Chapter 16

14.4K 329 5
                                    

In fairness to Deven, he waited patiently for Rain. Hindi ito nag complain, o tumingin man lang sa kanyang relo o tumayo at nag palakad-lakad sa loob ng bangko, looking bored or impatient. Hindi ito nagpakita ng pagkainis o pagkabagot sa paghihintay nito sa kay Rain.
     Paminsan-minsan na  may lumalapit  rito, sa tuwing, makikilala ang mukha niya, para magpapicture, eh sino ba ang hindi makakakilala sa isang Deven O'Shea? Na kilala bilang isa sa mayaman na bachelor sa Pilipinas. Ikaw ba naman ang laging laman ng lifestyle section ng balita, tungkol sa pambababae nito, wala bang makakikilala rito?
At kahit pa sinabihan na si Rain ng kanyang branch manager na ipaubaya na ang kanyang trabaho sa isang teller para di na maghintay ng matagal si Deven, he quickly declined, ayaw daw niyang istorbohin ang trabaho nito at ayaw niyang makaabala sa trabaho nila sa bangko. And he was very much willing to wait for her.
     At lihim siyang humanga rito ng, makipag kwentuhan ito sa kanilang gwardiya. May mga sandali na nagtatawanan pa ang dalawa, na tila ba matagal ng magkakilala ang mga ito. Natuwa si Rain, dahil trinato niya itong ka level niya ang isang simpleng gwardiya ng kanilang bangko.
     Napasulyap siya sa malaking orasan na nakasabit sa pader ng bangko. Kung dati ay masaya siya at excited kapag natapos na niya ang kanyang trabaho, dahil makakauwi na siya agad at makikita na niya si Caleb, ngayon? ay parang ayaw niyang matapos ang gawain at makakaharap na niya si Deven. Isang linggo na ang nakalipas mula ng kuhaan sila ni Caleb ng DNA samples, this could mean na may result na, at yun ang naglagay ng kaba sa kanyang dibdib.
     At sa ipinapakitang demeanor ngayon ni Deven?  Na tila ba masaya ito? kinabahan na ng husto si Rain. Mukhang umayon dito, ang result ng DNA. Pinawi niya ang sumagi sa kanyang isipan, hindi! Hindi siya dapat mag-isip ng negatibo, baka naman, talagang pa charming lang itong si Deven, at laging masaya ang ipinapakitang character.
She dreaded this day,pero kailangan na nilang mag-usap ni Deven para matapos na ang anticipation at ang paghihintay, at makapag simula na sa child custody case, kung kinakailangan man.
     Tumayo na si Rain, pinatay ang computer at inayos ang kanyang counter, kahit pa wala naman na siyang aayusin, para lang tumagal pa ng kaunti ang oras. She didn't even bother kung anong hitsura niya, ni hindi siya nagsuklay nor nag retouch ng makeup. At least, magkakarun siya ng bagong tsismis, na naiiba sa lahat, na ang babae na kasama nito ngayon ay mukhang alalay lang nito, ang sabi ni Rain sa sarili.
     Well, she didn't give a damn! Wala siyang pakialam kung pinatasan man siya, dahil hindi naman ito isang date! Magkakape lang sila at isang LABAN ang pupuntahan niya. Laban para kay Caleb.
     She grabbed her bag at lumabas na siya ng kanyang cubicle, nagpaalam na siya sa kanyang mga coworkers.
     Nang makita siya ni Deven, na papalabas ng kanyang cubicle ay tumayo na ito. Hinintay siya nitong makalabas, at ito rin naman ay magalang at magiliw na nagpaalam sa lahat ng kanyang coworkers, lalo na sa matandang security guard nila.
     Deven held open the door for her, para makalabas sila. Then sinabayan siya nitong maglakad, and he guided her, papunta sa sasakyan nito.
     Naghintay si Rain sa tabi nito while he opened the passenger's door for her, and he motioned for her to get in, and she climbed inside the car, at ito naman ay mabilis na naglakad patungo sa kabila para pumasok sa driver's side.
     Once inside ay kinuha ni Rain ang kanyang phone sa loob ng kanyang bag.
     "You won't mind if I call my mama?" ang sabi ni Rain kay Deven, pero nag simula na siyang dumial sa kanyang phone, hindi na niya hinintay pa kung oo o hindi ang sagot nito. Dahil either way, tatawagan pa rin naman niya ang kanyang mama.
    
