Pag-uwi sa bahay ay nanatiling tahimik lang si Deven, at paminsan-minsan ay kinakausap niya si Rain. Hindi niya alam kung bakit masama ang loob niya rito. Dahil ba sa nadatnan niyang eksena sa hospital? Ito na nga ang sinasabi niya, kapag nagmahal ay prone siya sa sakit.
Nagtaka naman si Rain kung bakit naging tahimik si Deven simula ng dumating ito sa hospital at inabutan sila ni Bryan. Hanggang sa pag-uwi nila ay tahimik lang ito.
Paminsan - minsan lang siya nitong kinakausap, at kapag tungkol pa kay Caleb. Nawala na ang pagiging palabiro nito sa kanya. At hinahanap - hanap niya iyun. Dahil ba sa panaginip nito kay Emily, kaya umiwas na ito sa kanya? Ang masakit na tanong ni Rain sa sarili. Siguro nga, alam naman niya kung gaano pa rin nito kamahal ang dating asawa.
Halos dalawang araw na ganun ang naging sitwasyon nila ni Deven. Parang hangin lang siya na dumadaan at kung batiin man siya nito ay matipid lang. Hindi na alam ni Rain kung anong gagawin.
Hinahanap hanap niya ang mga halik ni Deven at ang paghaplos nito sa kanyang katawan. Deven, bakit? Ang tanong niya sa sarili.
Isang hapon pag-uwi ni Deven, ay dumiretso ito sa kwarto nila ni Caleb. Kasalukuyang pinapalitan niya ng diaper si Caleb nang sumilip ito sa may pinto.
"How's Caleb?" ang bati na tanong nito sa kanya,habang nakatayo ito sa may pintuan.
"Mabilis naman siyang nakarecover, malakas na siya ulit kumain at dumede ng gatas" ang sagot ni Rain, at tiningnan niya si Deven.
Lumapit si Deven sa anak at hinalikan ang pisngi nito, "I love you Caleb" ang mahinang sabi ni Deven sa anak.
Rain watched Deven as he kissed and touched Caleb's cheek. She gave Deven a longing look, her heart reaching out to him.
"Deven" ang sabi ni Rain, gusto niya sanang kausapin si Deven kung may problema ba ito at kung bakit iniiwasan siya nito.
"Rain, mawawala ako ng dalawang araw, kailangan ko pumunta sa Davao, para sa ground breaking at contract signing ng bagong gasoline station na itatayo ko roon, with my local business partner, gusto ko sana kayo isama ni Caleb, kaya lang baka mapagod lang siya sa biyahe" ang putol sa kanya ni Deven.
"Ahm, ganun, ba, kailan ang alis mo?" ang tanong niya, na nasasaktan pa rin dahil sa pag-iwas pa rin nito.
"Ngayong gabi, kukuha lang ako ng gamit at magpapalit ng damit, kailangan kong habulin ang flight ko ng seven" ang sagot nito sa kanya saka ito tumalikod para bumalik sa sarili nitong kwarto.
Nagdaan ang isang araw at dalawang gabi na tila ba napakahaba para kay Rain. Dati ay kuntento na siya na magkasama sila ni Caleb, pero ngayon, ay iba na. Parang hindi na sila kumpleto nang wala si Deven.
Sa susunod na araw pa ang balik ni Deven, she sighed, binuksan niya ang TV, at muli sa lifestyle ay laman si Deven ng balita. Kuha iyun sa ground breaking ng gasoline station at katabi niya ang kanyang business partner na isang magandang babae. Hawak niya sa bewang ang babae habang nagpapakuha sila ng litrato.
"Isang rumored girlfriend ang magandang babae" ang sabi sa balita. Nawalan na ng gana si Rain manuod kaya pinatay na niya ang TV, kaya hindi niya napanuod ang interview ni Deven, na sa unang pagkakataon ay ginawa ni Deven.
"Miss Schimmer is not my girlfriend, I AM HAPPILY MARRIED so please stop the gossips and non sense news, respeto na lang sa asawa ko at sa pamilya ko" ang sagot ni Deven.
Abala si Rain sa paglagay sa mga box ng freshly baked na mga brownie bars na orders sa kanya, idedeliver niya ang mga iyun mamaya. Itinabi niya ang mga gamit niya ng tumunog ang kanyang phone. It was Bryan.
"Hi!" ang masayang bati nito sa kanya.
"Bryan, napatawag ka?" ang bati rin ni Rain.
"Imbitahan sana kita dito sa bahay" ang sagot ni Bryan.
"Bakit anong meron?" ang tanong ni Rain.
"Ehem, nakalimot na talaga" ang sagot ni Bryan.
"Oh, birthday mo nga pala! Happy birthday!" ang bati Rain.
"Wala ako bisita ikaw lang ang papuntahin ko dito sa bahay, gusto ko kasing mag celebrate na tayo lang, kasama si Caleb, kung papayagan ka ni Deven?" ang sabi nito.
Wala pa naman si Deven at bukas pa ang dating saka, sandali lang naman sila ni Caleb, naiinip na rin naman siya rito sa loob ng bahay, maganda na rin na umalis sila nang makapasyal naman sila.
"Sige" ang sagot ni Rain.
"Sunduin ko kayo ni Caleb?"
"Ay huwag na, may daanan pa muna ako may order kasi sakin na idedeliver ko, bigay mo na lang address mo" ang sagot ni Rain.
Agad namang isinulat ni Rain ang sa notepad na nakapatong sa kitchen island ang address ni Bryan. Bago nila pinutol ang pag-uusap.
Agad siyang nagpalit ng damit at pinalitan din niya ng damit si Caleb, saka naglagay ng gamit nito sa diaper bag. Pagbaba niya ng bahay ay kinuha pa niya ang bag ng kanyang mga idedeliver saka siya lumabas ng bahay, na nakalimutan ang isinulat niyang address ni Bryan sa notepad sa kusina.
Maagang bumalik si Deven sa Manila, hindi na niya pinatagal ang stay niya sa Davao. He missed his family terribly. Kaya nakiusap siya na tapusin na lang ang engagement niya sa isang araw para makabalik siya agad.
He missed Caleb and he missed Rain, he realised that he was being stupid, sa pag-iwas niya rito ng mga nakaraang araw. Mahal niya si Rain, mahal na mahal. He's ready to take the risk of falling in love again. Hindi man niya masabi pa kay Rain, pero ipapakita niya ito sa asawa.
Excited na pumasok si Deven sa loob ng bahay, pag enter niya ng security code ay tinawag niya ang pangalan ni Rain.
"Rain?!" ang malakas na tawag niya rito. Nang walang sumagot sa kanya ay umakyat siya ng bahay dala ang kanyang luggage.
"Rain?!" ang muling tawag niya rito, pagpasok niya sa kwarto itinabi niya ang luggage at sumilip siya sa loob ng kwarto nila Caleb.
"Rain?" ang tawag niya, nagpunta pa siya sa loob ng bathroom pero wala ito.
Muli siyang bumaba ng bahay at nagpunta siya sa kusina, wala pa dun sina Rain at Caleb, sinilip na niya ang laundry room hanggang sa labas ng bahay sa pool at garden, pero wala pa rin.
Muli siyang bumalik sa loob sa kusina, napansin niya ang mga box ng goods na walang laman sa ibabaw ng kitchen island. Nagdeliver ba ito ng orders? Kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa ng kanyang pantalon, he was about to make a call kay Rain, nang matigilan siya nang makita ang nakasulat sa notepad na nasa ibabaw ng kitchen island. Instantly, nakaramdam ng galit si Deven nang nabasa ang nakasulat, address iyun, na may pangalan ni Bryan. Agad niyang pinunit ang papel.
He walked angrily towards the door and drove like the devil.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...