Masakit man sa loob ay umalis na ang kanyang mama patungo sa Bataan. Doon na ito maninirahan sa kapatid nitong balo, at wala ring mga anak na kasama sa bahay.
Inabot ni Rain ang isang envelope sa ina, bago pa ito sumakay sa isang moving truck, na inarkila nila, para magdala ng mga gamit.
Tiningnan pa muna ng kanyang mama ang malaking brown na envelope na kanyang hawak.
"Ano ito?" ang tanong ng kanyang mama na nakunot ang noo.
"Ahm, ma, separation pay ko po, nakuha ko agad, gamitin nyo po pang negosyo sa Bataan" ang pagsisinungaling ni Rain. OK, makakatanggap siya ng separation pay, pero hindi ito ganun kalaki, kumpara sa halaga na iniabot sa kanya ni Deven, nang ihatid siya nito pagkatapos ng dinner nila kasama ang mga katrabaho.Naalala ni Rain kung paano pa sila nagtalo ni Deven, dahil ayaw niyang tanggapin ang ibinigay nitong halaga.
"Hindi ko matatanggap yan" ang galit na sabi ni Rain kay Deven, habang nasa loob sila ng kotse nito at nakaparada sa labas ng kanilang bahay.
"Oh for christsake! Take it" ang galit ding sagot ni Deven.
"Pero napakalaki nito, Deven" ang kunot noong sagot niya.
Deven sighed "Just look at it as a payment ng pagkakautang ko sa pag-aalaga mo kay Caleb" ang sagot ni Deven.
"Walang kapalit na halaga ang pag-aaruga ko kay Caleb" ang galit na sagot ni Rain, "mommy niya ako" giit pa nito.
"I know okey? I'm sorry kung masama ang dating sa iyo pero hindi ko na alam kung anong sasabihin para tanggapin mo ang pera" ang sagot ni Deven na tila ba napapagod na sa pagkontra niya lagi rito.
"Please, just" he sighed "please just take it Rain, regalo ko sa mama mo dahil, ibinigay ka niya sa akin, bilang mommy ni Caleb" ang sabi muli ni Deven.
"Hindi ako nabibili" ang sagot na naman ni Rain.
"Argh", Deven groaned out loud at napayuko na lang ito sa manibela, "please just please take it" pagmamakaawa ni Deven. Ibang-iba si Rain sa mga babaeng nakasama niya. Ibang – iba ito kay Emily, he thought.
Napabuntong hininga si Rain, "alright thank you" ang sabi ni Rain, then Deven sighed with relief.At iniabot na nga niya ang envelope sa kanyang mama, na tinanggap naman nito at nagpasalamat sa kanya. Niyakap pa nitong muli si Caleb saka hinalikan sa pisngi.
"Ingatan nyo po ang sarili nyo mama" ang bilin ni Rain sa ina.
"Iyang sarili mo ang ingatan mo at sana di pa huli ang lahat para magbago ang isip mo, at makaatras ka pa sa buhay na pinasok mo" ang sabi ng kanyang mama, bago ito pumasok sa loob ng moving truck.
Pilit na nilunok ni Rain ang namuong emosyon sa kanyang lalamunan. Ayaw niyang ipakita sa ina, na nasasaktan siya, at siya man ay may pangamba sa desisyon niya. At ngayon nag – iisa na lamang siya, maliban kay Caleb, wala na siyang ibang masasandalan pa.*** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** ***
"Dito po sa kabilang side ang babae, dito naman po ang lalaki!" ang sabi ng mga tauhan sa loob ng PSA.
Bitbit si Caleb sa carrier, lumapit si Rain sa lalagyan ng nga form. Kinuha niya ang kulay green na papel, para masulatan ng application nila for cenomar.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagsusulat nang lapitan siya ng gwardiya. Halata kasing hirap siya sa pagsusulat habang nakatayo at bitbit ang napaka bigat ng si Caleb.
"Ma'am, pwede po kayong maupo muna sa loob habang nagsusulat po kayo, para hindi po kayo mahirapan" ang sabi ng gwardiya sa kanya.
"Ah, sige salamat" ang sagot ni Rain, maglalakad na sana siya papasok, nang tawagin siya ni Deven, na tapos nang mag fill up ng kanyang form at nasa kabilang side ng hall, na designated para sa mga lalaki.
Huminto sa paglalakad si Rain, at hinintay niya Deven.
"Are you finished?" ang tanong nito sa kanya.
"No, hindi pa, mauupo muna ako habang nagsusulat" ang sagot ni Rain.
Deven sighed, sounding irritated, "sabi ko naman sa iyo, na ako na ang magkakarga kay Caleb, ang laki – laki na ni Caleb, mas malaki pa yata ang braso niya sa iyo" ang exaggerated na sabi nito sa kanya.
"I'm fine" ang sagot ni Rain.
"Akin na si Caleb ng matapos ka na diyan at makaalis na tayo" ang sabi ni Deven sabay hawak sa ilalim ng magkabilang side ng carrier ni Caleb. At di na naman sinasadyang, madampian ng mga daliri ni Deven ang pareho niyang dibdib.
And she knew na napansin din iyun ni Deven, dahil bigla itong napatingin sa kanyang mga mata.
Naramdaman din kaya nito ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. At naramdaman na naman niya ang tila electric current na dumaloy sa buo niyang katawan, lalo na pagitan ng kanyang mga hita.
Deven cleared his throat, and nodded at her, at siya naman ang nagsuot ng carrier ni Caleb.
"Sige na tapusin mo na ang ginagawa mo" ang sabi sa kanya ni Deven.
Mabilis na naupo si Rain, and she forced herself to brushed off the feelings she felt kanina. No, hindi siya dapat makaramdam ng desire kay Deven, magiging katawa-tawa lang siya.
Sumimangot ang mukha ni Rain, dahil sa inis sa sarili dahil sa nararamdamang atraksyon kay Deven. Kaya ng matapos siya ay galit na inabot ni Rain si Caleb.
"Tapos na ako, akin na si Caleb" ang galit niyang sabi kay Deven, na nageenjoy sa pag kausap kay Caleb. Muli na namang kumunot ang noo nito, dahil sa tono ng kanyang salita.
"Ako na ang pipila para magbayad, tinanong ko kanina na pwede namang isang bayaran na lang" ang sagot ni Deven.
"O yan!" ang padabog na pag bigay ni Rain ng papel na hawak niya, sa nakaabot na palad ni Deven.
"Meron ka ba ngayon?" ang inis na tanong sa kanya ni Deven.
"Ano?" ang takang tanong ni Rain.
"May menstruation ka ba ngayon? You're acting like someone spit in your coffee lately" ang inis na tanong ni Deven.
Namula ang mukha ni Rain, "akin na si Caleb" ang sabi ni Rain na di man lang bumuka ang bibig.
"I'll take him, di ba Caleb? Para matuto na siya kung paano ang magbayad" ang sagot ni Deven sa kanya, sabay ngiti sa anak.
Lalo lang nainis si Rain, "ako na ang magkakarga kay Caleb"
"Bakit ba? Hindi ko naman siya itatakas, for christsake, ikakasal na nga tayo. Pwede ba, maupo ka na lang diyan, at problemahin mo ang PMS mo" ang mapang – asar na sabi sa kanya ni Deven, bago ito tumayo at pumila sa payment.
Sinundan lang ng tingin ni Rain ang malapad na likod ni Deven, "bwisit" bulong niya. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone at tinext niya ang kanyang mama, para kamustahin ito.
Ilang minuto rin ang nagtagal, bago bumalik sina Deven at Caleb. Naupo ito sa kanyang tabi, pero kita sa mukha niya na iritado pa rin siya kay Deven.
"Mukhang di pa humuhupa ang PMS ng mommy mo ano, Caleb?" ang tanong ni Deven kay Caleb, na pang-aasar kay Rain.
Biglang umiyak si Caleb, "oh, shh my brave son, don't cry" ang bulong ni Deven kay Caleb, pero hindi tumigil ang pag-iyak nito.
"Iyan pati si Caleb, hinawaan mo ng sumpong mo" ang inis na sabi nito kay Rain.
Napanganga si Rain, at nagpantig ang tenga niya sa sinabi ni Deven, sumpong?
"Akin na si Caleb, ginugutom na yan!" ang galit pero pabulong na sagot ni Rain, nagsisimula na kasing kumuha ng atensyon si Caleb.
"Oh you're hungry thank god, akala ko nakuha mo na ang topak ni mommy" ang patuloy na pang aasar nito sa kanya. Bago iniabot ni Deven si Caleb sa kanya.
Rain gritted her teeth, talagang sinusubukan siya nitong kumag na ito, ang sabi ni Rain sa sarili.
Kinuha niya ang feeding bottle ni Caleb, na nasa diaper bag na dala niya. Inalis niya sa Caleb sa loob ng carrier nito, at padabog na iniabot ang carrier bag kay Deven.
"O iyan, hawakan mo" ang galit na sabi ni Rain. Saka padabog na inilapag ang carrier ni Caleb sa mga hita nito.
"Ooh, be careful" ang pabulong na sabi sa kanya ni Deven. At namula ang pisngi ni Rain.
Talagang kailangan niyang makabawi, rito, ang pagngingitngit ni Rain.
Iniabot ni Rain ang bote kay Caleb, at agad itong hinawakan at inilagay sa bibig nito ang tsupon, at malakas na sinipsip ang gatas.
"Good job Caleb" ang sabi ni Deven, pero natigilan siya sa sinabi ni Rain.
"Nasaan ang ASAWA mo?"
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...