Gabi na nang magpaalam sila Deven at Rain, sa kanilang mga bisita. At kahit pa, ayaw bitiwan, ay napilitan ang mga magulang ni Deven na ibigay si Caleb kay Rain. Nagsabi pa ang mga ito na kung magbabago ang isip nila, at maisipan na mag honeymoon na lang, ay nasa hotel lang sila at anytime ay pwede nilang iwan si Caleb sa kanila. Habang nandito pa sila sa Pilipinas.
Isang matipid na ngiti ang tanging isinagot ni Rain sa mga magulang ni Deven, at magiliw siyang nagpasalamat at nagpaalam sa mga ito.
Hindi nga sa honeymoon sila dumiretso, kundi sa inuupahang bahay ni Rain. Kailangan na kasi niyang kunin ang naiwan niyang gamit, na puro mga damit lang naman niya, at mga gamit ni Caleb.
"Deven yung crib ni Caleb, hindi ko pa pala naitupi" ang sabi ni Rain kay Deven, patungkol crib ni Caleb na gawa sa kahoy.
"Leave it! And the rest of his things, may mga bagong gamit si Caleb sa bahay, pinabilhan ko na sa secretary ko" ang sagot sa kanya ni Deven.
Kumunot naman ang noo ni Rain, iwan ang mga gamit na binili niya? Ang tanong ni Rain sa sarili.
"Hindi ko pwede iwan ang mga binili kong gamit Deven, kahit pa marami at mamahalin ang binili mong mga gamit, hindi ko iiwan ang mga binili ko para sa kanya" ang giit ni Rain kay Deven.
Deven sighed, he closed his eyes, pinched his nose bridge and sighed again.
"Alright, alright, if that's what you want, I'm just tired and I don't have time to argue, but leave the crib, mas malaki ang crib ni Caleb sa bahay, he won't be needing that, lalo pa at ang laki na ni Caleb para sa crib niyang iyan" ang sabi ni Deven.
Tiningnan ni Rain ang crib, mukhang tama naman si Deven, hindi na pupwede kay Caleb ang crib nito.
Tumangu-tango siya bilang sagot, at nagsimula na silang maglabas ng mga gamit.
Tinulungan ni Deven si Rain na isakay sa sasakyan nito ang isang maleta na damit ni Rain at isang bag para sa mga damit ni Caleb.
"Ito na ba ang lahat?" ang tanong sa kanya ni Deven, nang maisakay na sa backseat ang maleta at bag.
Rain only nodded at him, saka niya mabilis na iniabot ang susi ng bahay sa kasera na naghihintay na rin sa kanya.
Agad silang umalis, para makauwi na sa bahay ni Deven. At tulad nga ng inaasahan ni Rain, sa isang exclusive subdivision nakatira si Deven.
Once they've passed, the scrutiny of the security from the gate, nag patuloy si Deven sa pagdidrive. Halos lumuwa ang mga mata ni Rain nang makita niya ang naglalakihang mga bahay sa loob ng subdivision. Ang well manicured gardens at lawns ng mga ito, na para bang mahihiya kang umapak man lang.
From Spanish style, French style, at modern style na bahay ay makikita mo sa loob ng mamahaling subdivision. Every house shouts money, at hindi lang money kundi LOTS OF MONEY.
Talagang nalula si Rain sa laki at ganda ng mga bahay sa loob.
Napansin ni Deven na nakamasid sa labas ng bintana si Rain, at halata sa mukha nito ang paghanga sa mga nakikita sa labas.
"Don't get too impress, sa lugar na ito, totoo ang kasabihan na aanhin mo pa ang bahay na bato, kung ang nakatira ay kuwago" ang sabi ni Deven.
Rain looked at him, she was dumbfounded by what he said, "isa ka rin ba sa mga kwagong nakatira rito?" ang tanong ni Rain.
Mukhang hindi naman na offend si Deven sa kanyang tanong, napansin niya na medyo nag-isip pa ito bago sumagot.
"Hmm, siguro, oo" ang sagot nito sa kanya na ikinagulat ni Rain, dahil she expected na hindi ito sasagot ng oo.
"We're here" ang sabi sa kanya ni Deven. At nasurpresa si Rain sa kanyang nakita. She expected something extravagant like the other houses na nakita nila. But his, was not for his type, as being one of the richest man in the country.
Oo, she expected something, contemporary para sa type nitong lalaki, pero ang bahay ni Deven, was only about three hundred square meters in floor area, and maybe seven hundred for the lot area.
Lubhang maliit ito kumpara sa mga mansion na nadaanan nila.
Deven pressed a button at automatically the gate opened quietly, then he drove inside, and parked his car next to another expensive SUV.
Lumabas ng sasakyan si Rain still on her wedding dress habang karga ang tulog nang si Caleb.
Deven opened the door of the back seat para kunin ang mga gamit nila, while she carried Caleb, and she looked at Deven's two storied house.
"Mukhang di ka na impress sa bahay ko" ang biro sa kanya ni Deven.
Rain smiled at him, "no, I love it" ang sagot ni Rain.
And instantly, parang may sumampal sa mukha ni Deven, he remembered Emily, pareho sila ng sinabi ni Rain, nang una niya itong dinala sa kanyang bahay.
Deven cleared his throat, "mabuti naman, come, I'll open the front door, mukhang pagod ka na" ang seryosong sabi ni Deven.
Napansin naman ni Rain na nawala ang ngiti sa mukha ni Deven at sumeryoso ito. May nasabi ba siyang masama? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Mukhang tama nga ang sinabi nito, kwago rin ang nakatira sa bahay niya, ang inis na sabi ni Rain sa sarili habang nakasunod kay Deven papasok sa loob ng bahay.
Nang buksan nito ang pinto, he quickly pressed the password on the security lock, para di ito mag-alarm. He held the door for her and Caleb. Nang makapasok na sila ay lumabas itong muli para ipasok ang mga dala nilang gamit.
Rain stared at the spacious interior of the house. She loved how the interior was designed. It was so simple and clean. Ayaw niya rin ng masyadong magarbong bahay.
Deven closed the door behind him, habang hila ang maleta at bitbit ang isang bag.
"All the rooms are upstairs, here is the living area, next is the dining,, and kitchen. Isang kwarto lang ang nandito sa baba, which is my office.
Deven motioned for her to follow, habang paakyat sila ng hagdan, apat na kwarto ang nasa itaas.
"Here are the spare rooms, at itinuro niya ang unang magkatapat na pinto ng kwarto, on the farthest right is the master's bedroom".
"Dito na lang kami matutulog ni Caleb" ang sabi ni Rain sabay turo sa kwarto na katabi ng master's bedroom.
"But I want Caleb to sleep with me" ang sagot ni Deven.
"That's definitely a big No!" ang pagtanggi ni Rain.
"I already placed his crib inside the master's bedroom" ang sagot ni Deven.
Hindi makapaniwala si Rain sa narinig, "then bibitbitin ko ang crib papunta dito sa kabilang kwarto" ang mariing sagot ni Rain.
Deven sighed, at hinabol sa paglalakad si Rain, na papunta na sa kwarto niya.
He stopped her, "please Rain, for once can we atleast compromise?" he asked, "tutal naikasal na nga tayo dahil kay Caleb, then, let's compromise, because of Caleb".
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong niya.
"Magtabi na tayo sa isang kama, we would be in the same room, with Caleb" ang sagot nito.
Rain looked at him open mouthed, magtabi? E kung sa ngiti pa lang nito, hinahalukay na ang laman-loob niya, yun pa kayang magtabi sila? Ang nangangambang tanong niya sa sarili.
Deven saw na nag-aalangan siya, "didn't I told you, na your virtue will be safe"-
"I know! I know! Naka unli? paulit-ulit!" ang iritadong sagot ni Rain, bwisit, kailangan bang ipamukha na naman sa kanya, na wala siyang dating dito. Akala mo naman, kung magsalita! Ang ngitngit ni Rain sa sarili.
"Alright, I'm exhausted, gusto ko ng maalis ang suot ko at mahiga sa kama" ang sagot ni Rain. Then, she realised what she said, and she looked at Deven's face. He was seriously looking at her, his eyes roaming her whole body.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...