Nag iisip ako ng mabuti kung pupuntahan ko siya, masama pa rin ang loob ko sa kanya, kahit sino naman siguro pag nakapanood ka ganun masasaktan, sino ba ng hindi masasaktan kong maririnig mo mismo sa bibig ng isang Dhruv Fugo ang salitang sagrado na dapat kayo lang dalawa ang makakarinig pero hindi, he said it right infront of that friend of her, sinong hindi masasaktan when he said those 3 words 'i love you' tapos hinalikan siya ni shasha he kiss her back, kaya paanong hindi ako masasaktan? Sobrang sakit na makita silang ganun, sobrang sakit halos hindi mawala wala sa isip ko ang nakikita ko, hindi ko na nga alam kung ano pa ang kasunod nilang ginawa."Anak" napalingon ako kay daddy, ngumiti siya at pinisil pisil ng kamay ko kaya ngumiti ako, umupo si daddy sa gilid at tinignan ako.
"Alam kong alam mong gustong gusto ko si dhruv para sayo" tinignan ko lang si daddy.
"Hindi namin alam kung ano man ang nakita mo sa oras na yun pero pakinggan mo ang side niya anak, wag kang bastang bastang mag dedesisyon, you need to ask him" napahinga ako ng malalim.
"Ayokong pagsisihan mo to anak" napaiwas ako ng tingin kay daddy.
"Alam mo ba ganyan din ko noon, gago" i look at him again but he just smile.
"Kung alam mo lang kung gaano ko nasaktan ang mommy mo" i just look at dad na nasasaktan.
"Pero pinatawad ako ng mommy mo kahit sa dinami dami kong kasalanang ginawa sa kanya, anak sana ganun ka rin, pakinggan mo muna si dhruv, hindi naman tayo perpekto diba?" Marahan nalang akong tumango.
"Go see him now, ikaw na lang ang umintindi kay dhruv, as right now he wakes up already but still in critical condition" napalunok ako sa sinabi ni daddy saka niya ako hinalikan sa noo at umalis muna siya, nag isip ako ng mabuti kung pupuntahan ko ba talaga siya, but then my body moves, dahan dahan akong tumayo not wearing any slipper on my feet, basta nalang tinahak ko ang ICU but some nurse stops me to get in.
"Let her be please" rinig kong sabi ng kapatid niya saka naman nila binuksan ang pintuan, habang papasok ako palakas ng palakas ang kabog ng puso ko, and when i finally saw him, laying on bed like a lifeless doll, he had a neck brace on and oxygen, may bandage din siya sa ulo niya, may IV Fluids and bloods connected to him, ng makalapit ako sa kanya, may mga sugat siya sa mukha niya at braso, naninikip ang dibdib ko dahil sa nakikita ko, bigla nalang tumulo ang luha ko at napahinga ako ng malalim, hindi ako makagalaw dahil hindi ko alam anong gagawin ko.
"I already told you ikaw ang first boyfriend ko kaya wag na wag mo akong sasaktan" mahinang sabi ko when his eyes suddenly open and his looking at me.
"I know hindi naman talaga yun mangyayari cause you already did hurt me dhruv" umiiyak ako sa harap niya and i saw his tears fall on.
"I---m so---rry" mahina niyang sabi kaya mas lalo lang akong umiyak.
"Do you really love me?" Tanong ko sa kanya at umiiyak siyang nakatingin sa akin, he raise his hand saka niya hinawakan ang kamay ko,
"So much babe" naiyak ako sa sinabi niya.
"Then why? Bakit mo sinabi sa kanyang mahal mo siya? Why you kiss her back?" Sunod sunod kong tanong sa kanya at tanging umiiyak lang siya.
"All along i thought your feelings were true to me, akala ko sa simula pa lang mabait ka, you were worried and sincere at me pero hamak na panakip butas mo lang pala ako, you used me just to make her jealous? You do it kasi alam mong gusto kita?" Umiiyak lang siya not even answering me,
"hindi ka ba naawa sa akin? Ibigay ko ang bou ko sayo tapos malalaman ko lang na it's just a part of your plan?" Umiling iling siya.
"I admit yes yan ang plano ko but i just realized everyday i am with you i fall inlove with you kaya pinagpatuloy ko kasi wala namang nakakaalam sa plano ko, babe believe me, simula ng sinabi ko sayong hihintayin kita sinabi ko sa sarili kong mamahalin kita higit pa sa buhay ko, oo noon ginamit kita pero noon yung nag tratrabaho ka pa sa restaurant pero nang umalis ka hindi na kasali yun sa plano ko, wala na babe, maniwala ka sa akin babe" tinignan ko lang siya
![](https://img.wattpad.com/cover/129469527-288-k69348.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hot Chef And His Lover (18+)
Romance[COMPLETED] Series 3: Dhruv Fugo (BOOK 1) Smile is a sweet girl at the same time matigas ang ulo, what she want will make her want to desire to make it, she's the one and only girl of Sykes Smith Lee also known as Damian, Smile want to pursue coo...