Chapter 10

15.4K 389 17
                                    

Huli na ng makarating si Deven sa bahay nila Rain. Tiningnan niya ang oras at nakita niya na lagpas na ng oras na pagdating ni Rain sa bahay nito. Ibig sabihin, kailangan niyang katukin muli ang pinto ng bahay nila Rain para makapasok siya sa loob at makasama ang kanyang anak.
At hindi talaga pumapalya, sa tuwing maiisip niya ang kanyang anak ay hindi niya mapigilan na hindi ngumiti ng malapad. Itong mga nakaraan na araw nga, mula ng malaman niya ang tungkol kay Caleb ay mas naging inspirado siya sa trabaho. Mas nalimitahan na rin ang pagpunta niya sa mga clubs at bars, na madalas niyang puntahan kasama ang kanyang best friend at business partner na si Ace. Though hindi siya huminto, nabawasan naman ito, at sa tuwing lalabas naman siya para mag party ay hindi na siya inaabot ng dis oras sa labas ng bahay. At dahil iyun kay Caleb. Yes, after all this years ay nagkaroon din siya ng anak, at kamukha na kamukha niya, ang nangingiting sabi ni Deven sa sarili habang nagmamaneho. At lagi na lang, sa tuwing matatanaw niya ang bahay nina Rain at Caleb ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa excitement. Of course, excited siya na makita si Caleb, and that's the only reason. Pagdating niya sa lugar nila Rain at nakita niya na may nakaparada sa harapan ng bahay nito, kaya naghanap pa siya kung saan niya pwedeng iparada ang kanyang sasakyan. At nakakita siya sa kabilang side ng kalsada, hindi naman kalayuan mula sa bahay ng mga ito. Pagkatabi niya ng sasakyan ay pinatay niya ang makina at natanaw niya mula sa bintana si Rain na naglalakad at bitbit nito sa harapan ay si Caleb. Mabilis siyang bumaba ng kanyang sasakyan at mabilis na tumawid ng kalsada at naabutan niya si Rain na nakaharap sa sarado na pinto ng bahay nito, saka niya ito binati.

Rain turned around quickly, di siya makapaniwala, akala niya ay balik sa normal ang buhay nila ni Caleb. Pero narito na naman ang lalaking ito, para pestehin siya?! Ang di makapaniwala na sabi ni Rain sa sarili.
  Rain looked at the smiling face of Deven, ang ngiting, nagpapakilig sa mga babae, na halos ikalambot ng mga binti nito.
     Pero paano niya nasabi, na, nakakakilig ang ngiti nito? Ganun ba ang nararamdaman niya? No! Siyempre hindi! Ang pagtanggi niya. Napabuntong-hininga si Rain, kung tutuusin maayos naman ang pagharap nito sa kanila, kaya paano niya nasabing pinipeste siya nito? Dahil ba sa takot siyang makuha nito si Caleb o dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid nito sa kanya? Ang tanong ni Rain sa sarili.
    Of course! Yung naunang dahilan! Ang galit na sabi niya sa sarili. Di siya maaapektuhan ng isang lalaking, katulad ni Deven, ang sabi ni Rain sa sarili.
     "Akala ko di ka na pupunta" ang iritadong sabi ni Rain.
     Napansin ni Deven, ang tono ng pananalita ni Rain, kaya nawala ang ngiti sa mga labi niya.
     "Kailangan ko bang mag-paalam sa iyo na malilate ako ng dating? Kung ganun pala ang patakaran mo, then sana, binigay mo sa akin ang number mo, para mainform kita" ang sagot ni Deven.
     Tumikom ang bibig ni Rain, bwisit talaga itong lalaking 'to! Ang sigaw ng isipan niya. Pero sa halip na magsalita, ay tinalikuran na lang niya ito, at binuksan ang pinto.
     Sumunod naman papasok ng bahay si Deven, di na siya naghintay na imbitahan siya papasok ni Rain, dahil, ito naman na ang naging routine nila, nitong mga nagdaang araw.
     Ipinatong muna ni Rain ang dalang plastic sa ibabaw ng center table sa salas, para maialis niya si Caleb sa carrier nito. Napakabigat na nito at napakalaki para sa isang baby na three months old.
     Mukhang nagmana ito sa kanyang ama, ang sabi ni Rain sa sarili, at napasulyap siya, kay Deven, na sa tingin niya, ay nasa 6'3 ang height. Umabot lang siya sa balikat nito.
     "Akin na muna si Caleb, ako na muna ang magkakarga sa kanya, mukhang pagod ka na" ang sabi ni Deven.
     Ayaw man, ay ibinigay niya si Caleb, dito. And the moment, Deven held Caleb, at nakita siya nito, ay isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi ni Caleb.
     "Hello, son" ang bati ni Deven sa anak, at isang tawa ang iginanti nito. Kaya lumapad ang ngiti ni Deven.
     Rain swallowed hard, di nga maitatanggi na anak ni Deven si Caleb, dahil, carbon copy ang mukha nito sa ama. Pero di siya susuko, di niya kakayanin na mawala si Caleb sa kanya.
     Napansin ni Deven ang laman ng plastic na nakapatong sa lamesita. Tiningnan niya si Rain, na hinihimas ang masakit na balikat nito.
     "Wala na bang gatas si Caleb? Mamili na muna tayo" ang sabi ni Deven kay Rain.
     Parang napahiya si Rain, nang makita ni Deven ang isang maliit na box ng gatas at dalawang pirasong diaper. Ano na lang ang iisipin ng lalaking ito? Hindi niya kayang mag provide para kay Caleb?
     Rain stood up straight, and looked at him defiantly, "kaya kong mag PROVIDE ng gatas para kay Caleb" ang mariing sabi ni Rain kay Deven.
     Deven's gaze fell on her chests, at tumagal ito doon. Namula ang mukha ni Rain, at alam niyang manipis na t-shirt lang ang isinuot niya, dahil sa inakala niyang, di ito pupunta.
     Deven looked on her again, and gave her an amused smile, "well I can see that" ang sagot nito.
     "Hindi iyun ang ibig kong sabihin" Rain said, while she gritted her teeth.
     "Oh, hindi ba, but I can say, you're well equipt" ang dagdag pa ni Deven, kaya lalong namula ang mga pisngi ni Rain.
     Dinampot ni Rain ang plastic sa lamesa na nalalaman ng kanyang pinamili, at tinalikuran niya si Deven.
     "Mamimili tayo? Or I'll stay here longer?" ang banta ni Deven.
     Tumikom ang mga kamay ni Rain, "MAGPAPAALAM LANG AKO KAY MAMA" ang sagot ni Rain na di man lang lumingon kay Deven. Saka padabog na naglakad papunta ng kusina.
    Isang ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ni Deven tanda na siya ang nanalo sa kanilang dalawa.


The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon