Rain.
“Then tanghali pa lang, nandito na ako”-
“Six!” Rain snapped on him, ayaw niyang pumunta ito sa bahay ng wala siya, she thought, at ayaw niyang mastress ang mama niya nang dahil kay Deven.
Deven smiled smugly on her, “Then I’ll be here tomorrow at six” ang sabi sa kanya ni Deven, saka ito tumayo, at lumapit sa nakahigang si Caleb.
“Goodbye squirt” ang bulong ni Deven sa anak, bago niya hinaplos ang ulo nito. Nagpaalam na siya kay Rain at lumabas na ito ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...