Nagtaka si Deven, kung bakit dinampot ni Rain ang diaper bag ni Caleb at ang bag nito, gayung nakapag ayos na silang dalawa.
"Wait!.. Rain, saan ka? Kayo, pupunta ni Caleb?" ang tanong ni Caleb, at tumayo siya sa tabi ni Rain para harangan ito.
Rain turned and looked at him amusingly, "aalis kami ni Caleb, schedule ni Caleb para sa immunization niya, patitingnan ko na rin yung gums niya kung tumutubo na nga ang ngipin niya" ang sagot ni Rain.
Deven expelled a sigh of relief, akala niya na lalayasan siya nina Rain at Caleb.
"Can I come? I want to come with you, then diretso na tayo sa mall para mamili ng walker niya at mag grocery na rin tayo" ang sabi ni Deven.
Gusto mang umalis ni Rain na silang dalawa lang ni Caleb, gaya ng nakasanayan na niya, pero batid niyang hindi niya pwedeng tanggihan si Deven. Iba na ang sitwasyon nila ngayon.
Lalo na nang makita niya sa mukha ni Deven ang labis na excitement, natutuwa siya sa pinakikita ni Deven na pagpupursige, na maging parte ng bawat sandali sa buhay ni Caleb.
"I don't think you're ready" ang sagot ni Rain and she eyed him, tinaasan niya ng isang kilay si Deven at tiningnan ang short at sando na suot nito.
Deven gave him a sheepish grin, "give me five minutes" ang mabilis na sagot ni Deven at nagpunta na siya sa kanyang kwarto at hinubad agad ang suot na sando at shorts, not even thinking na nakikita pa siya ni Rain.
Rain was wide eyed, at namula ang kanyang pisngi, nang makita niya ang malapad at trim na upper body ni Deven at nakaboxer lang ito.
Agad siyang umiwas ng tingin at nagtago sa likod ng adjacent door, pero di niya napigilang sumulyap sa pangalawang pagkakataon, and she smiled widely to herself.
Pagkatapos ng appointment nila sa pedia, at mabigyan ng immunisation at maconfirm na nagngingipin na nga si Caleb, ay nagdesisyun muna silang kumain muna sa isang restaurant.
Natagalan din kasi sila sa pedia kanina, dahil na rin sa dami ng mga batang pasyente.
At humanga si Rain kay Deven nang mga sandaling iyun, dahil kahit pa matagal ang kanilang paghihintay ay di ito nagpakita ng pagkainip o inaya siyang umalis na lang at magpalit ng pedia si Caleb.
Rain was touched na iginalang ni Deven ang desisyon niyang hindi na magpalit ng bagong pedia si Caleb, sa mas kilala at mahal na clinic o hospital.
Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso sila sa mall at agad silang nagpunta sa baby section.
Habang buhat ni Deven si Caleb ay matiyaga itong nag-ikot sa mga display ng walkers at strollers, para makapili nang sa tingin nito ay the best walker para sa anak.
He even tested everything, to test na sturdy at safe ang mapipili nilang walker para kay Caleb.
At sa halos mag – iisang oras na pagiikot ay nakapili rin si Deven ng walker at isang toy car na pwede nitong sakyan.
Rain was a bit, skeptic, na pwede nang gumamit ng ganun si Caleb. They argued for a little while, pero nang pinaupo ni Deven si Caleb sa driver's seat at humawak sa manibela, mukhang natalo siya ng dalawa.
Dahil ng ialis ni Deven si Caleb ay nagsimula itong umiyak. And they don't have any choice, kundi ang ibalik ito sa loob ng laruang sasakyan.
But they chose another car for him, yung may pang maneuver sa likod para pwede siyang itulak. At dahil sa ayaw nang umalis ni Caleb, walang choice si Deven, kundi ang itulak niya ang anak sa loob ng mall.
But, in fairness to Deven, hindi ito nag complain. Mukhang tuwang – tuwa pa ito at proud na makita siya ng mga tao na kasama ang anak, na kasama silang dalawa ni Caleb.
At unti-unting nasasanay na rin si Rain, sa mga curious stares at ang iba naman ay makikitang humahanga sa maganda nilang pamilya.
Deven was also patient on waiting for her habang binabantayan si Caleb, habang namimili siya ng mga baking pan at utensils para sa uumpisahan niyang negosyo.
Gusto niya sanang bumili ng stand mixer, pero baka kulangin ang budget niya, kaya isang hand mixer na lang ang binili niya.
"Why didn't you get the bigger one?" ang tanong ni Deven sa kanya, nang mapansin nitong hindi niya kinuha ang stand mixer na una niyang tinitingnan.
"Ahm, okey na ito, mauubos ang puhunan ko kapag bumili ako ng stand mixer, kapag kumita na ako" ang sagot ni Rain.
Deven rolled his eyes and shook his head, tinawag niya ang isang sales lady at nakiusap na ikuha si Rain ng isang stand mixer at nagpa assist na rin sila na idiretso na ito sa cashier para hindi na makahindi si Rain.
"Deven" ang pagtanggi ni Rain.
"Rain please, gamit din natin iyun sa bahay, at kapag walang order sa iyo, ako or kami ni Caleb ang ipagbibake mo ng cake" ang sagot ni Deven, "siguro simulan mo na mamaya pag-uwi" ang nakangiting sabi ni Deven.
Nawala tuloy ang hiya ni Rain, "thank you Deven" ang nahihiyang sabi niya rito.
"Don't thank me Rain, mag-asawa na tayo, please kung may kailangan ka, huwag kang mahiya na magsabi o lumapit sa akin" ang sagot ni Deven.
"Ikaw rin Deven, please don't hesitate na lumapit sa akin kung kailangan mo ng kausap o kung ano man ang kailangan mo, tulad ng sabi mo asawa mo ako" ang sagot din ni Rain, while she looked straight in his gray eyes.
Rain felt breathless, dahil sa intensity ng tingin sa kanya ni Deven.
No please Rain don't say that, ang sigaw ng isipan ni Drake. Dahil baka hindi ka pa handang ibigay ang gusto kong hilingin sa iyo!
Pagkatapos nilang mamili sa mall ng mga gamit, dumiretso naman sila sa supermarket.
Si Deven pa rin ang nakatoka kay Caleb, na siya mismo ang nagpumilit na siya ang magbabantay sa anak. Kaya si Rain ang may tulak ng pushcart.
Namili sila ng mga pang ulam para sa kanilang stock sa bahay. Tapos ang mga kailangan ni Caleb tulad ng gatas, at diapers, at mga toiletries nito.
Nang mabili na nila ang lahat ng kanilang kailangan sa bahay, ay nagpaalam si Rain na pupunta sa baking section ng supermarket para mamili ng gagamitin niyang panimula sa naisip na negosyo.
Namili siya ng harina, asukal, baking powder, baking soda, butter, at kung anu-ano pang sa tingin niya ay kakailanganin niya.
She was about to turn her pushcart para magpunta sa kabilang aisle, when she bumped pushcart with someone.
"Oh sorry!" ang mabilis na sabi ni Rain, sabay lingon niya sa nakabanggaan niya ng pushcart, at nagulat siya sa nakita at siya ay napangiti.
"Rain?"
"Bryan"
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...