Chapter 52

14.1K 344 19
                                    

Nagising si Rain, dahil sa narinig niya ang iyak ni Caleb. Bigla siyang napaupo at tiningnan niya si Deven na nakatulog habang nakaupo ito sa tabi ni Caleb. Malalim siguro ang tulog nito at hindi narinig si Caleb na umiiyak.
     Mabilis siyang tumayo at nilapitan si Caleb sa crib dinampot niya si Caleb at nadama na mainit ang katawan nito. Kinabahan si Rain, pinalitan niya ang cool fever na nasa noo nito. At sinilip niya ang diaper ni Caleb, nakita niyang may basang dumi na naman ito.
     Kailangan na nilang madala si Caleb sa hospital, ang sabi ni Rain sa sarili. Mabilis niyang pinalitan ang diaper ni Caleb at lalapitan niya sana si Deven para gisingin nang marinig niyang, nagsimula na itong umungol.
     "Deven?" ang mahinang tawag ni Rain, sabay karga niya kay Caleb at lumapit siya kay Deven.
     Narinig niya nang banggitin nito ang kanyang pangalan, natigilan siya, at nanatili siyang nakatayo sa tabi ni Deven. Lalo na nang marinig niyang sambitin ni Deven ang pangalan ni Emily.
     "Emily mahal kita pero"-ang sambit ni Deven na nagpadurog ng kanyang puso.
      "Emily, Emily" ang paulit – ulit na sabi ni Deven bago ito biglang dumilat at gumising at napaupo ito ng diretso habang naghahabol ng hininga.
     Tumingin siya sa kanyang harapan at nakita nga niyang nakatayo si Rain at tiningnan siya nito habang karga si Caleb.
     "What, what's wrong?" ang tanong ni Deven kay Rain nang makitang karga niya si Caleb.
     Rain tried to swallow the hurt emotion na kanyang nadama.
     "Deven, kailangan na nating dalhin sa hospital si Caleb" ang sagot niya.
     Biglang tumayo si Deven at hinawakan ang mainit na katawan ni Caleb.
     "Mauna na kayo sa baba hintayin nyo na ako sa may sasakyan at sasabihin ko lang kay manang na pupunta tayo sa hospital at hintayin ako rito" ang muling sabi ni Deven at agad namang sumunod si Rain.

    
     Pagkarating nila sa hospital ay agad na in examine si Caleb at makita ang result ng lab test sa dumi nito. Ay nakitang, wala namang matinding sakit si Caleb. Tinanong lang ng Doctor kung ano ba ang mga kinain ni Caleb, kanina.
     At napag-alaman na baka nasobrahan ito sa fruit juice na nainom kanina. Agad namang nabigyan ng gamot sa pagtatae si Caleb, at inilagay na ito sa private room, para mamonitor kung magtatae pa ito sa loob ng tatlong oras. At kapag hindi na ay maaari na silang umuwi.
     Nang mabigyan na ng gamot ang anak at mailagay na ito sa isang private room, ay nagpaalam muna si Deven kay Rain, para bumalik sa bahay at nang maihatid niya si manang Lory sa bahay nito.
     Matiyagang pinagmasdan ni Rain ang natutulog na si Caleb. Naka design ang kama ng private room, na para talaga sa bata, kaya may harang ito sa bawat gilid.
     Tiningnan niya ang oras, alas singko na ng umaga. Tiningnan niya si Caleb, hindi pa naman siguro ito magigising ang sabi ni Rain, she needed a cup of coffee.
     Lumabas siya ng private room para maghanap ng nurse, para patingnan sandali si Caleb, nang marinig niya ang pamilyar na boses.
     "Rain?"
     "Bryan?"
     "Anong ginagawa mo rito? Sinong dinala nyo sa hospital?" ang nag – aalalang tanong Bryan.
     "Si Caleb, nagtae kasi siya saka nilagnat pero okay naman na siya, nabigyan na ng gamot at nakatulog na, ikaw?" ang tanong rin niya.
     "Dinalaw ko yung kasamahan ko sa trabaho, nadisgrasya sa motor, kagabi kaya pinuntahan ko, saan ang punta mo?" ang sagot nito sa kanya.
     "Bibili sana ako ng kape sa ibaba" ang sagot ni Rain, "kaso di ko maiwanan si Caleb, bumalik kasi sa bahay si Deven".
     "I'll buy us some coffee at samahan na rin kitang magbantay muna kay Caleb" ang sagot ni Bryan.
     "Baka naman maabala kita" ang sagot ni Rain.
     "Para namang wala tayong pinasamahan" ang mahinang sabi ni Bryan, at namula ang pisngi ni Rain.
     "Alright" ang sagot ni Rain.

