Sunday passed by a little awkward for the both of them. Mula nang mangyari ang kiss nila sa sofa, na muntik pang humantong sa kung anuman, kung di lang nahulog si Rain.
Pawang nag-iiwasan silang dalawa, hindi dahil sa hindi nila gusto ang isa't isa, dahil ang totoo. Kapwa parehong nahuhulog na ang kanilang mga damdamin sa isa't isa.
So ano nga ba ang problema? Batid ni Rain na unti-unti na niyang minamahal si Deven, pero kaya ba siya nitong mahalin? Will she take the risk to love him? What if he rejected her love for him lalo pa't alam niyang hindi pa ito nakakawala sa namayapang asawa nito. Handa ba siyang masaktan mahalin lang niya si Deven?
Si Deven naman ay unti-unti na ring napapamahal kay Rain, kasabay ng unti-unting pagkakawala niya sa sapot ng kanyang nakaraan kasama si Emily. Pero, may agam-agam pa rin siya. Ayaw na niyang magmahal pang muli, ayaw na niya itong maranasan muli, sa kadahilanang hindi pa niya maipagtapat kay Rain.
Dumating ang araw ng Lunes, Kapwa naging abala sina Deven at Rain. Maagang umalis ng bahay si Deven, dahil puno ang schedule nito ngayong araw, habang si Rain ay nag peprepare na ng mga dadalhin niya sa bangko na dati niyang pinapasukan para magdala ng sample na goodies niya.
Tanghali na ng umalis si Rain sa bangko, ubos ang dala niyang sample kapal it naman ng mga orders nito.
Pabalik na sila Rain at Caleb sa bahay, nasa loob na sila ng taxi ng tumunog ang cellphone ni Rain. Agad niya iyung kinuha at nakita ang pangalan ni Deven sa screen.
"Hello" ang hati ni Rain.
"Nasaan na kayo ni Caleb?" ang alalang tanong ni Deven, iniisip niya ang mag-ina niya na nasa labas. Dapat siguro ikuha na niya ng sasakyan si Rain at pag-araling magdrive o kukuha sila ng driver nito. MATANDANG driver, hindi yung bata at good looking, NO! Ang sabi ni Deven sa sarili.
"Pauwi na kami sa bahay, nakasakay na kami sa taxi" ang sagot ni Rain.
"Huwag ka munang umuwi, daan ka muna sa mall, you buy yourself a dress for this evening, may party tayo na pupuntahan" ang sabi ni Deven.
Biglang kinabahan si Rain, party? Kasama ng mga mayayaman at kilalang tao sa lipunan?
"P-pwede ba na sa bahay na lang ako? Walang magbabantay kay Caleb" ang giit ni Rain.
"I need you to come with me Rain asawa kita, puro mga business partners ko ang nasa party, at huwag kang mag-alala, may makukuha akong magbabantay kay Caleb, yung naglilinis ng bahay ko dati, kaya rin magbantay ni Manang Lory ng bata" ang sagot ni Deven.
Rain bit her lip, hindi pa siya Handa na humarap sa mga kaibigan at ka business partner ni Deven, at ayaw din niyang mapalayo si Caleb sa kanya, hindi siya sanay na iwan na lang si Caleb sa ibang tao.
"Please Rain, I need you" giit ni Deven ng hindi agad sumagot si Rain.
Hindi ba sinabi niya kay Deven na magsabi lang ito sa kanya kung may kailangan man ito? So bakit nag-aalangan siya? Asawa na siya ni Deven ngayon, gugustuhin niya bang ibang babae ang kasama nito? She sighed.
"O sige, punta na kami ni Caleb sa mall, formal ba?" ang tanong niya.
"Yes, and call me kapag, tapos ka ng makapamili, dadaanan na lang kita para sabay na tayo umuwi, kailangan ko ring magpalit ng damit" ang sabi ni Deven.
"Okey bye" ang pamamaalam ni Rain, "maong diyan nyo na lang po kami ihatid sa pinakamalapit na mall" ang sabi ni Rain sa driver.
Kasalukuyang nasa isang kilalang bilihan ng mga dresses si Rain, dito rin sila bumili ng wedding dress niya noon ni Caleb kaya kilala na siya ng manager ng boutique na agad siyang inasikaso.
Kung nahirapan siya noon na pumili ng wedding gown mas nahihirapan siya ngayon. She wanted to look classy and sophisticated. But she was afraid to show too much skin.
Mabuti na lang at dala niya ang stroller ni Caleb kaya di na siya nahihirapan na magkarga rito.
Nasa kalagitnaan pa siya ng pamimili sa isang aisle ng dumating ang isang pamilyar na mukha. It was Kelly.
Napalingon si Rain rito, at muli niyang binawi ang tingin ng makita niyang nakita rin siya nito at naglalakad na papalapit sa kanya.
"Oh, hi Rain, so, looks like you're looking for a dress, kasama ka ba ni Deven mamaya sa party?" ang tanong nito sa kanya.
"Obviously, kasi ako ang asawa niya" ang sagot ni Rain, "pupunta ka rin ba?" ang balik tanong niya.
"Of course I was invited" ang sagot nito.
"I don't see any reason why, would they invite you" ang sabi ni Rain.
Nainis si Kelly sa sinabi niya at halata ito ng tumikom ang mga labi nito. Tumayo pa ito sa tabi niya, habang nagpatuloy siya sa paghahanap ng mga damit.
"Mukhang nahihirapan kang maghanap ng isusuot mo, huh bakit kasi hindi ka na lang magpatulong sa mga stylist dito, I think you needed the help very badly" ang sabi ni Kelly sa kanya, habang nakangisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Rain gritted her teeth, talagang hindi siya titigilan ng babaeng ito.
"Actually nahihirapan ako, kasi nakatunganga ka diyan sa tabi ko, para kang langaw na ayaw umalis" ang mapang – insultong sagot ni Rain. At nakita nga niya ang galit na rumehistro sa mukha ni Kelly.
Nagpamewang pa ito, at talagang hindi pa susuko sa pang iinis sa kanya.
"Tell me Rain, hindi ka pa ba ginugulo ng mga ala-ala ni Emily? Ang code ba ng bahay ni Deven ay ang wedding anniversary pa rin nila ni Emily?" ang mapang asar nitong pagtatanong. Natatandaan pa nito noon, noong pangalawang beses itong nakapunta sa bahay ni Deven, she assumed na doon na siya nito ititira at pinilit niyang ipabago ang code ng security. At isang nangangalit na Deven ang sumagot sa kanya at sinigawan siyang wala itong pakialam na baguhin ang code ng bahay na anniversary nila ni Emily.
Tumagos sa kanyang puso ang sinabing iyun ni Kelly. Pinatutunayan lang nito, na sa kabila ng maraming babaeng nagdaan rito, ay di pa rin nabura ng mga ito si Emily sa puso at isipan ni Deven, at mukhang mapapabilang na rin siya sa mga babaeng yun, ang masakit na realisation ni Rain.
"Kapag pinasok pala kami ng magnanakaw ikaw ang main suspect namin dahil alam mo ang password ng security namin" ang sagot ni Rain.
Lalong nabwisit ito sa isinagot niya at padabog itong umalis sa kanyang harapan.
"Bwisit" ang bulong ni Rain, akala niya hindi na aalis pa si Kelly sa kanyang harapan.
"Ma'am, gusto ninyo po bang tulungan ko na kayo?" ang tanong ng store manager a tumulong din sa kanya dati.
"No, I'm okey" ang sagot ni Rain, sabay kuha ng isang dress, isasama niya sana si Caleb sa fitting area nang mag offer ang store manager na tingnan si Caleb para sa kanya habang nagsusukat siya ng mga damit.
Agad na isinukat ni Rain ang isang blue long sleeved satin gown, na may straight cut na palda. Rain looked at herself in the mirror, it looks good on her. She looked classy and conservative, pwede na iyun.
Bitbit ang damit ay lumabas na siya para bayaran ang dress, pero nakita niya si Kelly na suot ang isang sexy dress, mermaid cut ito na may deep neckline kaya kita halos ang mga dibdib nito at straps lang ang likuran part nito. She looked stunning, ang sabi ni Rain sa sarili, while she looked.
Muli niyang ibinalik ang dress sa rack at kinuha ang isa pa na una niyang nakita at nagustuhan, pero nag-alangan siyang isuot. Agad niya itong isinukat, at nang tingnan niya ang sarili sa salamin, ay napabulong siya.
"Here goes Rain" ang bulong niya bago niya hinubad ang dress para bayaran.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...