"How's Caleb?" ang tanong ni Deven sa kanya. Tulad ng sinabi nito, sinundo siya ni Deven sa bangko, at nagpunta sila sa coffee shop na dati nilang pinuntahan.
"He's fine, Caleb is such a great kid" ang nakangiting sagot ni Rain. Kahit pa malungkot ang kanyang damdamin, maisip lang niya si Caleb, ay hindi niya kayang, hindi ngumiti.
"I know he is, I'm sorry kung hindi ako nakakadalaw sa kanya, although I know, masaya ka at hindi. But, I need to give you and your family time to talk, alam kong hindi nila matatanggap ang desisyon mo" ang sabi sa kanya ni Deven, at dama ni Rain na sinsero ito.
Rain thought about the tension between her and her mother, and the broken engagement with Bryan, mabigat man sa dibdib at nangilid man ang luha sa kanyang mga mata, ay pinigilan niya itong pumatak.
She blinked back her tears, and looked at the man in front of her, straight in his eyes. Ang lalaking nagdulot lahat ng problema at pasakit sa kanyang pamilya, at lalo na sa kanya.
"You're right, hindi nga nila natanggap ang desisyon ko, me and Bryan broke up, my mother got hysterical, at ngayon ay di na ako kinakausap. Aalis na rin siya, at dun na titira sa tiyahin ko sa Bataan, dahil ayaw niyang masaksihan ang pagkasira ng buhay ko dahil sa pagpapakasal sa iyo".
Deven noticed she tried to blink back her tears, and she admired her. She wanted to look strong, and she doesn't want any pity, especially from him.
"I'm sorry to hear that" ang sinserong sabi ni Deven, "but as I've told you, wala sa akin ang problema, ikaw ang ayaw bumitaw kay Caleb, kahit pa alam mong ako ang tunay na ama at parent nito, I only offered this option to you, para lang matulungan ka, pwede kang tumanggi at ibigay na sa akin ng tuluyan si Caleb. Hindi kita pinilit" ang paalala ni Deven.
"I know" ang mariin na sagot ni Rain.
"I will give you visitation rights, two hours everyday if that's what you want" ang dugtong pa ni Deven.
Umiling si Rain sa offer ni Deven na visitation rights.
But I don't want to be just her aunt, I want to be his mom, dahil yun naman talaga ang naging papel ko sa buhay ni Caleb, mula ng ipinanganak ito ang sigaw ng isipan ni Rain, habang diretso siyang nakatingin sa mga kulay abo na mga mata ni Deven.
"You have a CHOICE" ang mariing sabi ni Deven kay Rain, and again he thought of Emily.
"I know, that's why I choose Caleb" ang taos pusong sagot ni Rain. And they stared at each other for a few seconds, before Deven nodded.
"Yun lang ba ang pag-usapan natin?" Rain asked him brusquely, at dahil dun ay kumunot na naman ang noo ni Deven, ano na naman ba ang ginawa niya para mainis na naman ito? Ang takang tanong ni Deven sa sarili.
Talagang kakaiba ang babaeng ito, ibang - iba sa lahat, lalo na kay Emily, ang sabi ni Deven sa sarili.
"No, hindi lang yun, kailangan mo na ring mag-quit sa trabaho mo" ang sabi ni Deven.
"What?" ang gulat na tanong ni Rain, mag quit sa trabaho? Pero paano ang mga mama niya? She thought, walang magbibigay rito ng allowance kung titigil siya.
"Hindi ko pwedeng gawin yun" ang pagtanggi ni Rain.
Deven snorted, "then hayaan natin si Caleb, na magpalit ng diaper at magtimpla ng gatas niya mag-isa" ang sarkastikong sagot ni Deven.
"It's not that" ang galit na sagot ni Rain.
"Then what?" he asked impatiently, his gray eyes squinted on her.
"Si mama, kailangan ko siyang bigyan ng monthly allowance" ang sagot ni Rain.
"I'll do that" ang mabilis na sagot ni Deven.
"Hindi siya o kami TATANGGAP ng pera mula sa iyo" ang mariing sagot ni Rain.
Deven was not offended, mas humanga pa siya rito, he admired her pride. But she has to understood, that things were different now.
"At anong gusto mong gawin natin Rain? Kumuha ng nanny para kay Caleb? Kung ganun din lang pala ang magiging sitwasyon natin, sana ipinaubaya mo na lang si Caleb sa akin at dumalaw ka na lang" ang sabi ni Deven kay Rain.
"I offered you this marriage, so you can be his mother, in every sense of the word, para saan pa ang sakripisyo na pagpapakasal mo?" he said to her.
Rain sighed, tama si Deven, para saan pa ang gagawin niyang sakripisyo kung iiwan din lang niya si Caleb sa pag-aalaga ng ibang tao, pero paano ang mama niya?
Nabasa ni Deven ang pag-aalangan sa mukha ni Rain, iniisip nito marahil ang obligasyon sa kanyang ina, ang sabi ni Deven sa sarili.
"Let's give your mother a big amount of money, sabihin mo, separation pay mo from your work, para di siya mag-isip kung saan mo kinuha ang pera, kung magpapadala ka pa buwan - buwan, kaya isang bigayan na lang, pwede siyang magnegosyo kung gusto niya" ang paliwanag ni Deven.
Rain thought that was a good idea, matutulungan din ni mama ang kanyang kapatid na si tiya Letty na isa na ring balo at walang anak na mag-aalaga at makakasama.
"I-I think that was a good idea" ang sagot ni Rain.
"At last! May napagkasunduan din tayo" ang sabi ni Deven and he sighed with relief.
Napangiti si Rain sa sinabi ni Deven, oo nga, ngayon lang sila nagkasundo sa isang bagay.
Deven smiled back at her, and her heart skipped a beat. No, Rain, pigilan mo ang sarili mo, wag kang maaatract sa lalaking iyan.
"Kailan nga pala ang lipat ng mama mo?" ang mahinang tanong ni Deven, alam niyang masakit kay Rain ang paghihiwalay nilang mag-ina.
"Next week maybe, inaayos na niya ang mga gamit na dadalhin, yung iba, baka Iwan na lang namin sa bahay" ang sagot ni Rain.
"Anong balak mong gawin sa bahay?" ang interisadong tanong ni Deven.
"Umuupa lang kami doon" ang sagot ni Rain.
Deven nodded, "then kailangan na pala nating maikasal agad para makalipat ka na sa bahay"
Parang kinabahan si Rain, the thought of him and her, in the same house, made her nervous. Siguradong magiging magulo ang buhay niya, she thought, ngayon pa nga lang, iisa lang ang napagkasunduan nilang dalawa.
"You need to resign on your job, immediately, tomorrow maybe, para ikaw na ang mag-asikaso kay Caleb. Wala akong full time na kasambahay, nagpapalinis ako ng bahay, once a week, ganun din ang laundry, I really valued my privacy, BUT, if you needed some hired help, pwede naman akong mag adjust" ang sabi ni Deven.
Yes, they needed the privacy from his very COLORFUL public life,ang sabi ni Rain sa sarili. Mas maganda na rin na walang ibang makakita ng situation nila sa loob ng bahay.
"Magreresign na nga ako sa trabaho, ano naman ang gagawin ko sa bahay kung kukuha pa tayo ng hired help, kaya ko naman mag-asikaso sa loob ng bahay, habang nag-aalaga kay Caleb, hindi alagain si Caleb kaya hindi ako mahihirapan" ang sagot ni Rain.
"If that's what you want, but if you needed some help, just let me know" ang sabi ni Deven.
Rain nodded, "is that all? Kailangan ko ng umuwi" ang sabi niya kay Deven.
Deven nodded, "alright ihahatid na kita".It's been an hour mula ng umalis si Deven sa kanilang bahay. Pagkarating nila, ay agad na pumasok sa loob ng kwarto nito ang kanyang mama.
Di naman iyun minasama ni Deven, alam niya ang hinanakit nito sa kanya. Isang oras itong namalagi sa bahay, para makipag bonding kay Caleb.
Nang may bigla na namang may kumatok sa kanilang pinto. Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras, ang tanong ni Rain sa sarili.
Pagbukas niya ng pinto, ay nakaharap niya ang isang matangkad at magandang babae. Her color blue eyes, looked sharply at her.
"Miss Rain Pluma? We need to talk" ang mga salitang lumabas mula sa kulay pulang mga labi ng magandang babae sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...