     "So kumusta naman ang buhay may asawa mo Rain?" ang tanong ni Bryan sa kanya, habang nakaupo sila A isang sofa sa loob ng private room at umiinom ng kape.
     Napabuntong-hininga si Rain, "Okey naman" ang sagot niya.
     "Hindi ka ba masaya?" ang mahinang tanong nito.
     Naisip ni Rain ang mga nangyari sa loob ng bahay, nang mga nakalipas na araw, at muling sumagi sa isip niya ang pagtawag ni Deven kay Emily sa panaginip nito.
     "Masaya naman" ang sagot ni Rain.
     "Parang hindi" ang sagot din ni Bryan nang mapansin ang malungkot na tono ng pananalita niya.
     Rain looked at Bryan and smiled sadly, paano niya ba sasabihin kay Bryan? Ang tanong niya sa sarili.
     "Sinasaktan ka ba niya?" ang tanong ni Bryan.
     "No" ang mabilis na sagot ni Rain, physically no, but emotionally yes. Ang gusto niyang sabihin.
     Hinawakan ni Bryan ang kanyang kamay at pinisil iyun, "kung kailangan mo ng makakusap or someone to confide with nandito lang ako Rain" ang sabi ni Bryan.
     Tiningnan ni Rain ang kanilang mga kamay, she was about to say something nang bumukas ang pinto at pumasok si Deven.
     Nakita nito ang magkahawak nilang kamay at nakita ni Rain ang galit sa mukha nito.
     "Am I interrupting something?" ang galit na tanong ni Deven.
     Agad na hinila ni Rain ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Bryan. Lumapit sa kanila si Deven, and he was scowling at them.
     "Sinamahan lang ako ni Bryan, gusto ko kasing magkape, kaso walang maiiwan kay Caleb, then nakita ko si Bryan dito and he offered to get me some coffee at sinamahan niya muna ako" ang paliwanag ni Rain.
    Hindi sumagot si Deven at nanatili lang itong nakatayo sa harapan nila, tapos ay umalis ito para lumapit sa natutulog na anak.
     Bryan gave Rain an apologetic smile, at nagpasya na itong umalis.
     "Ahm, sige Rain, aalis na ako, kung kailangan mo ng kahit ano, alam mo naman na ang number ko, tawagan mo na lang ako" ang sabi ni Bryan sa kanya.
    Lumapit ito sa kama ni Caleb at hinimas nito ang pisngi ni Caleb.
     "Pagaling ka Caleb" ang bulong ni Bryan, "Deven" ang simpleng pamamaalam nito kay Deven, bago ito lumabas ng private room.
     Nagpantig ang tenga ni Deven nang marinig nito na may number na naman siya ni Bryan. Ibig sabihin ay may kontak na naman ang dalawa, ang ngitngit ni Bryan sa sarili.
     Talaga bang gumagawa ang tadhana ng paraan para magtagpo ang dalawa? Hindi nga kaya? Tutal inagaw lang naman niya si Rain dito hindi ba? Maybe they were really meant for each other, at sumingit lang siya sa eksena, ang sabi niya sa sarili.
     He was engrossed with jealousy lalo na nang makita niyang magkahawak ang mga kamay nila. May kirot sa kanyang puso. Hahayaan na  ba niyang masaktan na naman ang kanyang sarili? Ang tanong ni Deven sa sarili.
    
   

The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon