Halos ilang araw na di na nagpakita si Deven, hindi ito dumalaw sa kanilang bahay, para makita si Caleb.
Hindi kaya, nakuha na nito ang result ng DNA test, at negatibo ang lumabas, at para di na mapahiya ito, hindi na ito tumawag at umiwas na lang? Ang tanong ni Rain sa sarili, habang nakaupo sa back lounge ng bangko kung saan pwede silang kumain o magkape.
Wala na rin naman kasing masyadong clients at isang oras na lang ay magsasara na sila.
Muling sumagi sa isip niya si Deven at ang hindi pagpunta nito. Mukhang dapat ba siyang kabahan? Baka may plinaplano itong ikabibigla niya, at bigla na lang kunin si Caleb sa kanya? Hindi kaya gumagawa na ito ng mga hakbang para sa custody? She asked herself.
Well, naghanda na rin naman siya, kahit pa kapos siya sa pera, ay si Atty Ponceta – Ferrera ang kinuha niyang abugado. Kahit gumapang pa siya sa hirap, wala siyang paki alam basta masigurado niya na hindi makukuha ng PESTENG lalaking iyun si Caleb.
Kailangan niyang maging handa, baka bigla na lang siyang bulagain ng kaso nang lalaking iyun. Bwisit talaga! Simula nang dumating yung lalaking iyun, di na naging normal ang buhay nila.
Una buhay ni Faith, buhay ni Caleb, at buhay niya.
Oo pati buhay Niya. Nawindang ng husto ang buhay niya buhat ng tumapak ito sa bahay nila. Yung bwisit na mga ngiti nito, na pakiramdam ba niya ay hinahalukay ang sikmura niya, ang inis na sabi ni Rain sa sarili.
"Wag ka ng magpakita" bulong ni Rain, bago siya tumayo at dinampot ang kanyang mug sa mesa, hinugasan niya ito sa lababo, saka inilagay sa dish drainer.
Nagpunas na siya ng kamay, at pabalik na siya sa kanyang booth ng masalubong niya ang kanyang coworker, na nagmamadali at hanggang tenga ang ngiti.
"RRRain!" ang kinikilig na sambit nito.
"Ano?" ang natatawang tanong ni Rain.
"Paki dampot mo nga ang panty ko sa sahig at nahulog na!" ang mahina pero kinikilig na sabi ng coworker niya.
Napatingin naman si Rain sa sahig, na nakataas ang isang kilay. She shook her head at nagsimula na naman siyang maglakad palabas.
"Hulaan mo kung sino ang nasa loob ng bangko" ang kinikilig pa ring sabi ng kasama,na idinikit ang mga balikat sa kanya habang naglalakad.
"Sino?" ang natatawang tanong ni Rain. Pero natigilan siya sa doorway ng employees lounge.
Please not now, ang sabi ng isipan ni Rain. Nakatayo sa tellers booth si Deven, kausap ang isang matandang babae na client nila, nakasandal ang siko nito sa counter ng kanyang booth. And sa tingin niya, pinakikitaan na naman niya ng kanyang charms ang kanilang matandang kliyente.
Napalingon kay Rain ang lahat ng kanyang coworkers, ultimo ang branch manager nila. She could feel the curious stares ng mga ito sa kanya.
Rain gritted her teeth, and she walked as stiff as a stick, ni hindi gumalaw ang kanyang ulo. Hanggang sa marating niya ang kanyang cubicle. At naupo na siya sa kanyang upuan.
Deven looked at her, sinadya niya talagang di muna puntahan si Caleb ng halos isang linggo. Kahit miss na miss na niya ang kanyang anak. Kailangan niya kasing pag-isipang maigi ang mga susunod niyang hakbang.
At nang makatanggap siya ng tawag mula sa Forensic Analyst, dalawang araw niyang pinag isipan at pinag planuhan ang kanyang desisyon.
"Hi" ang bati ni Deven sa nakasimangot na si Rain.
"Ah, hindi ba dapat, laging nakangiti ang mga tellers kapag may client?" ang pabirong tanong ni Deven.
Hindi sumagot si Rain, and she just glared at him. And there it was again, his amused smile. Gusto niya yatang masuka, ang sabi ni Rain sa sarili.
"Oo naman Rain, lalo na at mukhang bagong client ninyo si Deven" ang sabi ng matandang babae, na kilalang client ng kanilang bangko, kaya kilala na sila nito.
Isang ngiti lang ang isinagot ni Rain sa matandang babae, sabay tingin kay Deven, "Anong ginagawa mo rito?" ang tanong ni Rain, na may pilit at pekeng ngiti sa mga labi niya.
"Tulad ng sabi ni Ma'am, I'm a new client" ang sagot ni Deven.
"May account na ba kayo rito?" ang kanyang tanong.
"Ahm, wala pa" ang sagot ni Deven.
"Then nagkamali ka ng nilapitan, dun ka muna sa new accounts, SIR" ang sagot ni Rain.
"On the other hand, hindi na ako mag-oopen, suplada naman kasi ng teller dito" ang sagot ni Deven.
Hindi na sumagot si Rain, at nagsimula na siyang maglog ng mga transactions niya para sa araw na iyun. Pero di siya makagawa ng maayos, dahil nanatiling nakatayo sa harapan niya si Deven.
"My God, ano bang tinatayo mo riyan?" ang galit pero pabulong na tanong ni Rain.
"Let's have some coffee" ang yaya ni Deven sa kanya.
"May trabaho pa ako" ang sagot ni Rain.
"I'll wait, hanggang three lang kayo hindi ba?"
"Four, then I have to make a log on my transactions, mga five pa ako makakalabas, kung hindi ka makahihintay, pwede ka ng umalis" ang sagot ni Rain.
"I'll wait, maglalaro na lang muna ako ng ML" ang nakangiting sagot ni Deven sa kanya, bago ito naglakad sa isang couch at doon ito naupo at inilabas ang phone para maglaro.
Rain gritted her teeth, she looked around her, she knew that her coworkers, were just being discreet, dahil nandito pa si Deven, pero sigurado siya bukas, isang umaatikabong tanong ang sasalubong sa kanya.
At dahil sa wala ng masyadong kliyente, ipinagpatuloy ni Rain ang kanyang ginagawa, kumuha siya ng tally sheets, para sa mga debit at credit ng accounts.
Kailangan na pareho ang transaction niya sa mga deposit/withdrawal slips, sa record sa kanyang computer.
She tried to focus sa kanyang ginagawa, kahit pa ilang beses na siyang nagkamali ng entry, she could feel the stare of Deven on her. Mukhang napagod na ito sa paglalaro sa cellphone nito at siya na naman ang pinagtripan.
Itinigil na ni Deven ang paglalaro sa kanyang phone, balewala rin naman kasi, at di siya makafocus sa kanyang game.
He kept on glancing kasi, kay Rain. He knew, na isa sa dahilan kung bakit, hindi rin niya dinalaw si Caleb, ay dahil sa tumatayong mommy nito. He didn't like her, yeah, she's so good to look at pero hindi niya gusto ang mga babaeng sumasagot sa kanya.
Ayaw niya kay Rain dahil, hindi ito takot na kalabanin siya. Other girls never questioned nor disobey, kung anong desisyon at gusto niya, yun ang nasusunod. It's better that way, and he wanted it to be like that. Si Emily lang ang nag – iisa at tanging babaeng, pinagsilbihan at sinunod niya, at wala na siyang balak pa na ibigay ang ganun na pagmamahal sa ibang babae.
Pero iba si Rain, namumukod tangi itong, kumakalaban sa kanya. She never choose to be silent, and she fights for her beliefs and opinions. Mukhang nakahanap siya ng katapat sa katauhan ni Rain Pluma.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...