Deven, bit the inside of his cheek, nang makita niyang she dialled his phone, kahit di pa siya sumasagot. It's not that, hindi siya papayag, he knew kailangan nitong tawagan ang kanyang mama para sabihing malilate ito ng uwi. But, he didn't liked what she did.
     "Ma, hindi pa po may kakausapin lang po muna ako, medyo malilate ako ng uwi, si Caleb po?" ang tanong ni Rain sa mama niya na nasa kabilang linya. Nang malaman nitong kadidede lang nito ng gatas at nasa crib lang ito habang naglalaro, ay nakampante naman na si Rain. Nagpaalam na siya sa ina, at ibinalik na niya ang kanyang telepono sa loob ng bag.
     Pumunta sila sa isang kilalang coffee shop, pagpasok nila sa loob ay dama agad ni Rain ang mga mata ng mga tao sa loob sa kanila.
     Though they were discreet, she could still see na may mga nagbulungan, nang makita sila.
     They were lucky enough na makakuha ng pwesto sa sulok, kung saan mabibigyan sila ng privacy.
     "I'll take your order, what do you want to drink?" ang tanong sa kanya ni Deven.
     "Ako na'ng magbabayad ng iinumin ko" ang sagot ni Rain.
     Deven tried to control his temper, sinusubukan talaga siya ng babaeng ito.
     "Ako ang nagyaya sa iyo rito para magkape at makapag usap tayo, kaya let me buy you a coffee" ang sagot ni Deven, at halatang nagpipigil ito ng galit, dahil halos di bumuka ang bibig nito.
     "Okey you can buy my coffee" ang sagot ni Rain, sabay kuha ng wallet niya sa bag at bumunot siya ng two hundred bills at inilapag niya sa lamesa.
     "Isang tiramisu frostino, coffee based, medio" ang sabi ni Rain kay Deven. Na halatang inis na inis na sa kanya. So, wala siyang pakialam, hindi niya ito kaibigan, she said to herself.
     Inilapit ni Deven ang kanyang mukha kay Rain, "gusto mo bang gumawa ng eksena rito?" ang tanong nito kay Rain.
     "Bakit ikaw ba gusto mo?" ang patanong din na sagot ni Rain.
     Isang ngiti ang isinagot ni Deven, "sanay na ako maisulat sa dyaryo at maipalabas sa TV Rain" ang sagot nito.
     "Huh, puro bad publicity naman ang tungkol sa iyo" ang sagot ni Rain.
     "That's why, I'm not afraid to make a scene, eh IKAW? Ang nakangising tanong nito kay Rain, his gray eyes, turned like a steel.
     Of course ayaw ni Rain na mapagusapan sa TV, alam niyang nananakot lang ito, pero, simula nang lumabas ang tungkol sa kanila noong isang linggo, ayaw na ni Rain na maulit pa iyun.
     Alam niya na sa mga sandaling iyun ay talo siya rito, she snatched her money at galit na ibinalik ito sa loob ng kanyang wallet.
     Isang nakakainis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Deven, para bang pinapakita sa kanya na talo siya. Lalo na ng magsalita ito.
     "One – zero" ang sabi nito sa kanya, his gray eyes twinkling, bago tumayo para umorder ng maiinom nilang dalawa.
     Pagbalik nito ay iniabot sa kanya ni Deven, ang medio coffee based Tiramisu frostino, na binanggit niya kanina. Habang isang cappuccino naman, ang inorder nito para sa sarili.
     Sinimulan na ni Rain na higupin gamit ang straw, ang kanyang inumin, ganun din si Deven. Nakatingin si Rain sa labas, habang tumatagal, na tahimik lang si Deven ay mas lalo siyang kinakabahan.
     Parang suspense thriller, na mas pinatatagal ang pananabik at pananakot sa mga nagbabasa o nanunuod. She gritted her, teeth, di na niya kaya lang maghintay sa balita nito.
 

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon